Matapos ang isang taon ng pagpapanggap pag-iibigan, umamin kamakailan sina Piolo Pascual at KC Montero Concepcion na jumiwalay na sila sa isa't-isa. Opo, tapos na po ang kanilang matamis na romansa, sa maniwala kayo o hindi.
Ito ang larawan ng tunay na pag-ibig.
Eh ano ngayon?!? Aber, magtaas nga ng kamay ang kung sino man ang nagulat ditetchiwa? Ayun. may isa dun sa sulok. Ahh. Hindi mo kilala kung sino si Piolo at KC? Ay, hindi ka pala tiga-Pilipinas. Kaya pala. Para naman kasing sorpresa na naghiwalay na si Piolo at KC, matapos ng lahat ng alam na natin sa kanilang dalawa.
Mantakin ninyo, kaka-sign pa lang ni Ate Shawie ng kontrata sa TV5 na ipinapalagay nilang nagkakahalaga ng isang bilyong piso?!? Paano ba naman naging ganoon kamahal si Ate Shawie? Kinilo ba siya? Matapos naman nito, sumunod naman ang kanyang anak sa balita, at hanggang ngayon, mas pinapansin pa natin ang lovelife ni Piolo at KC kaysa ang bagong pagtatangka ni Gloria Macapagal-Arroyo na makuha ang simpatya ng bayan dahil nakatanggap daw siya ng death threat. Ganitey ba kahalagang malaman kung ano ang nangyari at bigla na lamang natapos ang moro-moro relasyon nina KC at Piolo? Nakakalohka din sila kung minsan!
Pero kung tutuusin, malaking ingay ang nilikha ng kaganapang itey, at kung sinu-sino na lamang ang nagbibigay ng kani-kanilang kuru-kuro ukol sa pangyayari, at sa halip na malunkot sa paghihiwalay ng dalawang nag-uutoang nag-iibigang artista, marami ang mas pinipiling sipain ang dalawa habang sila'y nasa baba. Kaawa-awa si KC, kung paano siya tirahin ng kung sinu-sinong akala naman nila na kilalang-kilala nila ang dalaga para manghusga.
Aba, tigil-tigilan niyo nga si KC, at huwag na huwag niyo siyang banatan. Kung si Piolo nga, hindi siya binanatan, aba kayo pa kaya? Ay, teka lang...
May problema ba?
Heniweiz, sa sobrang laki ng isyung ito, muling nagising ang inyong abang lingkod mula sa kanyang beauty nap para lamang ibigay ang kanyang mga opinyon ukol sa pangyayari. Hindi naman maipagkakaila na marami ang gustong malaman ang katotohanan sa likod ng paghihiwalayang itetchiwa, lalo na dahil medyo parang may pailalim na ipinahihiwatig si KC sa kanyang sinabi sa panayam niya sa The Buzz.
Sa kahabaan ng kanyang panayam, makikitang nagpipigil si KC sa lahat ng kanyang ginagawa, at piling-pili ang mga salitang binibitawan niya, kung kaya't alam na alam ng lahat na ginagawa niya ang lahat para maging "fair" kay Papa P. In fact, matapos niyang gawin ang kanyang interview, nag-text si Carmina Villaroel sa kanya ng tatlong letra lamang: I, K, at R. Hindi pa rin naman alam kung ano ang kahulugan ng misteryosong text message na ito. Hayaan ninyo, patuloy naming iimbestigahan itey. Marami ang nangangailangang makaalam!
Ilang beses na raw nagkamali si Piolo, ngunit binigyan pa rin daw siya ni KC ng second, third, fourth, fifth, sixth, hanggang seventh chance! Ano ba ang paulit-ulit na ginagawa ni Piolo na mali na paulit-ulit na lang hinayaan ni KC? At hindi ba ganito din tayong mga Pilipino pagdating sa mga hinahalal natin tuwing eleksyon? At bakit ba pinagpipilitan ko na maghalo ng makabuluhang usapin dito kaysa ibigay ang buong pokus ko kay KC at Piolo na lang?
Marami ang nakapuna na paulit-ulit na sinasabi ni KC na may "kulang" sa kanya. Ano naman ang naghuhumindig na pagkukulang na itey na kailangan niyang paulit-ulit sundutin? Wala na bang magamit na sandata si KC upang labanan ang kalungkutan sa kanyang pagiging "kulang" para kay Papa P? Hindi pa ba na-titibag ang ating kamalayan sa posibilidad na ang makabuluhang biag na itey ay isang malaki at dumadagundong na nota sa himig ng ating sanlibutan?
Espada lang po ang nakalagay sa dibdib niya.
At wala din itong kinalaman sa nakaraang talata.
Pramis.
Marahil, hindi natin malalaman basta-basta kung ano ang tunay na dahila ng paghihiwalay nila, o kung isa ka sa mga cynical mag-isip, kung talagang naging sila in the first place. Well, towel, hindi na mahalaga iyon, dahil ang mahalaga ngayon para sa dalawang itey, ay matuto naman silang hayaan na lamang mamatay ang isyu, dahil kung tutuusin, marami na rin ang nagsasabing press release na naman itey para makagawa ng ingay ang magkabilang kampo dahil kinakabahan silang hindi na pinapag-usapan ang dalawa. Dahil dito, maraming mga kaakibat na ispekulasyon ang naglipana dahil hangga't sa pwedeng ungkatin ang isyu, hala, sige lang tayo sa pag-uungkat.
Siyempre, ang lumalabas na ulat ngayon mula mismo sa ABS-CBN ay ang bagong anggulo na walang iba daw kundi si Maricar Reyes ang dahilan kung bakit naghiwalay sina KC at Piolo. Obviously, pinaninindigan nila ang paratang na itey dahil hindi nasagot ni KC ng diretso ang tanong ni Tito Boy kung may third party na involved sa kanilang hiwalayan. Siyempre, ang itinuturong third party sa ngayon ay walang iba kundi ang kontrobersyal na si Maricar Reyes. Opo: siya daw ang papalit kay KC sa puso ni Piolo.

LOKOHIN NIYO LELANG NIYO! Este, TOTOO BA ITO?!?
Marami ang nagtaasan ng kilay sa balitang ito, dahil alam naman ng lahat na may bagong TV show si Piolo at si Maricar. Bagong ingay na naman ba ito para lamang ma-promote ang kanilang palabas? O totohanan na? Talaga bang sila na ang magiging bagong power couple? Alam naman natin na kahit ano pa ang "nakaraan" ni Maricar Reyes, walang makakpag-deny na talagang matindi ang kanyang dating, at tiyak, maraming matutunan si Papa P kung maging sila nga, na I'm sure magagamit niya sa kanyang boylet sa kanyang career, na tila hindi naapektuhan ni kusing ng mga kontrobersya na kinahaharap niya ngayon.
Mahuhusgahan ba naman natin kung, sa ingles, Piolo "wants to get in Maricar's pants?" Eh sa feel na Papa P na bagay sa kanya yung estilo, eh! Pakialam ba naman ng mga makakating dila diyan?
Sa kadulu-duluhan ng lahat, nawa'y unti-unti na lamang sanang mamatay ang isyu na itetchiwa. Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung bakit naguguho ang mundo natin tuwing may mga showbiz couple na naghihiwalay, samantalang kung tutuusin, dapat expected na natin itey. Oo, nag-break na daw sina KC at Piolo. Eh ano ngayon?!? Tuloy ang buhay, at sa bandang dulo, wala naman iyang mababago sa buhay natin.
Ngunit, subalit, datapwat... tama ba ang dinig namin? Talaga nga bang si Maricar ang dahilan? Baka kasi mali lang dinig namin kasi.

Ho? Hindi ko ho kayo narinig dahil natakpan ng hoodie ko yung tenga ko.
Babala: ang kolum na ito ay saloobin lamang ng isang lalaking-lalaking manunulat na hindi maaaring mapaghinalaan na isang bading kahit pa ninoman (Kahit na wala namang masama kung bading siya.), at hindi nito sinasalamin ang mga saloobin ng Sosyal at POC. At kung magkataon na sinasalamin ito, Eh ano ngayon?!? Hindi pa rin maaaring mapaghinalaang bading ang manunulat dahil kasing-tiyak ang kanyang pagkalalaki sa pagka-tiyak ng pagkalalaki ni Piolo Pascual.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









