The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Pinoy LGBT Opinions Certified Urgent: Reply ASAP

Certified Urgent: Reply ASAP

lgbt406Dear Acheng Gina,

Maligayang Pasko po at Manigong Bagong Taon! Sa aming lingo, Happy Holigays!

Alam ko pong busy na kayo ngayon kagaya ng lahat. Ako man din po ay abala din sa pagtulong sa ating mga nasalantang kababayan. Galing ako kahapon sa College of Social Work and Community Development sa UP para mag-volunteer sa pagpa-pack ng mga relief goods. Bukod po kasi sa pagdedesisyon naming sa opisina na wag nang ituloy ang Christmas party at ipadala na lang sa mga nabiktima ng flashfloods, ang pag-vovolunteer (volunqueer sa aming lingo) namin ng dalawa ko pang kaibigan ang pinakamagandang pwede naming maibigay.

Napasulat po ako dahil sa walang paglagyang kasiyahan ko. Masarap po pala ang pakiramdam ng nagbibigay at nakakatulong.  Natutunan ko po iyon noong Ondoy at siguro kailangan ko pang maranasan ang maging biktima ng sakuna para lang maintindihan ko ang kahalagahan ng pagbibigay. Ang akala ko kasi noon, kayang-kaya na ng kung anu-anong Foundations (Kapuso, kapamilya, Dioceses, schools). Iba pala talaga kapag ikaw mismo ang involved. Mas ramdam ko na kasali ako sa community.

Ngayon po Ache bukod sa pag-share ko sa kasiyahan ko ngayon ay may kaunting katanungan lang ako. Sana ay mabigyan ninyo ako agad ng advice lalo pa’t ilang oras na lang ay matatapos na ang Misa de Gallo. Nagsisisi nga ako na ngayon lang ako nakasulat akala ko rin kasi lilipas din lang.

Halos lingo-linggo po ay nagsisimba ako pero ngayong Misa de Gallo ko lang napansin ang lalaking ito. Iba talaga ang dating niya sa akin kaya’t panay-panay ang pangingilid ng mata ko upang pansinin kung anong ginagawa niya sa kabuuan ng misa. Kung hindi kami magkatabi ay ilang upuan lang ang layo niya sa akin. Alam kong hindi siya taga sa amin dahil tuwing panahon ng kapaskuhan ko lang siya nakikita. Plus points pa talaga ang pagkakaroon niya ng takot sa Diyos. Hindi rin siya basta umuuwi hindi gaya ng iba na matapos mag-communion ay uuwi na. Itong ‘dawn guy’ na ito, Ache, hangga’t hindi tapos ang huling awit sa misa, nakatayo lang siya kaya ganoon na lang ang paghanga ko sa kanya.

By the way, ‘dawn guy’ ang tawag ko kasi madaling araw ko siya nakikita.  Konting panahon na lang at tapos na ang novena ng Misa de gallo. Gusto ko siyang makilala kahit pangalan lang. Actually, sapat na sa  akin yung mga matamis na ngiti niya kapag oras na ng pagbibigay ng Sign of Peace matapos awitin ang Our Father. Ang sa akin lang talaga, Ache, ay gusto kong malaman ang pangalan niya bago man matapos ang Pasko. Gusto kong magkaroon ng pangalan si ‘Dawn Guy’ kasi buhay siyang testimonya ng pag-ibig sa kapwa.  Kahit kaunti, kahit papaano, nararamdaman ko ang pagtanggap sa akin. Kung hindi ninyo po kasi maitatanong, bihirang-bihira po kasi Ache ang mga kalalakihan na lumingon sa akin, tumatabi,  at nagbibigay ng sign of peace sa misa marahil ay dahil sa aking pagiging bakla.

Ache, ano kayang pwede kong gawin? Baka lang may paraan pa? Ayoko ng hintayin pa ang susunod na taon para makausap man lang siya….

Hoping for your advice soon. Salamat!

 

Beki in Simbang Gabi

*********

Dear Beki,

Happy Holigays!

Ang saya-saya naman. Natutuwa ako sa iyong pagiging active mo. Active na sa community, active sa church, at active pa ang kareeer! Kami rin sa opisina ay hindi nag-party. Madami-dami rin tayo na may iba-ibang paraan sa pagse-celebrate. Anyway, diretso na tayo sa katanungan mo.

Nagulat naman ako at talagang Certified Urgent pa ang subject ng letter mo. Buti na lang at masaya ang chika mo at dahil kapaskuhan, pagbibigyan kita pwera okray.

Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang pagkabighani mo sa lalaking iyan. Salamat sa pagbunyag mo ng isang piping kaisipan kung saan marami rin akong mga kaibigang draga (drag queens)o kahit pa mga effeminate  na hindi na nagsisimba dahil sa malamig na pagtanggap sa kanila. Hindi tinatabihan sa upuan, hindi nililingon, hindi binabati sa sign of peace, kaya hindi na rin nagco-communion sa takot na mapahiyang hindi bigyan ng hostiya.

Bihira rin ang naging pagtrato niya lalo pa na sa iyong assessment ay sinsero at wagas. Bakit hindi mo siya subukang kausapin? Tanungin mo kaya diretso ang kanyang pangalan. Ikaw at ikaw lang kasi ang makakapagsabi kung bukas siya sa pakikipag-usap. Matatantya mo base sa kanyang mata at sa ilang araw mo na siyang nakakasama sa simbang gabi kung totoo ang ipinapakita niyang kilos na iyon o pakitang-tao lang. Doon sa pagkakataon na lang na iyon mo mapapatunayan ang kadalisayan ng kanyang puso.

Bukod pa doon, tanong lang naman ng pangalan ang gusto mo diba. Huwag mong isipin na kaiba ito sa pagpapakilala mo halimbawa nung nag-volunqueer sa UP noong isang araw. Sigurado naman na hindi mo kakilala ang lahat doon, malamang na ipinakilala ka o nagpakilala ka. Ganun din ang gawin mo. Gawin mo iyon ng diretso, walang pag-aalinlangan at sinisiguro ko sa iyo na sa oras na ito hindi iyon magpapakita ng masamang tinapay na sagutin ang tanong mo.

Suggested lines:

“ Hi! Congratulations! Pansin ko buo mo ang simbang gabi. Sana matupad ang wish mo…”

“Hello! Di ka taga –rito noh. Tuwing Pasko lang kita nakikita eh. Ako pala si……”

“ Merry Christmas! Nakaka-touch yung sermon ni Father noh?!...”

Kaya mo iyan beki! Maraming paraan para makilala mo siya. At dahil mukhang mabubuo mo ang Simbang Gabi, siguradong papaburan ka ng universe sa kagustuhan mong ito.

All the best!

 

Acheng Gina



Photo from the Pinoy LGBT photo bucket. Some rights reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Pinoy LGBT Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer