Dala ng sobrang kasabikan, ipinagpatuloy ni Gabriel ang plano nilang pagligtas sa batang inaakala nilang si Jacob. Napag-alaman nilang ang bata ay hawak ng sindikato at kasalukuyang ginagamit upang mamalimos sa kalye. Sa tulong ng mga kasamahang pulis at kaibigang si Levi, nabawi nila ang bata at nakulong ang mga sindikato.
Sa kasamaang palad, lumabas sa DNA test na hindi nila anak ni Ruth ang batang inakala nilang si Jacob kaya ngayon balik na naman sila sa sa umpisa. Ang pangyayaring ito ay lalong nagpalala sa relasyon nila ni Ruth. Umasa kasi ito na buhay si Jacob, at dahil nauwi sa wala ang kanilang paghahanap, nabuhay na ulit ang lungkot na nagawa na niyang kalimutan sa loob ng limang taon.
Kung si Ruth ay sumuko na, hindi si Gabriel. Alam niya sa puso niyang buhay ang kanilang anak at alam niyang mahahanap pa nila ito sa mga nakapaligid na isla. Sinimulan niyang maghanap kasama si Levi. Sinuyod nila ang mga karatig na isla upang mahanap si Jacod ngunit sila ay nabigo.
Matapos ang kanilang biyahe sa huling isla, may bangkerong nakapagsabi sa kanila na mayroon pang hindi nila napupuntahan, isang islang engkantado na nagpapakita lamang sa mga nilalang na gusto nitong pagpakitaan. Nalaman din nila sa bangkero na isang doktor ang makakatulong sa kanila para marating ang isla – si Dr. Eliazer. Siya ay isang doktor na napagkamalang baliw matapos itong mawala ng ilang taon. Napadpad kasi ang si Dr. Eliazer sa Isla Noah – ang taong tinawag ng mga ungta na “Takipsilim”.
Samantala, nagiging mausisa na ang batang si Eli tungkol sa mga taong tulad niya. Nasa piling man ng mga ungta, hindi niya maikakailang ipinanganak siyang tao kaya't patuloy ang paghahanap niya ng impormasyon tungkol sa kanyang pinanggalingan.
Napagdesisyunan na rin ni Pinunong Gideon na si Eli ang gawin na tagapagmana ng pamumuno sa tribu. Siyempre, hindi sinang-ayunan ni Caleb ito, ang gusto niya ay ang anak niyang si Ram ang mamuno pagdating ng panahon.
Idinaan nila sa isang pagsubok, sumailalim sila sa iba’t ibang paligsahan ngunit sa huli, puso pa rin ang pinagbatayan sa pagpili. Napatunayan ni Eli kay Eva (Kristine Hermosa), ang diwatang taga-bantay sa isla, na kaya niyang isakripisyo ang buhay niya para sa kapakanan ng nakararami.
Ang pangyayaring ito ang nagudyok kay Caleb na gawin ang pangalawa niyang plano, ang hulihin si Eli at itapon palabas ng isla Noah! Naglagay si Caleb ng mga patibong sa paligid ng isla at inalagaan niya ang mga buwa-buwa upang gamitin ito para sa kanyang maitim na balak.
Sa kabilang banda, nalaman ni Gabriel kay Dr. Eliazer na ang paniniwala niya ang magdadala sa kanya sa isla Noah. Sa kanyang paglalakbay, nakita niya na lang ang sarili niya sa gilid mismo ng Isla Noah. Nagsimula siyang mag-ikot sa isla at nakasalamuha ang iba’t ibang mga engkatadong hayop tulad ng marimanok at buwa-buwa. Nag-iisa man, hindi naging problema kay Gabriel ang sitwasyon dahil desidido siyang malaman ang katotohanan kung nasa isla Noah nga ba ang kanyang nawawalang anak na si Jacob.
Malapit ng magkita sila Gabriel at Jacob ngayong nakapasok na ang una sa Isla Noah, ngunit magiging madali kaya ang lahat para kay Gabriel?
Photo screencap from ABSCBNLoyal.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









