Napuno ng siphayo ang buhay ni Johven nang mawala sa kanya ang instructorship sa University of the Philippines Film Institute. Nang dahil dito, nasaid ang kanyang bulsa at nalampa ang kanyang "katinuan."
Ayon sa introduksyon sa aklat ng kritikong si Joel David, pulos trabaho na walang kompensasyon ang itinalaga kay Johven na nakilala rin bilang katulong na tagapag-alaga kina Jaclyn Jose, Cherry Pie Picache, Gardo Versoza, Allan Paule, Susan Africa, Simon Ibarra at marami pang iba.
Nang dahil dito ay wala siyang kinita. Nang imbitahin siya ni David para maging panauhing tagapagsalita sa isang unibersidad sa South Korea , walang kapera-pera si Johven dahil wala siyang sinuweldo sa UP kahit isang kusing bilang lecturer. Mabuti na lang at maraming kaibigan niya ang tumulong sa kanya.
Naalis ang instructorship kay Velasco sa UP dahil wala siyang master's degree Isa ito sa mga kinakailangan upang makapagturo sa pamantasan, bagamat nag-aaral pa siya ng kanyang Master of Arts in Media Studies sa UP rin.
Mapait din ang naging karanasan ni Johven sa pagsusulat ng iskrip at pagdidirek. Ayon kay Ellen Ongkeko-Marfil, isa sa matalik na kaibigan ni Johven, madalas sabihin sa kanya ng namayapang propesor na gusto na niyang magretiro sa akademya at mag-concentrate sa showbiz bilang mandudulang pampelikula o kaya ay direktor.
Madalas, ani Ellen ay dumadaing si Jhoven na wala siyang nalikhang pangalan sa industriya ng pelikula ngunit hindi pa huli ang lahat.
Nangako si Ongkeko-Marfil na tutulungan si Johven pero hindi na ito umabot nang bigla itong binawian ng buhay.
Photo: “IMG_3950” by Rommel Feria, c/o Flickr. Some Rights Reserved
Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Johven Velasco ang hirap at pasakit na sinapit ng kilalang film critic, teacher, writer, historian at biographer na si Johven Velasco sa akademya at showbiz.'); return false;">
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook
