The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Sosyal! CNN: Chismis Na Naman 'Best Actor' Lou Veloso, nahuli sa balita

'Best Actor' Lou Veloso, nahuli sa balita

“Wala kasing incentive para makapunta ang Philippine delegation sa Brussels. Kung alam ko lang na puwede pala kahit ako ang magpunta, pupunta.”

“Kesehodang manghiram ako ng pamasahe o kaya ay magpa-sponsor ako kahit na kanino para lang sa airfare. Sayang, e,” pahayag ni Veloso.

Nabalitaan na lang niya sa kanyang mga kaibigan na nagwagi na pala siya sa isa sa mga prestihiyosong world film event.

“Wala kasing ayuda ang gobyerno sa mas maraming artists na nagpupunta sa ibang bansa. Sayang. Karangalan pa naman ng Philippine government na magkamit tayo ng honor for the country.”

“Di bale, next time, I will see to it na makapunta ako sa mga foreign film festival lalo na at entry ang aking mga pelikula,” sabi ni Lou.

Gayunman, sinabi niyang naging abala na lang siya sa paggawa ng “Agimat,” ang suspense-thriller na ipinalalabas sa ABS-CBN tampok si Jolo Revilla.

“Pero kahit na marami akong trabaho, maisisingit ko ang pagpunta sa ibang bansa lalo na at film festival. Pero ang sabi naman ay ipapadala na lang sa akin ang trophy at ang citation. Pero talagang nanghihinayang pa rin ako,” malungkot na pahayag ng komedyante.

Nagkamit din si Lou ng Best Actor award para sa pareho ring pelikula sa Cinemalaya Cinco noong Hulyo.

“Iba talaga ang kuwento ng ‘Colorum’ kaya may appeal. Kuwento ito ng dalawang ex-convict na naglakbay mula sa Maynila patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” sabi ni Veloso.

 

Photo: “seats in the shadows” by sharyn morrow, c/o Flickr. Some Rights Reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer