The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Wagi ang “Lola” sa Switzerland, Spain at US

Wagi ang “Lola” sa Switzerland, Spain at US


lola_tribeca_films2Hindi lamang sa mga gawad parangal sa Pilipinas nananalo ang pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions ni Brillante Mendoza.

Kamakailan, sa paglilibot ng 2009 Palm d’Or Best Director ng Cannes International Film Festival sa Cannes, France, nagwagi sa magkakahiwalay bagamat halos magkakasabay na international film festival.

 

lola_tribeca_films2Hindi lamang sa mga gawad parangal sa Pilipinas nananalo ang pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions ni Brillante Mendoza.

Kamakailan, sa paglilibot ng 2009 Palm d’Or Best Director ng Cannes International Film Festival sa Cannes, France, nagwagi sa magkakahiwalay bagamat halos magkakasabay na international film festival.   

Noon lang Sabado ng gabi ay nakamtan ni Brillante para sa “Lola” ang mga gawad na International Federation of Film Society Award, Ecumenical Jury Award and The Audience Award sa ika-24 na taon ng Fribourg International Film Festival sa Fribourg, Switzerland.

Ipinagmamalaki ng Fribourg ang pelikula ni Mendoza dahil sa pagpapakita nito ng katotohanan sa lipunang Filipino.

Kahit wala si Dante Mendoza sa pagdiriwang ng awards night ay pinalakpakan siya ng mga Swiss at iba pang lagi na nagmamahal sa sining ng pelikula na marubdob nitong nasa na mapaunlad ang sining ng pelikula sa Pilipinas at sa buong daigdig.

Nasa Fribourg si Dante noong ika-14 ng Marso pero kailangan niyang pumunta sa Paris, France para naman tanggapin ang parangal na tribute sa kanya ng pamahalaan ng Paris para sa kanyang kontribusyon sa sining ng pelikulang pandaigdig para sa kanyang mga obrang “Serbis,” “Kinatay (The Execution of P)” at “Lola.”

Hindi rin nakarating si Brillante sa 2010 Miami International Film Festival sa Miami, Florida kung saan hinusgahang maging Grand Jury Prize ang “Lola” at nagkamit siya ng halagang dalawampu’t limang dolyares bilang premyo.

Nasa pali-paligid lang ng Europa si Mendoza dahil siya ay dumalo sa Las Palmas Gran Canaria International Film Festival sa Spain para sa pelikulang “Lola.”

Nakamtan ng pelikula ang Lady Harmiguada de Oro o Grand Prize sa paligsahan kaya naman tuwang-tuwa ang premyadong filmmaker sa kanyang mga tagumpay.

At ang mga bida niya sa “Lola” na sina Anita Linda at Rustica Carpio ay nagwaging Ex Aequo Best Actress para sa kanilang natatanging pagganap bilang mga lola ng pumatay (Rustica) at pinatay (Anita).

Nag-uwi rin ng karangalan si Odyssey Flores bilang sa kategoryang Best Cinematography.

Photo screencap from tribecafilm.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer