The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman Nang gabing umiyak pati mga bituin

Nang gabing umiyak pati mga bituin

Inihatid na sa huling hantungan si Johnny Delgado, Juan Marasigan Feleo sa tunay na buhay, ganap na ika-11:30 umaga ng Martes sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Bukod sa kanyang mga mahal sa buhay na si Laurice Guillen, asawa, mga anak na sina Ana at Ina Feleo, amang si Ben Feleo, mga kapatid at kaanak, nakipaglibing din ang matatalik na kaibigan ng aktor na sina Christopher de Leon at Edgar Mortiz, ang dalawa pang natitirang Bad Bananas sa barkada.

Naghatid rin sa huling hantungan ni Delgado ang kanyang stepmother na aktres na si Zeny Zabala.

Ayon kay Zeny, pagkatapos ng libing ay nagkaroon ng munting salu-salo ang mga naghatid sa huling hantungan para sa namayapang aktor.

Bumaba ang mga tala mula sa langit upang makipaglamay at makibahagi sa mga huling sandali ni Johnny Delgado sa lupa noong Lunes ng gabi sa chapel ng Mt. Carmel Church sa New Manila.

Bukod sa pakikiramay nina Lorna Tolentino, Lolit Solis, Amy Austria, Vivian Velez, Isabel Rivas, Tirso Cruz III, Lyn Ynchausti at Levy Ignacio sa mga nakalipas na burol, higit na dumami ang mga tumungo sa huling gabi ng lamay.

Isang necrological rite ang ginanap at nagsalita ang mga mahal sa buhay ng aktor.

Sinabi ni Laurice na naging tagapagpagaling ng mga sugat sa puso at diwa si Johnny noong ito ay nabubuhay pa.

Ayon pa sa aktres at direktora, maraming kabanata sa buhay nila at ng ibang tao ang nabago sa pamamagitan ng haplos ng pananalita ni Johnny.

Sinabi naman ni Ana na hindi niya makakalimutan ang kanyang ama dahil sa naging pagkandili sa nito kanya. “Papa’s girl ako at lagi niya akong ipinagpi-prepare ng sandwich,” pahayag ni Ana.

Ani naman ni Ina, siya ay bunso pero hindi siya pinalayaw ng kanyang ama bagkus ay tinuruan pa na maging malaya sa buhay.

Sinabi naman ni Christopher na bukod pa sa pagiging kaibigan ay kapatid ang turing niya sa namayapang aktor.

Samantala, kahit na sa piling niya nalagutan ng hininga si Johnny, nananatiling makasaysayan ang mga alaala nito para kay Edgar Mortiz.

Nang mamatay si Johnny, nasa kanila ako pero pagkaraan ng ilang oras, nagpunta na ako sa Macau dahil may shooting ako ro’n,” pahayag ni Mortiz.

Ang mga karanasan nila sa scuba diving ang mananatiling sariwa sa mga alaala nina de Leon at Bobot. “Ang sabi noon ni Johnny, pag nasa ilalim siya ng dagat ay parang nakakausap niya ang Diyos,” pahayag ng peryodistang pampelikula na si Arthur Quinto.

Dumating sa huling lamay si Vilma Santos na kaibigang matalik ng mga Feleo.

Si Dolphy na artista ng ama ni Johnny para sa RVQ Productions ay hindi nawala sa lamay pati na rin si Phillip Salvador na nagsabing siya ang naging tulay sa romansa nina Guillen at Delgado.

Hindi nawala sa lamay sina Willie Revillame na sinikap panatilihing masaya ang mga kasama, John Estrada na kinakitaan ng sobrang kalungkutan sa pagpanaw ng kaibigan, Gina Pareño na labis na nakisimpatya kay Laurice, si Amay Bisaya na kaibigan ng lahat, si Marilou Diaz-Abaya na nag-breakdown nang malamang namatay na si Johnny. Sina Jinggoy Estrada at Precy Vitug ay sabay naglamay, si Annabelle Rama na laging nasa labas ng mortuary, ang mga direktor na sina Jeffrey Jeturian at Joel Lamangan na matatalik na kaibigan ng pamilya Feleo, ang make-up artist Jay Lozada na matagal nang kabagang nina Johnny, Beverly Vergel na hindi masukat ang pagkandili sa kapwa. Naroroon din si Rollie Quizon na tumatanaw ng utang na loob kina Delgado, si Cathy Mora na malalim ang naging samahan sa namatayan, si Maila Gumila na nanggaling pa sa airport at dumiretso sa punerarya mula sa Cebu, Madeliene Nicolas na close na close kay Laurice, at gayundin si Racquel Villavicencio at Dennis Marasigan.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer