Tutal, ayon sa marami, parehong wala nang pananagutan sa domestikong asawa sina Junjun at Robin dahil patay na ang misis ni Binay samantalang nakipagdiborsyo na sa kanyang esposang si Liezl Sicangco si Padilla.
Ngayon naman ay nasa korte na ang mga papeles ng kasal nina Kris at James Yap at naghihintay na si Kris na mapawalang-bisa ang kanilang sakramento ng matrimonyo.
Magiging malaya na si Kris sa kanyang buhay-pag-ibig at maaari na muli siyang umibig o kaya ay magpakasal sa iba kung sakali.
Kahit ang manager ni Robin sa habambuhay na si Deo Fajardo, Jr. ay natutuwa at nagkabalikan kahit man lang sa trabaho ang kanyang alaga at si Kris.
“Matagal ko na silang kilala pareho. Noon pa man. Ang hindi ko lang ma-recall ay kung kailan nagkaroon ng relasyon sina Kris at Robin pero alam kong naging magsyota sila."
“Hindi ko rin alam na nag-break sila. Wala akong alam na ganyan na nag-break pala sila. All I know is may naging relasyon sila,” pahayag ni Deo.
Gayunman, sinabi ni Fajardo, Jr. na hintayin na lang natin ang mga susunod na kabanata sa buhay nina Kris at Robin.
“Bagay na bagay sila sa show. Sila naman talaga ang nagsimula ng ganyan sa TV, 'yong mga game show na 'yan at mga drama. Tagumpay ang loveteam nila sa TV kaya alam ko na magtatagumpay rin ang kanilang team sa game show,” pahayag ni Deo.
Naaalala ni Fajardo, Jr. ang mga nagdaang araw kung kailan ay nag-iibigan sina Kris at Robin.
“Si Ate Luds (Inday Badiday) ang nagpakilala sa kanila. Tapos, nanligaw na si Robin kay Kris. Simple lang namang manligaw si Robin. Kuwento-kuwento lang 'yan,” wika ni Deo.
Sinabi ni Fajardo, Jr. na ayaw na niyang magsalita ng anuman kaugnay kay Kris dahil “baka sabihin na sa akin nanggaling. Ayaw ko ng gano'n.”
Basta't ang alam lang niya ay may alam siya sa paghihiwalay nina James at Kris pero hindi siya magsasalita.
At alam din niyang ang maaaring ibunga ng pagsasama nina Kris at Robin sa game show ay intriga at sanga-sangang balita.
“Pero magkasundo 'yang sina Kris at Robin. Kasi, no'n, ipinaglaban pa ni Kris si Robin sa kanyang pamilya,” pagtatapos ni Deo.
Photo: “the ever kikay Kris Aquino” by Blues Marquez, c/o Flickr. Some Rights Reserved
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









