The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Dahil sa pagbubuntis, mga bata ang laging kasama ni Judy Ann Santos

Dahil sa pagbubuntis, mga bata ang laging kasama ni Judy Ann Santos

judyannryan2Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo mula nang ipahayag sa kanila ng doktor noong isang linggo na nagdadalantao na ang aktres. Kaya nagplano ang mag-asawa kung paano ipapahayag sa publiko ang magandang balita.

 

Pinauna muna ni Judy Ann si Ryan sa kanyang pagsasapubliko ng ulat sa “Eat Bulaga” ng GMA Network at bakas na bakas ang kasiyahan sa kanyang buong pagkatao.

Pagkatapos ay si Juday naman ang nagpahayag na siya ay buntis na sa “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN.

Parang laging piyesta sa bahay nina Juday at Ryan dahil sa maagang paghihintay sa pagsisilang ng bituin.

Gayundin, sa bahay ng kanyang ina na si Carol Santos ay walang sandaling malungkot nang dahil sa pagdadalantao ng anak. Laging dumadalaw ang mag-asawa kina Mommy Carol at mga bata ang lagi nilang kasama.

Kamakailan ay sumali pa sina Juday at Ryan sa mga gawaing palabas-pambata ng kanilang pamangkin na si Yohan. Sama-sama silang mag-iina sa panonood ng kanilang kaanak na paslit.

Pati ang mga iba pang pamangkin ni Judy Ann ay masayang-masaya sa pagdadalantao ng kanilang tiya. Panay nga ang paglalaro nila pag walang taping o shoot si Juday.

“Ryan and Juday are really excited about their being expectant parents. They are always happy,” pahayag ni Carol sa kanyang text message sa kanyang pinsan na talent manager na si Phillip Gomez.

Mga bagay at pagkaing mapuputi ang madalas pag-ukulan ng pansin at kainin ni Juday tulad ng singkamas.

Ayon kay Mommy Carol, hindi naman mahirap maglihi ang kanyang anak pero madalas siyang magpayo rito ng mga karapat-dapat sa pagbubuntis.

Pinapayuhan din ng ina na magdahan-dahan na sa pagtatrabaho ang aktres kaya lilimitahan niya ang pagtanggap ng mga alok na pelikula at telebisyon bagamat ang mga nauna nang natanguan ay gagawin habang hindi malaki ang tiyan ng bituin.

 

Photo screencap taken from eytcetera.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer