Laking gulat ng lahat nang dumating sa event si Gelai kasama si Markado. Hindi nila inaakalang makukumbinsi ni Gelai si Markado na lumaban pagkatapos ng mga pangyayari nitong nakaraang linggo.
Naisip tuloy ni Caloy na may namamagitan kina Louie at Gelai, dahilan upang magkatampuhan sila ni Gelai. Isinumbat niya dito ang pagmamahal na iniukol niya ngunit ayon kay Gelai, sinabing mahal niya ito bilang kaibigan lang.
Sa kabila ng kasiyahan ni Vera sa pagdating ni Markado, nagdududa pa rin ito kung ano ang ginawa ni Gelai. At dahil sadyang marumi ang utak, inakala niyang ginamit nito ang katawan para makumbinsi si Louie. Ganito rin ang akala ng mga kasamahan niya sa trabaho na labis na ikinalungkot ni Gelai. Ganunpaman hindi siya puwedeng umurong sa laban dahil lamang sa sinasabi ng iba, kailangan niyang maging matatag para sa pangarap nila ng ate niya. Itinuloy rin niya ang magandang pakikipagkaibigan kay Louie na ikinagalak ng huli at ikinapanlumo naman ni Caloy. Saan hahantong ang pagkakamabutihan nilang ito? Magiging magkaribal nga ba si Gelai at si Victoria kay Louie?
Sa kabilang banda, lubos na napahiya si Victoria sa paglabas ni Markado sa tunggalian. Inakala pa naman niyang hindi kayang gawin ni Louie na ilagay siya sa alanganin, ngunit heto at nagawa na niya. At dahil natuloy ang laban ni Markado, nakapuntos si Vera laban kay Victoria.
Ngunit hindi ito ang huling baraha ni Victoria. Nalaman niya sa kanyang mga espiya sa loob ng Vera Couture na tagilid na ang negosyo nina Manuel at Vera kaya kinakailangan nilang makuha ang account ng Alexander Jacobs para sagipin ang kumpanya. Ang mga detalyeng ito ang ginamit niya upang hikayatin si Mr. Jacobs na wag ng ituloy ang pagpirma sa kontrata ng Vera Couture. At hindi nga naging matagumpay ang transaksiyon ni Vera kay Alexander Jacobs!
Galit na galit si Vera dahil dito kaya't sinugod niya si Victoria. Kinampihan naman ni Manuel si Victoria, si Vera naman talaga ang mali aniya. Isinumbat ni Vera kay Manuel ang lahat ng kanyang mga hinanakit, ipinaliwanag naman ni Manuel na mahal niya ang kanyang mga anak at hindi niya ito magagawang talikuran.
Pinuntahan ni Manuel si Victoria upang humingi ng kapatawaran at tapusin na ang gulo sa pagitan nila. Ngunit dala na rin ng sobrang galit ni Victoria, sinabi niya dito na mapapatawad niya lamang ito kung maibabalik niya ang buhay ng nanay at kapatid niya, na imposibleng mangyari. Kaya't umalis si Manuel na hindi nakuha ang kapatawarang hinihingi.
At dahil tagilid na ang Vera Couture, napilitan silang magbenta ng mas malaking shares kay Christian (RJ Ledesma). Ang hindi nila alam, si Victoria ang nasa likod ng lahat ng ito. Lahat yata ng swerte ay umaayon kay Victoria dahil alam rin niyang siya na ang magiging bagong presidente ng FDGP. Ngunit sadyang tuso si Vera, sapagkat alam na niyang si Victoria ang pipiliin ng mga board of members, minarapat niyang bumaba sa pwesto at ibigay ang posisyon kay Victoria para lumabas na hindi siya natalo, kundi "ibinigay" niya ang posisyon kay Victoria.
Mautak talaga si Vera, ngunit ano ang magiging reaksiyon niya kung malaman niyang na-buyout na siya ni Victoria?
Photo screencap from KINGKONGMURSENG.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









