Bukod sa mga sikat na basketbolista sa Pilipinas, inaabangan tuwing may liga ang mga tagapag-ulat ng mga balita hinggil sa laro. Sila ang tinaguriang mga courtside reporters na nakaupo kasama ng mga manlalaro at mga coach tuwing may laro sa dalawang pinakasikat na liga ng mga unibersidad bansa: ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Taglay ang angking kagandahan at kaalaman hinggil sa larong basketbol, sa kanila unang nalalaman ang mga diskarte ng mga coach, ang impormasyon hinggil sa mga piling manlalaro, o kaya kung may manlalarong nasaktan o di makalaro.
Narito ang sampung pinakamagagandang courtside reporters na itinala ng WikiFilipino.
Si Bianca Saldua ang kauna-unahang courtside reporter na nanggaling mismo sa University of Perpetual Help System Dalta sa NCAA. Courtside reporter mula 2010 hanggang sa kasalukuyan, si Saldua rin ang kasalukuyang punong patnugot ng The Perpetualite, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Perpetual.
9. Trishka Echiverri
Orihinal na nagmula si Trishka Echiverri sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman at tatlong taon na siyang courtside reporter para sa San Sebastian Stags sa NCAA. Masasabing hasang hasa na si Echiverri sa pagiging reporter sapagkat dalawang ulit nang nakapasok sa NCAA finals ang Stags at sa kasalukuyan ay nangunguna ang nasabing koponan sa torneyo ng basketball sa NCAA.
8. Trish Roque
Si Patricia Ann Roque, na ngayo'y kilala na bilang Trish Roque, ang tagapag-ulat para sa University of the Philippines Fighting Maroons noong 2008, ang sentenaryo ng State U. Matagal nang kilala si Roque bilang batang artista at isa sa mga tauhan ng dating children show na Atbp. Tagapag-ulat na ngayon si Roque para sa TV5.
7. Rizza Diaz
Humigit kumulang limang taon nang nag-uulat ang produkto ng Emilio Aguinaldo
College na si Rizza Diaz sa iba't ibang liga sa Pilipinas—ang Women's National Collegiate Athletic Association, UAAP, NCAA, Philippine Basketball Association (PBA) Development League, at sa kasalukuyan ay ang PBA. Sa dami ng kaniyang pinagdaanang liga, hindi lang basta maituturing si Diaz na isa sa mga pinakamagandang courtside reporter kundi bilang isa rin sa mga pinakamahusay sa larangang ito.
6. Cesca Litton
Si Cesca Litton ang isa sa mga unang courtside reporter sa NCAA at siya ay nag-ulat para sa San Sebastian Stags. Matapos ang kanyang karera sa NCAA, siya ay naging modelo, host, at tagapag-ulat hindi lamang sa palakasan, kundi sa mga iba't ibang palabas sa telebisyon sa TV5 at ABS-CBN.
5. George Rocha
Isa si George Rocha sa mga pinaka-unang courtside reporter ng De La Salle Green Archers at siya ang isa sa mga naging tagapag-ulat nito noong kasagsagan ng kanilang apat na sunod-sunod na kampeonato noong 1998 hanggang 2001. Pagkatapos magsilbi sa kanyang unibersidad, naging sports host si Rocha sa Studio 23 at naging host sa University Rock ng NU 107.
Isa si Lia Cruz sa mga pinakatanyag na courtside reporter para sa Ateneo de Manila Blue Eagles kung saan siya ay naging tagapag-ulat noong 2005 at 2006. Si Cruz ay isa ring modelo, blogger, radio host, at tagapag-ulat sa PBA. Kasalukuyan siyang bahagi ng news team ng TV5 bilang weather girl.
3. Riki Flores
Bukod sa pagiging courtside reporter ng UP Fighting Maroons noong 2009 at 2010, si Riki Flores ay isa ring matagumpay na atleta na naging bahagi ng Fighting Maroons bilang kapitana ng kanilang softball team na naging kampeon noong 2008. Bukod pa rito, naging radio host si Flores at naging sesyonista ng bandang Jeffrey Zulueta Experience.
2. Patty Laurel
Si Patty Laurel ang tagapag-ulat ng Ateneo de Manila Blue Eagles noong nag-kampeon ito noong 2002—ang kauna-unahang kampeonato ng koponang basketbol nito matapos ang mahigit isang dekada. Naging matagumpay ang karera ni Laurel pagkatapos ng kaniyang paninilbihan bilang courtside reporter. Siya ay naging modelo, video jock sa MTV, at host ng dating morning show na Breakfast sa Studio 23. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa isang preschool.
Masasabi ngang si Gretchen Fullido ang may pinakamalayong narating sa mga naging courtside reporters ng UAAP. Kasalukuyang tagapag-ulat ng showbiz sa TV Patrol World, si Fullido ay naging courtside reporter ng UP Fighting Maroons sa loob ng tatlong taon, mula 2004 hanggang 2006. Siya rin ay nagkaroon ng maraming show sa ABS-CBN, Studio 23, at DZMM.
*Unang nailathala sa WikiFilipino.
**Ang mga retrato nina Bianca Saldua at Rizza Diaz ay inilimbag nang may pahintulot. Ang mga retrato nina Lia Cruz at Gretchen Fullido ay mula sa Flickr.com. Ang lahat ng retrato ay nasa ilalim ng Creative Commons (CC BY-NC-SA 3.0). Reserbado ang ilang karapatan.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









