The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Edu Manzano, hinanap sa burol at cremation ni Conrad Poe

Edu Manzano, hinanap sa burol at cremation ni Conrad Poe

edu-manzanoKailangan ba o hindi na dumalo ni Edu Manzano sa burol at cremation ni Conrad Poe?

Ito ang tanong ng mga taga-showbiz sa pagpanaw ng isa sa mga kapatid sa ama ni Fernando Poe, Jr.

Ano ang relasyon ni Edu kay Conrad at bakit kailangan siya o hindi sa mga huling sandali ng aktor?

Dahil magkapatid sa salubong sina Conrad at Edu.

 

Ano ang ibig sabihin nito? Ang ina ni Conrad ay madrasta ni Edu.

Sa paanong paraan?

Ang unang asawa ni Patricia Mijares, isang sikat na aktres bago at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay si Adriano Manzano na magiging ama ni Edu kinalaunan.

Nagkakilala sina Patricia at Adriano noong panahon ng Hapon, nagkaibigan at nagpakasal pero naghiwalay rin bago ang liberation.

“Dahil magulo pa noon, pinayagan kaming mag-divorce,” pahayag ni Patricia sa burol ni Conrad kamakailan.

Nagbunga ng anak ang pagsasama nina Patricia at Adriano, si Angel Adriano na kapatid sa ina ni Conrad at madalas, gabi-gabi sa lamay kay Conrad sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue.

Nagtayo noon ng restoran si Patricia at ang kanyang mga kaibigan at kasamahang aktres sa pelikulang Filipino na sina Norma Blancaflor, Lilian Velez at Yolanda Marquez.

Madalas mag-istambay sa kainang ‘yon si Adriano kasama ang iba pang basketball player ng De La Salle na noon ay College pa lang kabilang si Leo Prieto na napangasawa ni Yolanda, Mary H. Prieto sa tunay na buhay na bukod sa bituin ay modelo at socialite.

Nagtungo naman sa Estados Unidos si Adriano at nakilala roon si Nenita Barrios, isang socialite na barkada nina Conchita Sunico, ang namahala noon sa Metropolitan Theater.

Nagkaibigan sina Adriano at Nenita at una nilang naging anak si Eduardo Manzano na kilala ngayon bilang Edu Manzano.

“Ewan ko kung darating si Edu. Hindi ko alam,” pahayag ni Anggie, palayaw ni Angel, sa burol.

Noong Sabado sa cremation ni Conrad ay hinintay rin ni Angie si Edu.

Gayunman, kumpleto ang mga Poe sa cremation kabilang ang mga kapatid sa ama ni Conrad na sina Elizabeth, Evangeline, Jenny at Freddie Poe, kapwa mga tunay na kapatid ni Fernando Poe, Jr.

Nandoon din sina Susan Roces, Mary Grace Poe, Amay Bisaya, Sheryl Cruz at ang common-law wife ni Conrad na si Zeny Marcelo-Poe, isang mahusay, premyado, at pandaigdig na make-up artist.


Photo from Blogwatch. Some rights reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer