Sinabi ni Laurice Guillen na inihanda na niya ang kanyang sarili sa pagpanaw ng kanyang kabiyak na si Johnny Delgado. Bago pa malagutan ng hininga ang aktor ay alam na ni Laurice ang kanyang gagawin.
Ayon sa kanya, marami nang nagawa si Johnny para sa kanilang relasyon.
“He healed a lot, in so many things,” pahayag ni Laurice.
Bagamat panibagong buhay ang nakalaan kay Guillen sa pagkamatay ni Delgado, handa na ang direktor na harapin ang mga pagsubok ng buhay ngayong siya ay nag-iisa na.
Gayunman, nasa kanyang tabi ang kanilang mga anak na sina Ana Feleo, isang mang-aawit ng musikang klasikal, at Ina Feleo, isang aktres sa pelikula at telebisyon.
Sinabi ni Ana na siya ay “papa's girl.”
“Kahit noong maliit pa ako hanggang sa paglaki, lagi niya akong ipinagpi-prepare ng sandwich,” sabi ni Ana.
“Kami rin ni Dad ang laging magkasama. I would slip out of the house unnoticed para lang magpunta sa Lucban, Quezon,” kwento ng panganay na anak nina Laurice at Johnny.May lupang nabili sina Guillen at Delgado sa naturang bayan ng lalawigan ng Quezon nang nag-shooting ang aktor ng “Misteryo sa Tuwa” ng Experimental Cinema of the Philippines noong 1980s.
“Ibibili niya ako ng corned beef. Tapos, magsasaing siya. Naku, ang laki sumubo ni Dad. Isang kamaong kanin kaya niyang isubo. Tapos, susubuan niya [din] ako. Ang saya namin,” wika ni Ana.
Nang hindi na sila masyadong nagpupunta sa Lucban, sa Anilao, Batangas naman silan nagtutungong mag-ama.
Sinabi ni Ana na ang kinanta ng kanyang ama na “Ikaw at Ako” para sa isang indie film ng kanyang kapatid na si Ina ay pagtutugtugin sa Lunes, ika-23 ng Nobyembre, sa necrological service para kay Johnny.
Ang “Ikaw at Ako” ay theme song ng pelikulang “Labing-labing” na ipinalabas sa exhibition section ng 2009 Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philipppines (CCP) noong Hulyo.
Marami na ang nakipaglamay kay Johnny. Ilan sa mga dumalo sa Mt. Carmel Church sa New Manila ay sina Levy Ignacio, Lorna Tolentino, Amy Austria, Lolit Solis, Vivian Velez, Isabel Rivas, Digna Santiago, Jackie Atienza ng Film Development Fund of the Philippines, Tito Sotto, at Sandy Andolong.
Photo screencap taken from: TheABSCBNNews
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









