The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Pinoy LGBT Opinions Build me up, Buttercup!

Build me up, Buttercup!

lgbt421Dear Acheng Gina,

Gong Xi Fa Cai. Kung Hei Fat Choi!! Happy New Year!!!
January na naman po. Panahon na naman ng bagong buhay. Hulaan mo ang
New Year's resolution ko, Ache?

Ano?
Sirit?
Syempre: MAGPAPAYAT at MAGPAGANDA. Hahaha.

Natuklasan ko pong kapag baklang pamin ka, importante na inaalagaan mo ang katawan mo. Medyo may mga tumitigas na biceps kapag nagbubuhat ng gym bag. Kailangan maganda ang tabas ng abs. Mas nabibili sa pagrampa ang mga nakasuot ng muscle shirts at tight fitting jeans.

Syempre hindi yung katulad ko, may nakatagong muffin top sa maluwang na t-shirt.

Sa totoo lang, Ache, tatlong taon ko nang resolution ang magpapayat. Noong unang taon, ginawa ko para sa pamin na nakilala ko sa gym. Pumayat po ako, after 1 month. Pero nalaman kong ibang pamin pala ang gusto nyang makasama sa sauna at shower, nadepress ako. Nadagdagan paang timbang ko. Nawala ng interes kong mag-gym. Sa halip, tiningnan ko ang sarili at sinabing: Pangit! Pangit ka! Habang tinititigan ko ang sarili ko, parang sinasagot ako ng: Oo nga. Walang jowang magkakagusto sa iyo.

Nag-bounce back naman po ako after this episode at nang sumunod na taon ay ginawang resolution na naman ang pagpayat. So, diet na naman po ang tactic ko, Ache. Kinalimutan ko ang pizza, ham, lechon, Mcdo float at fried chicken. Hello, oatmeal. Ayun, sa awa ng Maykapal, pumayat nang konti at may mga nagpahiwatig.

Sa kalagitnaan ng pagsasaya naming magkakaibigan, may bumulong sa akin na isang insekyorang bakla. "Pumayat ka nga, pangit ka pa rin." Tiningnan ko siya ng masama. Nanlaban ako. Pilit kong pinagpag ang nega niya. Pero, siguro hindi ko kinaya at unti-unting na-depress ulit. Tumakbo ako sa comfort ng 2-piece chicken with 2 extra rice at at double cheeese burger with large fries.

Last year naman po, nag New Year's resolution pa rin ako ng pagpapayat. Pero hindi ko masyado sineryoso. Malungkot ang 2011, Ache. Hindi ako nagkikilos, hindi nag-aayos. Walang jowa eh. Puro DOTA lang inatupag ko. Hay ang nega!

Ngayong taon. Gusto ko po sanang gawing tama ang taon ko. Papano po ba? Saan ko simulan. Papano ko masu-sustain ang New Year's resolution ko? Alam kong expert kayo sa pagbibigay ng advice sa mga pamintang obese tulad ko.

Happy New Year ulit, Acheng Gina!

Love,
Build Me Up, Buttercup



Dear Buttercup,

Happy Chinese New Year din sa iyo!

Naaliw naman ako sa iyong kwento tungkol sa mga experience mo sa pagpapapayat at madami ka na ring nasubukang paraan. Nakakatuwa din ang iyong pagpupumilit taun-taon na iyon at iyon pa rin ang New Year's resolution, pero hindi mo ba naisip na baka may mali sa iyong ginagawa kung kaya 'di ka nagtatagumpay o nagpupursigi sa mga balak mo?

Isa kasi sa mga napansin ko ay ang iyong pagpapahalaga sa sasabihin ng iba, 'yung  nakabase sa ibang tao ang mga plano mo. Hindi mo ito ginagawa para sa sarili mo kundi para sa ibang tao kung kaya nawawalan ka na rin ng gana tuwing nababaling na sa iba ang tingin ng taong iyon. Sa tingin ko, hindi dapat ganun, Buttercup. Mas maganda 'pag ginagawa natin ang mga ito para sa sarili natin.

Sa halip na magpapayat at magpaganda ang New Year's resolution mo, bakit 'di mo gawing resolution na tanggalin sa sistema mo ang ugaling masyadong pagbibigay halaga sa sinasabi ng iba? Kebs ka lang dapat sa mga sinasabi ng iba. Sabi nga nila, beauty is 20% looks and 80% confidence, so kung kebs ka sa sasabihin ng iba, lalabas ang tunay mong kagandahan.

Go lang ng go, wag masyado magpaapekto sa sasabihin ng iba. Lagi mong iisipin na lahat tayo ay may angking kagandahan at kung gugustuhin mong magpapayat,  gawin mo iyon dahil gusto mo at hindi dahil iyon ang sa tingin mong gustong makita sa iyo ng ibang tao.


Gong Xi Fa Cai!


Sa mga nais magtanong at humingi ng payo mula kay Acheng Gina, ipadala lamang ang sulat sa email address na ito:   pinoy.lgbt@gmail.com o sa pinoy_lgbt@yahoo.com.ph



Photo from the Pinoy LGBT photo bucket. Some rights reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

ms sexy 24 January 12, 01:19 AM
tama naman si Ache, teh! kung nega ka, e di nega din ang fez mo. hahaha. kaya alisin ang negatron. walis, walis, walis!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Pinoy LGBT Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer