The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sportacular Features 'David-Goliath' ng PBA finals at ang grand slam mission

'David-Goliath' ng PBA finals at ang grand slam mission

basketHigit pa nga ang narating ng Petron Blaze Boosters sa kanilang misyon na pigilan ang grand slam na panalo ng Tropang Texters sa katatapos lamang na 2011 Governor's Cup.

 

Masasabi nga na naging alas lamang ng Boosters ang import nitong si Anthony Grundy at ang itinanghal na Most Valuable Player na si Arwind Santos, laban sa powerhouse na line up ng Texters na target na ang ikatlong magkakasunod na korona para sa liga.

Samantala, hindi rin naman nagpahuli ang beterano nang si Danny Ildefonso na nagdala rin sa team para makuha ang unang panalo ng koponan sa serye (1-0) sa pamamagitan ng pagpapakawala ng huling apat na puntos kasama ang buzz-beater jumper nito, 89-88.

“Alam naman ng lahat na underdogs kami dito, kasi nga undermanned kami. Pero kahit kulang kami, hard work and 'yung big heart namin ang nagdala. Isama mo pa 'yung suwerte,” ani Petron coach Ato Agustin.

Inamin ni Agustin na dinepensahan niya lamang ang grand slam ng San Miguel noong 1989, “history 'yun eh. Ayaw namin na meron maka-grand slam sa amin at sabi ng ibang nakausap ko, idepensa ko para kami lang.”

Hinala rin ni Agustin na sinadya silang piliin ng TNT na makalaban sa finals. “We were in a three-way tie with Alaska and Ginebra at the end of the semifinals and they probably thought we were the easiest to beat because of our depleted lineup with Jay-Wash (Jay Washington), Rabeh (Al Hussaini), Lordy (Tugade), and Joseph (Yeo) out.”

We really weren't expected to win. But after stealing Game 1, I told the guys we can do this, we can beat them, we can win the championship. Manager (Hector Calma) and I played on San Miguel's grand slam team in 1989 and we didn't want to be part of a team that Talk N' Text would beat to get ots own grand slam,” dagdag ng Petron coach.

Ito na ang ika-19 na title ng San Miguel (Petron sa kasalukuyan) at unang championship title ni Agustin sa PBA. Tanging ang Crispa, San Miguel, at Alaska pa lamang ang naitatalang grand slam champions sa liga.

“'Nung binigyan kami ng pagkakataon maka-tsamba, tsinambahan namin sila apat na beses,” banat ni Agustin.

We did our best. I actually had a good night's sleep. No nightmares,” ani TNT coach Chot Reyes.

Ipinaabot din ni Reyes ang pagbati sa TNT sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, dagdag pa, “It just didn't end the way we wanted, but we had a really great year.”

Idinagdag din ni Reyes na magpapahinga muna ang team sandali matapos ang 75 laro sa 11 buwan.

Laban sa labas ng hardcourt

Pero, mukhang hindi nagtatapos sa pitong finals game ang bakbakan ng “David at Goliath” sa nakaraang conference gayong patuloy pa rin ang maaanghang na batikos ng coaches ng bawat koponan.

Matatandaang nagkainitan sina Agustin at Reyes sa Game 3 matapos umanong magkaroon ng pisikalan sa dalawang koponan. Hinamon umano ni Agustin si Reyes ng suntukan, na tinanggihan naman ng huli dahil sa “respeto” sa nauna.

Ayon sa ulat, sinabi umano ni Reyes na tumanggi siya sa hamon ni Agustin dahil isa umano siya sa mga tumulong sa Petron coach nang nag-uumpisa pa lamang ito ng kanyang basketball career.

Ngunit ayon kay Agustin, “'Yung mga binabanggit niya na player from nowhere noon na siya ang kumuha sa akin, hindi totoo 'yun. Si coach Turo (Valenzona) at coach Boy Afable ang kumuha sa akin. Sa kanila ako may utang na loob.”

“Wala akong utang na loob sa kanya, so huwag niyang sabihin 'yung ganoon. Hindi kami magkakilala at doon na kami sa team nagkita noon. Hindi ko pa nga alam kung sino siya doon,” dagdag pa ni Agustin.

Sorry sa mga nasabi ko pero ito lang ang opportunity ko na masabi ang side ko,” ani pa ni Agustin.

Ngunit dumepensa naman si Reyes at itinanggi ang mga akusasyon ni Agustin. “I've never said that I was the one who got him from Pampanga. I said as a team manager of Fuji that one of the players we signed to a P3,000 salary a month was an unknown from Pampanga, Ato Agustin. I never said na may utang na loob siya sa akin so I don't know what his beef is.”

“Ayaw ko nang patulan. I don't want to stoop that low. It's over. They won. Congrats to them,pagtatapos ng TNT coach.

'Sweetest win'

Gayunpaman, umani rin ng papuri ang koponan na naging puhunan din lamang ang istratehiya upang mahigitan ang mas malakas na TNT team.

Going through all that they did, one should take the Boosters' words as they are when they say the title was the 'sweetest' or 'proudest' or 'happiest' moment in their respective careers. Bucking the odds when many seem unconvinced, to emerge triumphant is as special as it gets,” ayon sa komentaryo ni Michael Angelo Murillo.

Injured ang ilang players ng Petron, habang nasaktan din naman ang mga front man ng TNT na sina Jayson Castro, Jimmy Alapag, Ryan Reyes, Ranidel de Ocampo, at Harvey Carey.

Pero sa huli, kahit hindi pa man tapos ang “word war” at ilang batikos, nakuha pa rin ng Petron ang titulo, sa paraang nakuha nila ang Games 1, 4 at 5.

At para naman sa TNT, paniguradong gagamitin nila ang nalalabing panahon upang muling luminaw ang kanilang daan patungo sa inaasam na grand slam.

 


Image licensed under CC AttributionNoncommercial Some rights reserved by mvongrue

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sportacular Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sportacular RSS