The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Iza Calzado, Best Actress sa 7th Golden Screen Awards

Iza Calzado, Best Actress sa 7th Golden Screen Awards


iza_calzado_dukotIba naman ang resulta ng mga nagwagi sa ika-7 Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. o Enpress, ang asosasyon ng mga peryodistang pampelikula na tumiwalag sa Philippine Movie Press Club o PMPC na nagbibigay naman ng Star Awards.

iza_calzado_dukotIba naman ang resulta ng mga nagwagi sa ika-7 Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. o Enpress, ang asosasyon ng mga peryodistang pampelikula na tumiwalag sa Philippine Movie Press Club o PMPC na nagbibigay naman ng Star Awards.

Sa ginanap na gabi ng parangal sa Teatrino sa Greenhills, ipinagkaloob ng Enpress kay Iza Calzado ang Pinakamahusay na Aktres sa Pangunahing Papel sa Drama para sa pelikulang “Dukot” ng ATD Entertainment samantalang kay Coco Martin ipinagkaloob ang Pinakamahusay na Aktor sa Pangunahing Papel sa Drama para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions.

Samantala, Pinakamahusay na Aktres sa Pangunahing Papel sa Musical o Comedy si Eugene Domingo para sa pelikulang “Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme)” at Pinakamahusay na Aktor sa Pangunahing Papel sa Musical o Comedy si Roderick Paulate para sa pelikulang “Ded na si Lola” ng APT Entertainment.

Pinakamahusay na Pelikula sa Drama ang “Kinatay (The Execution of P” ng Centerstage Productions at Swift Productions samantalang Pinakamahusay na Pelikula sa Musical o Comedy ang “Ded na si Lolo” ng APT Entertainment.

Sa Pinakamahusay na Direktor na kategorya, walang hiwalay na gantimpala para sa pelikulang Drama o Musical o Comedy at sa hanay na ito, si Brillante Mendoza ang para sa “Kinatay (The Execution of P).”

Sa Pinakamahusay na Katulong na Aktres, si Maria Isabel Lopez ang nagwagi para sa “Kinatay (The Execution of P)” at sa Pinakamahusay na Katulong na Aktor, si Dennis Trillo ang nag-uwi ng premyo para sa “Mano Po” ng Regal Entertainment.

Samantala, marami ring nakamtang parangal ang “Ang Panday” ng Imus Productions kabilang ang Pinakamahusay na Sinematograpiya, Pinakamahusay na Editing at Pinakamahusay na Visual Effects.

Nanalo naman si Soxie Topacio para sa Pinakamahusay na Dulang Pampelikula para sa “Ded na si Lolo.”

Si Vilma Santos naman ang ginawaran ng Lino Brocka Lifetime Achievement Award mula sa Enpress subalit hindi nakarating ang aktres para tanggapin ang kanyang karangalan. Sa halip ay ang kanilang anak ni Ralph Recto ang tumanggap sa parangal.

Kabilang si Tito Sotto sa mga dumalo sa parangal at nag-present ng mga nominado at tumawag sa panalo.

Nandoon din sina Snooky Serna, ang scriptwriter na si Lynda Casimiro na sumulat ng dulang pampelikula ng “Lola” ng Swift Productions at Centerstage Productionsna nominado sa Pinakamahusay na Dulang Pampelikula pero sa kasamaang-loob ay natalo siya ni Soxie.

Hindi nakarating ang isa sa mga sponsor ng awards night na si Dr. Vicki Belo kaya bakante ang mga upunang nakalaan para sa kanila bilang tagasuporta ng gabi ng parangal.

Photo screencap from reignproof18.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer