The Philippine Online Chronicles

The POC
Saturday
May 26
Home Commentary Eh Ano Ngayon: Top 10 Yearend Edition, Part 1 of 2

Eh Ano Ngayon: Top 10 Yearend Edition, Part 1 of 2

At muli, nagbabalik ang inyong abang lingkod, matapos ang isang taon ng kakaibang tuwa, kaba, saya, lungkot, at kung anik-anik pa. Ang hirap din isipin kung anu-ano ang sampung naging pinaka-nakakagimbal na mga pangyayari sa showbiz, subalit kakayanin itetchiwa ng powers ko. Hindi ko rin sukat isipin na ganito karami ang nangyari sa mundo ng showbiz. Tila sunud-sunod ang mga balitang gumulantang sa Pilipinas, ngunit heto ngayon ang lola ninyo, hirap na hirap na pababain ang listahan hanggang sampu.

Hindi na po ako magpapatumpik-tumpik pa, at uumpisahan ko na agad sa unang limang mga paksa na talagang tinalakay, pinagkaguluhan, at pinagkakitaan sa larangan ng showbiz:

 

10. Paalam, Redford White at Palito: Nagimbal ang mundo ng showbiz nang pumanaw ang mga batikang komedyanteng sina Redford White at Palito. Hindi akalain ng mga taon na mawawala na lang ng ganoon si Redford White, at nakakahiya man isipin, marami ang nagulat nang nalaman nilang buhay pa pala si Palito bago siya namatay sa taong itetchiwa.

Maraming kontrobersya at kuru-kuro ang bumalot sa pagkamatay ng dalawang tanyag na komedyante. Mula sa mga naging babae ni Palito hanggang sa pagtago ni Redford sa kanyang karamdaman mula sa publiko hangga’t huli na ang lahat, hindi pa rin natin sukat akalain na ganito ang kanilang kahihinatnan. Sa kabilang dako, marahil natuwa naman si Jojo Acuin dahil malamang sa hindi, nanghula siya noong 2009 na may mamamatay na sikat na artista sa 2010, at ayun na nga’t nagkatotoo.

Eh ano ngayon?!? Nahulaan ba ni Jojo na mamatay din siya? Kalohka naman!

9. Ang pagbabalik ng Batibot:Wala man sina Pong Pagong at Kiko Matsing, matapos ang napakaraming taon, muling nagbabalik ang programang Batibot sa himpapawid, kung saan muling magbibigay ng mga aral ang tulad nina Madam Bola at Kapitan Basa sa mga kabataan tulad ng ginawa ng Batibot dati sa mga dalawang henerasyon ng kabataan. Marahil tuluy-tuloy pa rin ang edukasyon mula sa Sesame Street, ngunit iba pa rin ang ginawa ng Batibot pagdating sa pagtuturo ng magagandang ugali at mga simpleng konsepto tulad ng alpabeto at pagbibilang. Sino ba ang makakalimot sa mga tanyag na awitin tulad ng “Alin Ang Naiba?” at ang mismong pamagat ng programa, “Batibot” na siyang bumubungad sa mga manonood mula noon at hanggang sa ngayon? Exciting na exciting!

Marami ang tuwang-tuwa sa pagbabalik ng Batibot dahil nang nawala siya sa telebisyon noong 2002, walang programang pumalit at naging tunay na pamantayan kung ano ang uri ng telebisyong angkop hindi lang para sa bata kundi rin sa kanilang pagkakaroon ng mga pagkakataong matuto at higit pang maging produktibo sa kanilang pagtanda. Matagal na pananaliksik din ang kanilang ginugol upang maibalik ang Batibot at maging isang mainam at kapita-pitagang programa, ngunit lahat ng ito ay dapat lang mangyari.

At ayan na nga at nagbalik na rin ang Batibot, sa wakas. Eh ano ngayon?!? Gisingin niyo ako kapag bumalik na rin ang ATBP, okei? Nakakatuwa yung kanta nila ng A-B-C-D, eh.

8. Ang major-major na pamamayagpag ni Venus Raj: Hindi pa halos nakabangon ang Pilipinas sa kagimbal-gimbal na balita ukol sa Quirino Grandstand Tragedy, nag-uwi naman ng malaking parangal si Bb. Pilipinas-Universe Venus Raj, na siyang kumatawan sa Pilipinas sa nakaraang Ms. Universe.

Hindi naming sukat akalaing aabot sa finals ang napakagandang dilag na itetchiwa, ngunit, subalit, datapwat, tuwang-tuwa ang sambayanan nang makitang maaaring siya na ang sunod na maging Pilipinang Ms. Universe matapos huling mapanalunan ito ni Bb. Margie Moran noong 1973, hight tatlong dekada na rin ang nakararaan.

Muntik na sanang manalo si Venus sa Ms. Universe kung hindi lang medyo sumablay ang kanyang pagsagot sa Question and Answer portion...

 

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

At iyan ang kanyang naging major-major na pagkakamali.

Ayan tuloy, hindi nanalo si Venus dahil halatang masyadong normal ang kanyang buhay, at wala siyang trahedyang pinagdaanan na nakapag-iba sa kanyang tugon. Eh ano ngayon?!? Mahal ka pa rin naming lahat, Venus! Gora gora gora lang!

7. Robin at Mariel, tila hindi tao, hindi hayop, kundi bagay: Ang bilis ng pangyayari. Sa gitna ng kung anu-anong intriga, nagkatagpo ang dalawang itey at walang sabi-sabi, biglang nagpakasal.

Sa totoo lang, hindi pa rin sukat akalain ng inyong abang lingkod na ganito kalaki ang magiging ugong-ugong nang magkaaminan ang dalawa, ngunit talaga naming ibang klase din ang sunud-sunod na nangyari kay Binoe at Mariel sa loob lamang ng isang taon.

Nag-umpisa sa paghihiwalay di-umano ni Wil at ni Mariel, at ang naging ugnayan ni Robin at Mariel nang nagkasama silang dalawa sa Wowowee nang umalis si Willie Revillame sa programa. Dito, matapos ng tuksuhan, kitang-kita kung gaano katamis ng pag-iibigan ng dalawa, at sa gitna nito, ang kung sinu-sinong mga taong nakaaway o nakatampuhan nila, mula kay Toni Gonzaga hanggang kay Luis Manzano, hangga’t bigla na lamang nawalang parang bula sina Binoe at Mariel, at napag-alaman na lang ng buong bansa na nagpakasal na pala ang dalawa.

Parang pelikula lang, ano? May mga naghinalang hindi na babalik pa sa Maynila o maging sa Pilipinas ang mga bagong-kasal, ngunit pagbalik na pagbalik nila, inulan naman sila ng intriga, at ngayon, halos hindi mo na mapanood sa telebisyon ang dalawa dahil lumipas na ang interes ng madla sa kanilang mga pinaggagawa.

Kay haba-haba man ng prusisyon sa mosque din ang destinasyon. Eh ano ngayon?!?

6. Ang paglusob ng P-Pop sa Pilipinas: Marami ang nagsasabing gaya-gaya lang ang K-Pop ng Korea sa J-Pop mula sa Japan. Marahil, makikita ang mga pagkakapareho: isang uri ng tunog na madaling sayawan, magkahalong sariling wika at Ingles na balu-baluktot, at kakaibang pananamit ang mga bagay na madaling mapuna sa J-Pop at K-Pop. Sabihin na nating totoong gaya-gaya ang K-Pop sa J-Pop: ano naman ang ihinuhudyat nito para sa tinaguriang P-Pop?

Medyo nakakapagtaka na wala pang P-Pop na mga babaeng nagsusubok makapasok sa ating industriya, ngunit dalawang grupo ng mga FPLP (As in “Feeling Papable, Looking Patapon”, na binibigkas as “pa’-ta-pon’”...) ang namamayagpag ngayon, at ang hahaba ng mga herr nila, pero ang jujungit naman nila lahat.

Nauna ang bandang tinaguriang XLR8, at ang kanilang kantang, “You’re So Hot:”

 

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

Konting letra, konting numero, ayan! May P-Pop band ka na!

In Fairview, catchy ang kanta nila, ah! Hindi sila kagwapuhan, although dahil mga Chinito sila, I’m sure maraming mga tiga-ICA na magkakandarapa sa kanila, dahil alam naman natin, ang mga Chinitong katulad ng XLR8 ang top two choice ng mga tiga-ICA pagdating sa kanilang mga tipo (Ang una: mga Chinitong hindi bading.).

Sinundan naman iyan ng isang “indie” group, as in “indie nakakuha ng talent nang nagsabog si Lord ng talent sa mundo.” Dahil nalalapit na ang Pasko, ating napagmasdan ang kagila-gilalas na awiting “Merry Christmas Na” ng 1:43...

 

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

BABALA: Hindi po sagutin ng POC at ng manunulat na ito ang kung anumang mga pinsalang maidudulot sa inyong mga mata at katinuan ng pag-iisip sa panonood ng video na ito.


P-Pop ba itetchiwa, o P-Poop? Nagkagulo ang mga tao nang nalaman nating sumalakay ang Hilagang Korea sa Timog Korea. Mas malalang pananalanta ang ginawa ng Pilipinas sa South Korea sa pamamagitan ng 1:43, dahil hindi lang nila winasak ang tugtog sa paggaya sa panggagaya ng South Korea sa Japan, winasak pa nila ang Ingles at Tagalog sa iisang iglap. At paano naman naisama sa titik ng kanta ang mga salitang “para kang parol sa aking bubong?!?” Sino naman ang babaeng kikiligin na ihambing sa isang bagay na ipinapako sa tuktok ng tahanan at itinatapon pagkatapos ng Pasko?

 

Isang larawan hango kay Ade Magnaye. Witchi cola aketch na tiyagang mang-Photoshop ng mukhang Eva Kalaw na itey.

 

Kung bumenta ang kanilang album, nakatitiyak akekels na Flatinum silang lahat. As in Flatinum talaga, kung kaya’t yung isa sa kanila, parang may kipay sa sobrang sikip ng puti niyang pantalon. Hep hep hep, wiz na kayong humingi ng visual aids, dahil baka magkeep-bleeding keep-keep bleeding love pa ang inyong mga mata. Alam niyo naman ang inyong abang lingkod, basta you and I ang pag-uusapan, we’re pag-ibig!

So... sumisikat na ang P-Pop sa Pilipinas dahil sa mga pamintang itetchiwa. Eh ano ngayon?!? Ibang klase na rin ang panahon ngayon, ano? Dati, kung gusto mo ng lalake, kailangan siguraduhin mong gwapo. Ngayon, kung gusto mong gwapo (?), kailangan siguraduhin mong lalake!

 

Itutuloy...

 

BABALA: Ang kolum na ito ay pawang kuro-kuro lamang ng isang bading na tiyak na tiyak, malamig na naman ang Pasko, kahit na praying hard na may makatabi pa siya. Hindi nangangahulugang sinasalamin ng kolum na ito ang mga opinyon ng POC. At kung sinasalamin man nito ang mga opinyon ng POC, eh ano ngayon?

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

duane 04 January 11, 09:59 PM
haahahahahaha...Major major...
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer