The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! Opinions Eh ano ngayon?

Eh ano ngayon?

ruffakrisboyAba, aba, aba. Hindi pa nga gaano lumalamig ang bangkay na isyu nina Richard Gutierrez at ng PEP, aba’y ang Inet Veneracion na bigla ng isyung pumapalibot sa kanyang nakakatandang kapatid na si Ruffa Gutierrez! Hindi na ba sila nagsawa sa gulo at sa mga nang-uungkat ng isyu sa kanila?!?

Ang pinaka-ugong-ugong ngayong isyu ay wiz na natin makikita si Ruffa sa The Buzz matapos siya i-pull out ng kanyang ina sa set dahil daw sobra na ang “pambabara” sa kanya ni Kris Aquino sa palatuntunan. Aba, hindi niyo na lang ginamitan kasi ng Liquid Sosa, daba?!?

Marahil ang pinanggalingan ng tensyon ay ang di-umano’y napipintong paglipat ni Ruffa sa TV 5 matapos ng tatlong taon bilang pagiging host sa The Buzz kasama si Kris Aquino at Boy Abunda, ngunit kung inyong papanoorin ang video na itinuturong kadahilanan ng pag-walk out ni Ruffa, hindi naman Warla Beatty mode si Kris Aquino, kumbaga, nangungutya lang ng konti. Kayo na ang humusga kung sapat na iyong dahilan para sabihing nabastos si Ruffa, ngunit hindi ko lang sukat maintindihan kung bakit kailangan pang ihalo ang pulitika sa isyu na ito. Sa pagkakaalam ng inyong abang lingkod, wala naman po sa The Buzz si Noynoy, daba? So bakit kailangan pa siyang i-Universal Motion Damay sa gulong itetchiwa?

Alam niyo, ang dami-daming isyu na ang pinagdaanan ng pamilyang Gutierrez. Alam na natin ngayon na hindi totoong nakipag-away si Richard Gutierrez kay Michael Flores sa isang piging noong isang taon. Unang-una, hindi naman kilalang basagulero si Richard. Ang kilalang pinakamatapang at pinakasiga sa mga Gutierrez, sa halip, ay ang kanyang kapatid na si Raymond. Si Raymond daw ang madalas maghamon sa suntukan at gulo sa mga club, ngunit sa sobrang pagkasindak ng mga nakakatunggali niya, wiz na nila pinapatulan dahil baka ma-Wasakille O’Neal lang ang kanilang fez.

Matapos nito, si Ruffa Gutierrez naman, noong huling taon, maraming naka-away sa Twitter dahil niladlad ba naman ang ending ng In My Life sa isang Tweet. Hindi pa nakuntento doon, may sinulat pa sa Twitter na sablay noong sinabing sasali na rin si Kris sa Twitter at Fezbook. Eh kung ganyan ba naman ang kaibigan mo, hindi mo na siguro kailangan ng kaaway, daba?

More recently naman, kinailangan pang umupo at makipag-usap ni Ruffa kay Shaina Magdayao upang “magkalinawan” sila ukol sa isang lalaking nagngangalang... John... Lloyd... Cruz. Mga ilusyonada ang dalawang hitad! Hindi ba nila alam na akin sha?!?

Bah-ket ba kailangan pang mag-away-away ng mga artistang ito? Pwede naman silang mag-dance-off na lang, o di kaya’y mag-showdown ng kantahan. Sige, lumipat nga ng network si Ruffa, eh ano ngayon? Bakit? Masama bang kumita ng datung? Sige, medyo nagpa-kyut si Krissy, na hindi mo matiyak kung nanunuya ba o nagbibiro lang, eh ano ngayon? Trabaho iyan, at kung balat-sibuyas ka sa showbiz kung saan may mga taong gusto kang mamatay sa Pinoy Exchange kahit ni hindi ka man lang nila kilala, aba, baka naman mali ang career choice mo.

Hay, naku. Ang sa akin lang, kung magka-iringan man sila ni Kris Aquino, sana naman, magkaayos rin sila evenshually. Kasi naman, made for each other si Kris at Ruffa. Pareho silang taklesa.

 

BABALA: Ang kolumn na ito ay pawang kuro-kuro lamang ng isang baliw at ilusyonadang bakla. Hindi nangangahulugang sinasalamin ng kolum na ito ang mga opinyon ng POC. At kung sinasalamin man nito ang mga opinyon ng POC, eh ano ngayon?


JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

__

Photo screencap taken from cyberbuto.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer