Walang kagatul-gatol na sinabi ni Madam Suzette Arandela, isang pamosong manghuhula at feng shui consultant, na ang mananalo sa eleksyon ngayong araw na ito ay ang may dating na tambalan o tandem.
“Sina Noynoy Aquino at Mar Roxas ang mananalo bilang presidente at bise-presidente ng Pilipinas,” mariing pahayag ni Madam Suzette.
Walang kagatul-gatol na sinabi ni Madam Suzette Arandela, isang pamosong manghuhula at feng shui consultant, na ang mananalo sa eleksyon ngayong araw na ito ay ang may dating na tambalan o tandem.
“Sina Noynoy Aquino at Mar Roxas ang mananalo bilang presidente at bise-presidente ng Pilipinas,” mariing pahayag ni Madam Suzette.
“Mananalo rin ang tandem nina Alfredo Lim at Isko Moreno sa Maynila bilang mayor at vice-mayor,” sabi pa niya.
“At sa Quezon City, mananalo sina Herbert Bautista at Joy Belmonte dahil kaiba ang kanilang tandem. Naiiba ang dating nila,” dagdag pa ng manghuhula na gumagamit ng tarot cards sa kanyang prediksyon.
“Landslide ang victory ni Vilma Santos sa Batangas,” wika pa ni Arandela.
Gayunman, sinabi niyang walang dating ang kandidatura ni Christopher de Leon bilang bokal sa Batangas.
“Mas kilala siya bilang dramatic star,” sabi ni Madam Suzette.
“Pero marami pa ring artista ang mananalo sa eleksyong ito,” wika pa niya.
Nakikita niyang mananalo sina Ara Mina, Roderick Paulate, Alfred Vargas at Ogie Diaz bilang mga konsehal ng Lunsod ng Quezon.
Samantala, wala anyang dudang makakamtan pa rin ni Alma Moreno ang reelection niya sa konseho ng Parañaque City.
Si Lou Veloso, Jr. anya ay re-electionist sa Maynila bilang konsehal samantalang mahihirapan man si Cristina Gonzales bilang konseho sa Tacloban City sa Leyte ay makakalusot naman.
“Silang mag-asawa ang mga kandidato r’yan, di ba?” tanong ng manghuhula.
“Mananalo si Cesar Montano bilang governor ng Bohol pero depende rin sa klase ng kanyang kalaban,” hula ni Arandela.
“Si Lucy Torres, malakas ‘yan, mananalo ‘yan. Taga-dyan talaga ‘yan sa Ormoc City sa Leyte,” wika ni Madam Suzette.
“Si Rey Malonzo, mananalo pa rin ‘yan as vice-mayor ng Caloocan City kahit na bumaba pa siya sa puwesto. Kasi, gustung-gusto niya ng pulitika,” sabi ni Arandela.
Samantala, nakikini-kinita niyang matatalo muli si Angelica Jones bilang bokal sa Ikatlong Distrito ng Lalawigan ng Laguna gayundin si Lani Mercado bilang kongresista ng Cavite at si Jestoni Alarcon bilang congressman ng Rizal Province.
Photo: “DSC_0415” by jon mannion, c/o Flickr. Some Rights Reserved
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









