The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Gawad Urian 2009, pagbibigay-pugay sa indie films

Gawad Urian 2009, pagbibigay-pugay sa indie films


lola_tribeca_filmsIdinaos noong Huwebes ng gabi sa Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute sa Diliman, Lunsod ng Quezon ang ika-33 taon ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

 

lola_tribeca_filmsIdinaos noong Huwebes ng gabi sa Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute sa Diliman, Lunsod ng Quezon ang ika-33 taon ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Binuksan ang gabi ng parangal sa pamamagitan ng pagmamaestro at pagmamaestra sa palatuntunan nina Butch Francisco, isa sa mga aktibong kasapi ng MPP, peryodistang pampelikula at TV host ng “Startalk” sa GMA Network at ang 1994 Pinakamahusay na Pangunahing Aktres na si Gelli de Belen para sa pelikulang “The Secrets of Sarah Jane.”

Ipinakilala nina Butch at Gelli ang kasalukuyang tagapangulo ng MPP na si Rolando Tolentino, ang Dekano ng UP College of Mass Communications.

Sinabi ni Tolentino, nagpupugay ang Gawad Urian sa taong ito sa mga obrang naghahamon sa mapaniil na mga institusyon, establisimiyento, ahensiya at tao na baguhin ang mapagsamantalang sistema tungo sa mas magandang kondisyon ng tao sa kanyang lipunan.

Nakita ito ng mga Manunuri, sa pagsasatinig ni Rolando, kilala rin sa tawag na Roland Tolentino, sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga independent o indie films na Filipino hindi lang sa ibayong-dagat kundi maging sa ating sariling bayan.

Halos lahat ng mga nominasyon at nanalo ay mula sa hanay ng digital films.

Nagtabla sina Rustica Carpio at Anita Linda sa pagka-Best Actress o Pinakamahuhusay na Pangunahing Aktres para sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions.

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

“Huwag sana tayong matakot na ipakita ang mga katotohanan sa Pilipinas dahil sa likod ng pangit na katotohanan ay ang kagandahan lalo na ng sining,” pahayag ni Rustica na isang propesora sa tunay na buhay.

Ipinagmamalaki niya ang kanyang direktor na si Brillante Mendoza.

Samantala, ayon kay Anita, “lagi akong binibigyan ng parangal ng Manunuri at matalas pa ang memorya ko sa mga nangyayari sa aking buhay kahit ako ay eighty six years old.”

Si Lou Veloso, Jr. ang nag-uwi ng tropeyo ng pagiging Pinakamahusay na Pangunahing Aktor para sa obrang “Colorum” ng Cinemalaya sa direksyon Jobin Ballesteros.

“Inihahandog ko itong award na ito sa leading man ko na si Alfred Vargas,” nagpapatawang wika ni Lou.

Ang nanalo namang Pinakamahusay na Pangalawang Aktres ay ang baguhang si Marissa Sue Prado para sa pelikulang “Himpapawid” ng Pelikula Red na nilikha ng premyadong direktor na si Raymond Red.

“Kahit hindi pa po ako kilala sa showbiz, ang pag-arte ko po ang mahalaga,” sabi ni Prado na balak nang alisin ang una niyang pangalang Marissa kaya Sue Prado na lang siya.

Katumbas naman ng kanyang parangal ang Pinakamahusay na Pangalawang Aktor ni Soliman Cruz para sa “Himpapawid.” Walang sinabi si Soliman sa kanyang talumpati kundi “thank you.”

Si Brillante Mendoza naman ang nakakuha ng Pinamahusay na Direksyon para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P).”

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

Hindi nakarating si Dante Mendoza sa okasyon dahil bigla siyang umalis patungong ibang bansa sa oras ng pagsisimula ng awards night.

Dati’y nasa kanyang iskedyul ang pagdalo sa Urian pero hinihintay siya sa kanyang pagbabalik sa Tribeca International Film Festival sa Manhattan sa US na inorganisa ng premyadong Academy Award winner na si Robert de Niro kung saan nakipaglaban ang kanyang mga pelikulang “Kinatay” at “Lola.”

Ang anak ni Mendoza na si Angelica Mendoza ang tumanggap ng parangal para sa kanyang ama.

Si Lynda Casimiro—at hindi Linda Casimiro—ang inihayag na  Pinakamahusay na Mandudulang Pampelikula sa paghabi niya ng iskrip para sa “Lola.”

“Sana po ay mabigyan pa kami ng pagkakataon na makapagsulat ng mga mapangahas na kuwento,” hiling ni Lynda.

Ang iprinoklama namang Pinakamahusay na Maikling Pelikula ay ang “To Siomai Love” ni Remton Siega Zuazola.

Samantala, si Albert Michael Idioma ang nagkamit ng Pinakamahusay na Tunog para sa “Kinatay” samantalang si Francis de Veyra naman ang Pinakamahusay na maglapat ng Musika para sa “The Arrival” ni Erik Matti.

Pinakamahusay na Editor sina Orlean Tan, Ralph Crisostomo at Miko Araneta para sa “Engkwentro.”

Nakamit naman ni Raymond Red ang Pinakamahusay na Sinematograpiya para sa pelikulang “Himpapawid.”

JavaScript is disabled!
To display this content, you need a JavaScript capable browser.

Ang nag-uwi naman ng Pinakamahusay na Disenyong Pampelikula ay walang iba kundi si Dante Mendoza para sa “Lola.”

Maningning ang pagdalo ng mga kilalang artista at ayon nga sa manunulat at artista na si Cherry Cornell, “star-studded ang Urian awards night.”

Ito ang kauna-unahang pagsasapubliko ng pag-asawahan ng Miss International na si Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz na ikinasal sa ibang bansa noong isang linggo.

Larawan ng masuyo at matamis na pagmamahalan sina Precious Lara at Marco. Panay ang sulyap at alalay ni Alcaraz sa kanyang misis na beauty queen.

Nagtilian ang mga manonood sa bulwagan nang lumabas si Jason Abalos at si Coco Martin.

Lalo pang tumindi ang tilian at hiyawan nang tawagin bilang mga presenters sina Sam Milby at Piolo Pascual. Si Sam ang umalalay kina Carpio at Linda nang tawagin ang kani-kanilang pangalan bilang nagwagi.

Samantala, kinantahan naman ni Christian Bautista ang dalawang beteranang Best Actress award gayundin ang tumanggap ng Natatanging Gawad Urian na si Armida Siguion-Reyna.

Maigting naman ang pagbibigay-buhay ni Mark Bautista sa kanyang awitin samantalang aliw na aliw si Tita Midz sa interprestasyon ni Rachel Alejandro sa mga klasikong kundiman na “Saan Ka Man Naroroon” at iba pang medley.

Sa bawat pagbanggit sa pangalan ni Vilma Santos ay nagtitilian ang mga Vilmanians, ang tanging kaligayahan lang nila para sa kanilang idolo na natalo sa pagka-Best Actress.

Marahil ay alam na ni Vilma na hindi siya mananalo kaya wala na siyang enerhiya para dumalo pa sa okasyon.

Hindi tulad ng ibang award-giving body na may mga pintas, bagamat may konti ring komento laban sa Urian, sa pangkalahatan ay walang reklamo laban sa resulta ng mga nagwagi.

Ang MPP ay binubuo ng mga kritiko mula sa akademya, sining, peryodismo at iba pang larangan.

Sa kasalukuyan, ang mga miyembro ng Gawad Urian ay sina Bienvenido Lumbera, National Artist for Literature; Nicanor G. Tiongson, manunulat at book author; Lito Zulueta, peryodista; Butch Francisco, YV host; Mario Hernando, patnugot ng mga pahinang entertainment; Mike Rapatan, guro sa De La Salle University sa Taft Avenue, Maynila; Grace Javier Alfonso, propesora sa UP Open University; Benilda Santos, makata; Tito Valiente, titser sa antropolohiya at Tolentino, manunulat.

Photo screencap from tribecafilm.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer