The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! Features BB Gandanghari, tuwang-tuwa sa CRV na bigay ni Robin

BB Gandanghari, tuwang-tuwa sa CRV na bigay ni Robin

BB Gandanghari poses in her car for the media.Agaw-eksena ang pagdating ni BB Gandanghari noong nakaraang Gawad Urian sakay ng bago niyang Honda CRV (silverstone ang kulay) na bigay sa kanya ni Robin Padilla.

 

Hiningi niya nga ba ito o regalo ito sa kanya ni Robin?

“I have no idea! Basta dumating ako sa bahay ko three days ago and I was shocked! Nagkita kami ni Robin last September at nagkuwentuhan.”

Nabanggit din ni BB na tinanong siya ni Robin kung anong tipo ng kotse ang balak niyang bilhin at itong Honda CRV ang nabanggit niya. Okay daw ‘yun, sey ni Robin. Walang kamalay-malay si BB na bibilhin pala ito ng kapatid niya para sa kanya.

Na-shock sa caru (car) si BB, nang ihatid ni Betchay Vidanes ang kotseng iyon.

Bahagi ba ang bagong CRV ng kabayaran kay BB para sa pelikulang gagawin nila ng kapatid na si Robin sa Star Cinema?

“Noong birthday ko, nag-usap kami for a possible project. And then sabi niya, ’Gawin na natin ‘yan para bigyan na kita ng down payment.’ but I don’t know. Dumating ang kotse na nasa pangalan ko and everything!”

Kung regalo nga ba ito ni Robin, ibig bang sabihin ay tanggap na siya ng kanilang pamilya?

“Ang pinaka-nakaapekto sa akin,’ “it’s not the words, it’s not the car, but the acceptance, noong birthday ko, niyakap ako nang mahigpit ni Robin and that was enough. In fact, I texted my friend the following day and I said, ‘alam mo, I think it was my happiest birthday. Kasi, I was with people who I truly love and cherish.

“Actually, ang kotseng ‘yun, parang bonus na lang ‘yun dahil malaking regalo sa akin ‘yung pagtanggap at pagmamahal ng pamilya ko sa akin bilang kapatid.”

Tinanong namin kung ate na ba ang tawag sa kanya ng nakababata niyang kapatid, natawa na lang si BB.

Basta, BB lang daw ang tawag sa kanya ni Robin at feeling prinsesa na siya ngayon kasama ang mga barako niyang kapatid.

Photo: By Jerry Digo and Zoren Sunga, licensed under cc-by-nc-sa-3.0-Philippines.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer