The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Kambal na karangalan para sa Pilipinas handog nina direktor Ralston Jover at Brillante Mendoza

Kambal na karangalan para sa Pilipinas handog nina direktor Ralston Jover at Brillante Mendoza

brillanteHindi na mapipigil pa ang pagbibigay ng karangalan ng mga direktor sa pelikulang Filipino para sa Pilipinas lalo na sa pagdagsa ng mga kabataang manlilikhang pampelikula kabilang sina Ralston Jover at Brillante Mendoza.

Magkasabay noong unang araw ng Linggo ginawaran ang mga pelikula nina Ralston (Bakal Boys) at Brillante (Lola) ng parangal sa magkahiwalay na okasyon.

 

Nakamtan ng Bakal Boys, ang kuwento ng mga naninisid sa maruming dagat ng Baseco sa may Tondo at Navotas sa Maynila, ang Best Screenplay sa ika-7 Skip City International D-Cinema Festival sa Kawaguchi, Japan.

Malakas ang mga kalaban ng obra ni Jover at kakaunti lang ang mga pinaglabanang kategorya.

Sampu ang pinili mula sa 468 na lahok mula sa 85 bansa at rehiyon sa buong mundo at tatlo mula sa Japan.

“Mahigpitan ang laban,” pahayag ni Ralston isang araw pagbalik niya mula sa Japan.

Kasama niyang dumalo sa pestibal ang kanyang prodyuser na si Bessie Padilla, isang sikat na aktres at fashion model sa buong daigdig, at si Albert Almendralejo.

“Punumpuno ang Skip City Audio-Visual Hall noong Sunday sa Skip City para sa awards night at we felt proud dahil kahit isa lang ang napanalunan ng aming pelikula, sulit naman daw at matitindi ang pinagpilian,” kuwento ni Ralston na nagdirek na ng pelikulang dokumentaryo noong 2008 na Marlon para sa Cinemanila International Film Festival at nagkamit ito ng parangal.

Scriptwriter din si Jover at una niyang sinulat ang Kubrador na idinirek ng premyado ring filmmaker na si Jeffrey Jeturian.

Kasunod na nilikha niya ang Tirador at Foster Child para kay Brillante.

Limandaang libong yen ang napanalunan ng Bakal Boys, “Children Metal Divers” sa wikang Ingles, bukod sa sertipiko ng paglahok at tropeyo ng karangalan.

Ang Skip City International D-Cinema Festival ay idinaraos taun-taon upang engganyuhin ang mga filmmaker kabilang ang mga kabataan na gumawa ng mga makabuluhang digital films.

“Dalawang malalaking sinehan ang binuksan sa Skip City sa Japan para sa digital cinema,” pagbabalita ni Ralston.

Katuwang niya sa pagsulat ng dulang pampelikula ng Bakal Boys si Nestor Burgos.

Iikot pa sa buong mundo ang pelikula, ayon kay Jover.

Samantala, napanalunan naman ng pelikulang Lola ni Mendoza ang Best Cinematography sa katatapos na 31st Durban International Film festival sa South Africa, ang pareho ring nagpanalo kay Cherry Pie Picache ng Best Actress para sa Kaleldo ni Dante Mendoza.

Si Odyssey Flores ang cinematographer ni Brillante at si Lynda Casimiro naman ang mandudulang pampelikula.

 

Photo: “DSC_1191” by Butch Dalisay, c/o Flickr. Some Rights Reserved



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

wewew 26 February 11, 09:32 PM
wewewewewew
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer