Hindi pa rin naibibigay ng opisina ng Funland ang mga benepisyong nararapat sa mga empleyado, kaya naman patuloy pa rin ang sunod-sunod na miting mga ito lingid sa kaalaman nina Hillary. Ngunit dahil nga si Raven ang nautusan ni Hillary na magmatyag sa mga ito, nalalaman din niya angmga napag-uusapan sa bawat pagtitipon.
Isang araw, nahuli sila ni Hillary at inaakalang ang lahat ng empleyadong nandoon ay nag-aaklas laban sa kumpanya kaya sa sobrang galit niya sinisante niya ang lahat ng mga ito.
Inakala ni Hillary na traydor itong si Justin ngunit dahil may kailangan pa siya sa binata, hindi ito sinisante. Iba naman ang opinyon ng mga empleyado, naniniwala silang si Justin ang nagsusumbong kay Hillary kaya't binansagan nila itong “tuta.”Hindi naman ito pinersonal ni Justin dahil nga busilak ang kanyang kalooban, natural na maiintindihan niya ang mga hinaing ng mga empleyado. Umabot sa puntong pinagtangkaan nila ang buhay ni Justin, muntik na siyang masaksak ngunit dahil dumating si Hillary hindi ito natuloy.
Ginamit ni Hillary ang mga pangyayaring ito upang matuloy ang masasama niyang balak kay Justin. Kailangan niyang mapapirma ang pamangkin sa mga papeles upang malipat na ang mga shares ni Justin sa Funland sa pangalan niya. Upang magtagumpay dito ng walang aberya, binigyan niya ito ng “regularization papers” upang pirmahan kasama ang mga papel na nagsasabing inililipat na ni Justin ang kanyang mga shares sa kanya. Pinirmahan naman ito ni Justin at nagtagumpay na nga si Hillary sa mga plano niya – sa kanya na ang buong Funland!
Lahat na yata ng problema ay dala dala ni Justin sa balikat niya, ang Funland, ang pagkawala ng kanyang ina, pati na ang problema sa puso. Mukha kasing pursigido talaga si Gary sa panliligaw kay Alyssa. Lahat ay ginagawa niya upang mapaamo ito at makuha ang matamis nitong “oo”. Si Alyssa naman ay nabubuhay sa hula ni Madam Perla sa kanya na makikilala niya ang isang lalaking “gwapo, mayaman, at galing sa magandang pamilya”. Inaakala niyang si Gary ang tinutukoy ng hulang ito kaya pinipilit niya ang sariling magustuhan si Gary kahit ang isinisigaw talaga ng puso niya ay si Justin. Masakit man kay Justin, tinanggap niya ang lahat ng ito kahit hindi madali ang makita ang minamahal mo na kasama ang ibang lalaki araw-araw.
Samantala, ipinagpatuloy pa rin nina Justin at Momay ang paghahanap nila sa kanilang ina. Nalaman nila sa isang kaibigan sa DFA na walang Shirley Buenavidez na lumabas sa bansa kaya napatunayan nilang hindi totoo ang sinasabi ni Auntie Hillary nila na nasa New York nga ang mommy nila. Nabuhayan na naman ang dalawa dahil alam nilang andito pa ang kanilang nanay sa Pilipinas, mas mapapadali ang kanilang paghahanap.
Sa pamamagitan ng isang balita sa TV, nabanggit dito na kasama sa isang disgrasya sa Bicol ang babaeng nagngangalang Shirley Buenavidez. Narinig ito nig tiyuhin nilang si Mickey. Di na siya nag-aksaya ng panahon, sinabi na niya agad kay Justin ang tungkol dito. Sa pamamagitan ni Mickey, nakakuha sila ng tiket at lumipad papuntang Bicol. Sa kasamaang palad, nalaman nilang hindi na umabot sa ospital si Shirley ayon sa nurse na naka-assign sa ospital.
Nasawi na nga kaya si Shirley o may pagkakataon pa na makita nila ito? Paano na si Justin ngayon na si Hillary na ang may-ari ng buong Funland?
Photo screencap from MoBGAMERZ.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









