The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Wagi sina Meryll Soriano at Lovi Poe sa Cinemalaya 2010

Wagi sina Meryll Soriano at Lovi Poe sa Cinemalaya 2010


meryll_loviManingning subalit maintriga ang nakaraang gabi ng parangal para sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Pasado alas siyete ng gabi nagsimula ang palatuntunan gayong alas siyete ang nakalagay sa imbitasyon.

Hinintay munang makarating ang malalaking tao ng Cinemalaya tulad nina Isabel Caro Wilson, ang pangulo ng CCP, Nestor Jardin, ang Festival Director, Laurice Guillen, ang Competition Director, Ed Cabagnot, ang Festival Programmer at Antonio Cojuangco, ang tagapangulo ng Cinemalaya Foundation.

Kasama ni Tony Boy ang kanyang magandang mahal sa buhay na si Gretchen Barretto.

Hindi nawala si Dawn Zulueta sa pagdiriwang kasama ang kanyang asawang kongresista na si Anton Lagdameo.

Si Ina Feleo naman ang katuwang ni Laurice sa pagtungo sa awards night.

Halos kumpleto ang buong pamilya ni Tirso Cruz III kabilang ang kanyang asawang si Lyn Ynchausti at ang kanilang mga anak kabilang si Bodie Cruz.

Binuksan ng Ballet Philippines ang programa sa pamamagitan ng isang awit ni Francis Magalona na “Pinoy Ako.”

Unang iginawad ang Audience Choice Award, ang gantimpala para sa mga pelikulang may pinakamaraming nanood.

Kinilala ang paghakot ng pelikulang “Two Funerals” ni Gil Portes para sa Directors Showcase, ang kauna-unahang kategorya para sa mga bateranong filmmaker.

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

Kinilala ang maraming nanood at humanga sa obrang “P” ni Milo Tolentino para sa Shorts category at kinilala rin ang bisa ng pelikulang “Magkakapatid” ni Kim Homer Gracia sa dami ng mga manonood.

“Sana, may kasunod pa,” pahayag ni Gil sa kanyang talumpati.

At marami pa ngang sumunod sa pagpaparangal sa pelikula ni Portes.

Nauna kasing parangalan ang Directors Showcase at Special Jury Award ang “Two Funerals.”

Samantala, walang inawardan ng Best Sound and Music sa limang opisyal na lahok na kinabibilangan ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ni Mario O’Hara, “Sigwa” ni Joel Lamangan, “Pink Halo-Halo” ni Joselito Altarejos, “Donor” ni Mark Meily at “Two Funerals” ni Portes.

Ayon sa pagkilala, lahat ng mga pelikula ay mahuhusay sa tunog at musika kaya wala nang dapat pang bigyan ng indibidwal at solong parangal bagamat ayon sa isa sa mga hurado na si Lito Zulueta, walang nangibabaw sa kahusayan sa limang pelikula.

Pinakamahusay na Editing ang “Pink Halo-Halo” samantalang Best Production Design ang “Donor,” Best Cinematography ang “Two Funerals,” Best Screenplay si Eric Ramos para sa “Two Funerals.”

Napanalunan ng “Donor” ang Best Film samantalang Best Director si Portes para sa “Two Funerals.”

Para sa Directors Showcase, Best Actress si Meryll Soriano para sa “Donor” at naglululukso siya sa tuwa sa pagwawagi kasama ang pakikibahagi ng kanyang kasintahang si Joem Bascon.

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

Ayon kay Meryll, ni wala siyang lipstick sa pagkakataong ‘yon at hindi siya handa sa pagtanggap sa karangalan.

Kasi nga’y wala namang leakage ang resulta ng labanan kaya suspense lahat ang mga magaganap.

Best Actor naman si Baron Geisler para sa “Donor” at ayon sa kanya, “magpapakatino na po ako” na umani ng masigabong palakpakan at hiyawan sa mga manonood tanda ng paghanga sa aktor sa kabila ng kabi-kabilang kaso nito sa pambabastos sa babae mula kay Yasmin Kurdi hanggang kay Julia Clarete.

Pati ang kanyang presenter na si Jeffrey Quizon ay kumantiyaw sa kanya at nagsabing “talagang magpapakabuti ka na, ha” sabay tawa nang malakas at pagbibigay ng lakas ng loob kay Baron.

Best Supporting Actress naman si Carla Pambid para sa “Donor” at Best Supporting Actor naman si Tirso para sa “Sigwa.”

Marami ang humanga kay Pip sa kanyang pagganap sa isang dating aktibista at kritiko ng establisimiyento na ngayon ay siya pang tagapagtanggol ng estado.

Bokya ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” at marami ang hindi makapaniwala na wala itong nakuhang gantimpala samantalang marami ang nakagusto sa pelikula.

Samantala, sa Shorts category o sa short film ay si Milo Tolentino ang nanalong Best Director samantalang Best Screenplay naman si Mikail Red na gumawa ng iskrip ng “Harang.”

Best Film naman si Pam Miras para sa “Huwag Kang Titingin.”

Sa hanay naman ng New Breed para sa mga baguhang direktor, si Lovi Poe ang nagwagi bilang Best Actress para sa “Mayohan” ng magkatuwang na direksyon nina Dan Villegas at Paul Sta. Ana samantalang Best Actor si John Arcilla para sa “Halaw” ni Sheron Dayoc.

Ayon kay John, ang independent filmmaking ay nakakatulong sa higit na nakararaming Filipino dahil dito naipapakita ang tunay na kalunus-lunos na buhay ng mga Filipino sa lipunang ito.

Best Supporting Actress naman si LJ Reyes para sa “The Leaving” ni Ian-Dean Loreños.

Siyempre’y wala si LJ sa awards night dahil kagampan siya sa New York sa kagandahang-loob ng kanyang mangingibig na si Paolo Avelino.

Best Supporting Actor naman si Emilio Garcia para sa pelikulang “Rekrut” ni Danny Añonuevo.

Special Jury Prize ang “Sampaguita” ni Francis Xavier Pasion samantalang Best Screenplay ang “Mayohan” ni Sta. Ana.

Best Sound naman ang “Rekrut,” Best Music ang “Mayohan,” Best Editing ang “Halaw” samantalang tabla sa Best Cinematography ang “Mayohan” at “The Leaving” na siya ring nanalo bilang Best Production Design.

Ayon kay Dayoc, ang kanyang pagwawagi ng Best Director at Best Film para sa “Halaw” ay inihahandog niya sa mga kapwa niya filmmaker sa Mindanao.

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

Nagtanghal ng kanilang mga solong awit sina Dingdong Avanzado, Christian Bautista at Ogie Alcasid pero nang matapos ang pagpaparangal at tawagin sila ay tumintindig na sa kanilang mga upuan ang mga manonood, isang bagay na pinuna ng tagapagsalita ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit na si Elmar Ingles.

Ayon kay Ingles, labag sa panuntunan ng OPM ang ginawang pagpapakanta kina Ogie, Dingdong at Christian sa pagtatapos ng palatuntunan.

“The director and producer of this awards night are bad director and producer. They should have not called on Ogie, Christian and Dingdong during that part,” pahayag ni Elmar.

Samantala, umani ng paghanga si Lani Misalucha sa kanyang awiting “Bukas na lang kita mamahalin” at ang a capella na klasikong musika nina Andrea Bocelli at Sarah Brightmann.

 

Photo screencaps from markmeily and jewellebarreras.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer