Inamin ni Angel Locsin na tinawagan siya ni Luis Manzano noong Bagong Taon.
At hindi lang tawag ng pagbati ng Kapaskuhan ang ginawa ni Luis kay Angel.
Nanliligaw uli ang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano kay Locsin!
“Ang sabi ko po sa kanya, sige, we can start anew like from a scratch pero hindi ibig sabihin noon, sabi ko sa kanya na may mga expectations ka,” pahayag ni Angel sa isang eksklusibong panayam sa Eastwood Mall sa Libis sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ng batang aktres na maganda ang usapan nila ni Luis pero hindi iyon nangangahulugan na nagkabalikan na sila.
Inilinaw ng kontrobersyal na bituin na ang pagkakaibigan ay hindi nawawala sa mga tao pero hindi ibig sabihin nito ay may romansa na muli na namang mamamagitan sa kanila.
Ayon pa kay Locsin, maganda ang pasok ng Bagong Taon sa kanya at ang pagtawag ng batang Manzano ay nagdagdag ng kulay sa kanyang buhay bilang kaibigan ng aktor.
Idinagdag ni Angel na malinaw ang mga kondisyon nang pakikipagbati niya kay Lucky.
“Ang sabi ko pa rin po sa kanya, tingnan natin. Baka naman ‘yong ayaw niya sa akin ay nabago at ang ayaw ko sa kanya ay nabago rin. Gano’n lang ang usapan namin tungkol sa kanyang pagtawag,” wika ng aktres.
Samantala, maligaya at aktibo sa trabaho sa pagbubukas ng taon si Angel dahil natapos na ang paggawa niya ng station ID para sa ABS-CBN at ang pagsali sa MTV ng “Beautiful Girl” ni Christian Bautista para sa Universal Records.
Ang isa pang nanliligaw kay Angel ay ang CNN Hero of the Year dahil sa pagtuturo sa kariton na si Efren Peñaflorida.
Pero nang dahil sa panliligaw na ito ay nasulat na may pagkabading si Efren.
“Naku, hindi po ako naniniwala na gano’n siya,” pahayag ni Angel.
Nagpapadala sa tatay ni Angel ng mga tsokolate si Efren at nagtapat na ng personal niyang damdamin sa aktres.
Photo: “Angel Locsin Pictures in her 2008 Fans Day in Boy & Kris” by , c/o Flickr. Some Rights Reserved.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









