The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Cinemalaya 2010, patalbugan ng mga beterano at bagong direktor

Cinemalaya 2010, patalbugan ng mga beterano at bagong direktor

cinemalaya_2010Tuloy na tuloy na ang ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa ika-9 ng Hulyo, 2010 sa Cultural Center of the Philippines.

Tuloy rin ang banggaan ng mga beterano at bagong direktor upang malaman kung sino ang sino sa mga ito ang tunay na mga hari ng pelikulang Filipino.

 

Ayon nga kay Joel Lamangan, isa sa mga napiling direktor sa Open Category para sa pelikulang Sigwa, “Noon pa ay nais ko nang makasama sa Cinemalaya. Sabi ko noon na sana’y bata pa rin ako para makasali. Kasi, gusto kong gawin ang kanilang ginagawa na hindi ko nagagawa sa mainstream film industry,” pahayag ni Lamangan.

Kahit hindi tahasang sinasabi na tunggalian ng mga beterano at batambatang filmmaker ang Cinemalaya6, sadyang may pailalim na pingkian ito.

Gayunman, ang kontrahang ito ay para sa ikabubuti at ikauunlad ng pelikulang Filipino at hindi sa pansarili lang na interest ng mga indibidwal na direktor.

Kaya nga nakakasabik na sundan ang mga kabanata sa edisyong ito ng Cinemalaya.

Bagamat hiwalay ang kategorya ng mga baguhang direktor sa ilalim ng New Breed Directors sa full length feature at ang mga establisado nang direktor na nakagawa na ng tatlong pelikulang naipalabas na sa mga komersyal na sinehan, kahit sa paggagawad ng parangal, magkakaroon pa rin ng paghahambing sa mga likhang-sining nila.

“Ako, gumagawa lang ako ng pelikula para sa mga manonood at hindi para sa aking sarili,” pahayag ni Mario O’Hara na kasama rin sa Open Category, Director’s Showcase, para sa pelikulang Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.

Masigasig din si Gil M. Portes para sa kanyang pelikulang Two Funerals na kahanay din sa kategoryang ito gayundin sina Joselito Altarejos para sa Pink Halu-Halo at Mark Meily para sa Donor, ang dating Isang Pirasong Buhay.

Samantala, makakasama sa New Breed sina Sheron Dayoc para sa Halaw, Gutierrez Mangansakan II para sa Limbunan, Kim Homer C. Garcia para sa Magkakapatid, Dan Villegas at Paul Sta. Ana para sa Mayohan, Danny Añonuevo para sa Rekrut, Francis Xavier Pasion para sa Sampaguita, Art Katipunan para sa Si Techie, Si Teknoboy at si JuanaB, Dennis Marasigan para sa Vox Populi, at Ian-Dean S. Loreños para sa The Leaving.

Umatras si Arnel Mardoquio para sa Sheika dahil sa teknikal na mga kadahilanan.

Sa hanay na ito ng mga obra at ng mga tagalikha ng mga ito, masasabing pukpukan ang labanan ng mga bago at matagal sa industriya.

 

Photo screencap from spysvideo.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer