Pumanaw na ang kapatid ni Fernando Poe, Jr. na si Conrad Poe noong Sabado ng madaling-araw sa Meycauayan, Bulacan.
Kapatid sa ama ni FPJ si Conrad.
Dahil sa madalas na pagtatambal sa pelikula, nagkaroon ng relasyon sa likod ng kamera sina Fernando Poe, Sr. at Patricia Mijares, ang ina ni Conrad.
Pero ayon kay Conrad nang siya ay nabubuhay pa, pagkamatay ng kanyang ama ay ipinatawag siya agad ng mga miyembro ng pamilya Poe at inaring isang tunay na kaanak.
“Si Mommy Bessie Kelly Poe ang nagpahanap sa akin at itinuring niya akong isang tunay na anak kahit may ina pa ako,” pahayag ni Conrad sa kaarawan ng bagong singer na si Dexter Encarnado sa Dasmariñas, Cavite ilang buwan bago siya kinitlan ng buhay.
Ayon sa asawa ni Conrad na si Zeny Poe, wala siya sa tabi ng kanyang esposo nang bawian ito ng buhay.
“Nasa Nueva Ecija ako no’ng mga sandaling ‘yon.
“Nag-anak kasi ako sa kasal sa Nueva Ecija. We were supposed to go there together dahil siya naman talaga ang ninong at hindi ako. No’ng early Friday morning, pinuntahan ko siya sa FPJ Studios sa Del Monte Avenue sa may Sienna College para itanong kung talagang hindi siya makakasama.
“Basta ang sabi lang niya ay ako na lang ang mag-anak sa kasal. Pero ang ipinagtataka ko, yakap siya nang yakap sa akin. Halik nang halik. Sabi, ‘heart, ingat ka. Take care of yourself.’ Tapos, hahalik na naman siya sa akin. Tapos, yayakap siya nang mahigpit akin.
“Bawat minuto, bago ako umalis, yakap siya nang yakap. Balik siya nang balik sa akin bago ako sumakay sa kotse bago kami tumuloy sa Nueva Ecija,” walang patid na pahayag ni Zeny na mangiyak-ngiyak na sa pagkukuwento.
“Yon pala, huli na naming pagsasama ‘yon. Kung alam ko lang, hindi na ako tumuloy sa Nueva Ecija,” sabi pa niya na basing-basa na sa luha ang mga mata.
Ala na una na anya ng hapon ay hindi pa bumabangon sa kanyang higaan si Conrad, isang hindi pangkaraniwang tagpo kaya ang isa sa mga kasambahay niya ay itinaklab ang pinto ng kuwarto ng aktor pero hindi pa rin ito nagising.
Nang hipuin na siya ng kasambahay ay malamig nang bangkay ang bituin.
Nakalagak ngayon sa Arlington Memorial Chapels ang aktor. Siya ay 62 na taong gulang.
Photo screencap from mereradel
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









