The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! Episode Guide Oh My Momay: Buhay si Shirley!

Oh My Momay: Buhay si Shirley!

MomayJJRecapWeek10Sa kagustuhan nina Justin at Uncle Mickey na malaman kung nasawi na nga si Shirley, minabuti nilang hanapin ang mga labi nito. Napunta sila sa isang burol at napag-alaman nilang ang namatay na Shirley Buenavidez ay hindi ang taong hinahanap nila. Masaya man sa nalaman, di pa rin naiwasan ni Justin na malungkot at mag-alala dahil nawala na naman ang pag-asang makita ang kanilang ina. Ang magandang nangyari lang sa natuklasan nila ay ang posibilidad na buhay pa si Shirley.

Sa kanilang biyahe pabalik ng Maynila, huminto ang tren na sinasakyan nila sa Calamba, Laguna. Hindi akalain ni Momay na dito niya makikita ang taong matagal na nilang hinahanap – si Shirley!

Makabagbag damdamin ang kaganapang iyon dahil makalipas ang ilang taon, nakita na rin ni Momay ang kanyang Mommy. Hinanap niya si Justin upang ipaaalam dito na nandiyan ang kanilang ina ngunit di niya agad ito nakita. Huli na ng bumalik si Momay, akay-akay na si Shirley ng mga nars papunta sa sasakyan ng ospital. Si Shirley pala ay nakatakas sa mental institution kung saan siya kasalukuyang nakalagak.

Si Hillary naman ang may kumunikasyon pala sa mga taong may hawak kay Shirley. Binabayaran niya ang mga iyon upang alagaan at bantayan ang nanay ni Momay. Para kay Hillary, sagabal si Shirley sa kanyang mga plano dahil ito lang ang taong may alam na si Justin ang solong may-ari ng Fun Land. Ang mga titulong pruweba nito ay kanilang hinanap sa lumang bahay ng mga Buenavidez ngunit sila ay nabigo. Kailangan kasi na mapasakamay nila ito bago pa ito makita ni Justin.

At upang mailayo si Justin sa katotohanan, nag-desisyon ang tiyahin na papuntahin sa Cebu ang pamangkin upang doon ito mamalagi. Matindi ang pagtutol ni Justin sa desisyon ng Auntie Hillary niya, pati na rin si Mickey. Paano na ang kanyang pag-aaral at ang misyon nitong hanapin ang kanyang ina? Naghinala na tuloy si Justin na may tinatago ang kanyang tiyahin.

Sa kabilang banda, nalaman na ni Hillary at Mando sa pamamagitan ng salamin ng kabilang buhay o ang tinatawag nilang “portable third eye” na si Momay ang multo na bumabagabag sa kanila. Sa pamamagitan ng panyo at hiram na dasal sa lola ni Mando, nagsagawa sila ng orasyon na magdadala kay Momay ng puting ilaw. Ito ang tuluyang magdadala kay Momay sa kabilang buhay.

Sa sobrang takot ni Momay, natagpuan niya si Rose (Matet de Leon), ang kanyang gabay sa paglalakbay papuntang langit. Ipinaliwanag sa kanya ni Rose na kailangan na niyang sumama sa kanya. Nakiusap si Momay na bigyan pa siya ng kaunting panahon. Hindi pa niya nahahanap ang kanyang ina at hindi pa rin niya kayang iwanan si Justin. Binigyan siya ni Rose ng kaunti pang panahon, dala ang rosas ng buhay. Sa oras na mamatay ang rosas, tapos na rin ang paglalakbay ni Momay sa mundo, tapos man o hindi ang mga kailangan niyang gawin sa mundo ng mga buhay.

Nagkrus naman ang landas ni Mickey at Fred Corpuz (Allan Paule), ang tatay ni Andro. May napag-usapan silang pangyayari noong nakalipas na labinlimang taon - ngunit hindi na raw pwedeng maungkat ngayon. Pagkatapos ng enkwentrong yun, pinagbawalan na rin ni Fred si Andro na bumalik pa sa Funland. Yun din ang mahigpit na bilin kay Britney, ang ate ni Andro, na empleyado ng Funland.

Ano kaya ang lihim na ito? Makakatulong kaya ang sikretong ito sa paglutas ng mga misteryong bumabalot sa mga Buenavidez? Anong sikreto ang maaaring ibulgar ni Fred na kinakatakutan ni Mickey?



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer