The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! Episode Guide Oh My Momay: Paghihiganti

Oh My Momay: Paghihiganti

MomayJJRecapWeek11Napakaraming misteryo ang bumabalot sa mga Buenavidez - kung nasaan si Shirley, ang pag-agaw ni Hillary ng Funland kay Justin, kung sino si Fred at bakit takot na takot si Mickey sa maaari niyang ibulgar. Ang mga tanong na ito ay unti-unti nang nasasagot.

Kung inyong matatandaan, nagkaroon ng sunog sa Funland noon na muntik ng ikinasira nito. Ang asawa ng babaeng namatay sa sunog ang siya ring nagsimula ng apoy sa mga Buenavidez na siyang dahilan ng pagkakamatay ni Momay. Ang pagsagip ni Momay kay Justin ang siyang dahilan ng kanyang kapahamakan.

Nagtatalo pala noon si Mickey at ang babaeng nadisgrasya sa kusina ng Funland. Humihingi ito ng sustento kapalit ng pananahimik niya tungkol sa sikreto ni Mickey, ang pagkakaroon niya ng anak sa labas. Sa sobrang galit ni Mickey, nasakal niya ang babae at natumba sila malapit sa apoy, dahilan upang magkasunog. Nakita lahat yun ni Fred kaya sinuhulan siya ni Mickey upang manahimik at lumayo, kaya laking gulat niya ng makita ito at ang mga anak nito sa Funland.

Si Joel Ocampo (William Lorenzo) ang asawa ng babaeng nasunog ay kasalukuyang nakakulong ngunit ang hindi alam ng lahat na may mga taong nasa loob ng Funland ang gustong maghiganti para sa pangyayaring naganap labin-limang taon na ang nakalipas. Mga taong hindi mo aakalain na may planong maghiganti at pabagsakin ang Funland, kasama ang lahat ng mga nagmamay-ari nito.

Isa si Raven sa mga taong ito. Siya ang kasalukuyang Publicity and Promotions Head ng La Vida Funland at siya rin ang panganay na anak ni Joel. Ipina-ampon sila kasama ang kapatid niyang si Kate sa dalawang magkaibang pamilya. Lumaki si Raven na puno ng galit sa puso kaya pinagplanuhan nilang maigi ang paghihiganti sa mga Buenavidez. Sinisimulan na niya ito kay Hillary. Isinumbong niya sa DTI ang tungkol sa lead content ng Hillary dolls dahilan upang i-recall ito ng kumpanya.

Si Alyssa. Ang napakabait na manghuhula ng La Vida Funland ay bunsong kapatid pala ni Raven. Kasama sa plano nila ang pagpapa-ibig ni Alyssa kay Justin upang masira ang loob nito, ngunit matutupad kaya itong gayong totoo ng umiibig si Alyssa kay Justin? Masyado pang bata si Alyssa noon para maramdaman ang poot kaya hindi siya galit sa mga Buenavidez ngunit parating pinaaalala sa kanya ng kanyang ate ang totoong misyon nila sa Funland.

Sa kabilang banda naman, labis ang galit ni Gary kay Justin. Una, dahil ito ang nakaisip ng paraan upang pano malinis ang pangalan ng La Vida Funland mula sa nakakahiyang pangyayaring dulot ng Hillary Dolls. Si Justin kasi ang nakaisip ng paraan na sinang-ayunan naman ng Board of Directors. At pangalawa, dahil sinagot na ito ni Alyssa. Hindi niya matanggap na mapupunta kay Justin ang babaeng gusto niya at sa puntong ito, lalong tumindi ang poot niya kay Justin. Si Alyssa naman ay totoong mahal si Justin, sinagot niya ito hindi dahil sa plano nila ng ate niya kundi dahil mahal niya talaga ito.

Ano na ang mangyayari sa Funland kung matutuloy ang plano ng mga anak ni Joel? Matutuloy pa ba ang plano ni Raven gayong totoong nagmamahalan sina Justin at Alyssa?



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer