The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Intriga, pulitika sa isang pelikula

Intriga, pulitika sa isang pelikula

Gat Andres Bonifacio. Photo is of a wood engraving of the Philippine revolutionary hero. Taken from wikiPilipinas.org.Sumang-ayon na si Alfred Vargas na gampanan ang papel ni Andres Bonifacio sa pelikulang gagawin ng premyadong direktor na si Mario O’Hara para sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival.

Ayon kay O'Hara, na sya ring nag-direct ng Babae sa Breakwater, madaling pumayag si Vargas na bigyang-buhay ang karakter na tinaguriang “Dakilang Anakpawis” sa pamamagitan nang pangungumbinsi ni Robbie Tan ng Seiko Films. Ang magiging pamagat ng pelikula ay Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.

“Si Robbie kasi ang nag-alaga kay Alfred nang umalis ito sa ABS-CBN at lumipat sa GMA Network. Ang Seiko Films ang nagbigay sa kanya ng pelikulang isa siya sa mga bida,” pahayag ni O’Hara sa isang eksklusibong panayam.

“Gusto rin ni Alfred na magkaroon ng award,” pahayag ng peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas.

Tatapatan si Vargas ni Coco Martin, na siya namang papapel bilang Emilio Aguinaldo, ang naging katapat ni Bonifacio sa liderato ng Katipunan noong panahon ng mga Kastila.

“Kauna-unahan ito sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Wala pang napo-produce na ganitong pelikula para sa ating kasaysayan kaya nakaka-excite,” pahayag ni O’Hara.

Marami aniya siyang mga dokumento sa kanilang tahanan na tumatalakay sa opisyal na tala tungkol sa pagdinig sa kasong treason na isinampa ng pamahalaang Aguinaldo laban kay Bonifacio.

Gayundin, orihinal din ang mga ebidensiya na gagamitin ni O’Hara sa paratang laban kay Aguinaldo na siya umanong nagpapatay kay Bonifacio.

“Ito ang nagsimula ng maintrigang kasaysayan ng pulitika sa ating bansa. Ito rin ang simula kung bakit may regionalism sa pulitika. Kasi, ayaw ng mga Caviteño na isang taga-Tondo sa Maynila ang maging presidente ng Pilipinas kaya ganyan ang nangyari sa ating bansa,” pahayag ni O’Hara.

Mga estudyante animo ang nais ni Mario na makapanood ng pelikula, para raw malaman ng mga ito ang tunay na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.

 

Gat Andres Bonifacio. Photo is of a wood engraving of the Philippine revolutionary hero. Taken from WikiPilipinas.org.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer