Four months na kami ng jowa kong si Jokoy, isa siyang straight na lalaki at may dalawang anak sa magkaibang babae. Nagkakilala kami sa pinagtra-trabahuan kong bar malapit sa bahay namin dito sa Malabon. Isa po kasi akong serbidora/GRO at kung minsan ay tumatayo na ding bouncer para sa mga makukulit na lasing, puwede kasing ipangtapat kay Mr. Clean ang braso ko. Pang-sindak lang kumbaga Acheng Gigi.
Bawal ang babaeng GRO sa videoke bar namin dahil “kumilos at magbihis ng tama para igalang ka ng iyong kapwa” ang policy ng amo ko. Solo flight lang akong beki sa work dahil pinagmumulan lang daw ng away ang mga pechay pag lasing na ang mga minchikola. Kaya ako ang nag-iisang reyna ng bar at magandang-maganda ako sa paniningin ng mga ohms pag nakainom.
Deadma ako sa mga bagets kahit na guwapo at chinito, pero kapag thunder cats ay super accommodating ako. Ano ang mapapala ko sa mga bagets na puro may kabayo ang iniinom para madaling masipa ng pagkalango. Nangangasim lang ang sikmura ko sa pulutan nilang kung hindi pipino’t suka ay tokwa’t tokwa dahil hindi afford ang tokwa’t baboy. Malakas pa naman akong mamulutan Acheng Gigi. Opportune kung opportune sa lafang ang eksena dapat. Makakapamalantsa ka nga ng bagets at guwapo pero pag nalasing na ay magpapalibre ng Tapsilog o lugaw sa may kanto. Naku, I work to earn 'no. I'm not a sugar mommy, I am a GRO! Aanhin ko ang kabataan kung sa pera ay may kakapusan, di ba? Yan ang motto ko Ache.
Ibang usapan na pag thundercats ang mga merci. Pasok sa panga ang mga tipaklong. Nagte-table ako sa kanila kahit coffee lang ang iniinum at super Wow Magic Sing lang ng Beatles, Bee Gees at Renz Verano medley ang mga super lolo. Pero alerto bente-kwatro ang eksena ko pag bumabanat na sila ng “My Way” ni Frank Sinatra dahil afraid ang beauty ko na matamaan ng ligaw na rumarampang bala at bente-nuwebe. Hindi ko pinangarap ang ma-frontpage sa Abante noh.
Pero nagbago ang lahat ng ito ng naging customer ko si Jokoy. Isang estudyante sa kolehiyo. Nung una ay twice a week siyang magpunta kasama ang ilang barkadang lalaki at babae. Hanggang sa maging madalas na siyang magpunta kahit mag-isa lang. Iinum ng dalawang boteng Red Horse, malalasing, kaunting kwentuhan, magpapa-sweet at uuwi na din. Naaaliw daw kasi siyang kausap ako, nakakalimutan nang problema at gumagaan ang kanyang loob. Feeling ko tuloy hanggang Taft Avenue ang haba ng buhok ko. Hanggang sa lumalim ang aming samahan at naramdaman ko na lang na inlove na ako sa kanya. Hindi man niya aminin feeling ko ay ganun din siya sa akin. Kaya naman kasi ay compatible ang Zodiac Signs namin, Libra ako at Gemini naman siya. Ideal partnership daw kami. Siya na nga siguro ang soulmate na ipinanata ko sa itim na Nazarenong nginatngat ko pa ang panghatak na lubid bilang bertud na nagbibigay daw ng suwerte.
Pero ngayon Acheng Gigi, ilang araw na akong nababalisa. Nagkaroon daw ng conspiracy ang mga constellations, nagsipag-inarte kaya nabago tuloy ang Zodiac signs at kapalaran ng relasyon ko kay Jokoy. Naging Virgo ako at samantala Gemini pa din siya. Nang isinangguni ko ito sa binili kong 2011 Horoscope book, "star-crossed from the beginning" daw kami. Award! Anong dapat kong gawin Acheng Gigi? Makipag-break na ba ako sa kanya dahil wala din namang patutunguhan ang relasyon namin, magkakahiwalay din naman pala kami dahil hindi compatible ang mga signs namin?
Nababalisa,
Tommy
Dear Tommy,
Sa pangalan pa lang halatang shotay-tommy ka nga sa pulutan.
Tama ang Horoscope! Star-crossed lovers naman talaga kayong from the start pa lang, bakla ka at straight siya kaya mag-ilusyon ba!? Hello!? Charing!
Bakla ka, fini-feed lang niya ang pantasya mong kay haba-haba ng buhok mo sa pagmama-sweet niya. At bakit hindi siya magmama-sweet sayo e hawak mo ang listahan ng alak at kanta sa videoke. Ikaw na din ang nagsabi na walang pera sa mga bagets. Meaning wala din siyang pera! Malay ko ba kung may hocus-pocus kang hanashi kaya daig pa ang Visa Mastercard sa Ganda-Lang Card ng jowa mo para sa lafang, nongga at kanta niya. Gagabi-gabihin ka ngang bisitahin nun sa pinagtra-trabahuan mo. Char! Nagmamaasim lang.
Naalala ko tuloy nung kabataan ko na adik pa ako sa Horoscope Komiks. Paniwalang-paniwala ako sa life story ng mga “readers” na sumusulat daw sa kanila para magpatunay na nagkatotoo ang nasaad sa Horoscope. At madalas kong inaabangan si Madam Rosa sa naligwak na Teysi ng Tahanan para sa aking daily horoscope. Pero kasabay ng pakaupos ng belief ko sa horoscope ay ang pagkaagnas ng ilong ni Madam Rosa at Madam Auring.
Ako man ay hindi sumasang-ayon diyan sa pagkakabodjak ng Zodiac signs. Top 12 finalists lang dapat tapos ginawang Magic 13, naku baka may lutuan sa tabulation ng heavens ah. Siyaka malas ang 13 sa Feng Shui! 1+3 = 4 na “si” ang bigkas sa wikang tsino na katunog ng salitang death, afraid!
Wala namang masama sa paniniwala sa Horoscope. Subalit hindi laging aayon sa iyo ang kalooban ng langit. Bakit si Queen Seon Deok ka ba? Nahati ba ang pitong pangkat ng mga bituin at naging walo nung nag hello mabuhay world ka mula sa kimchi ng mudra mo. O ikaw ba si baby Jesus na nilitawan ng napakaningning na tala sa langit nung unang pasko, tala na naging gabay ng tatlong haring mago.
Tama, gabay lamang ang mga bituin at planeta sa langit. Gabay para sa mga manlalakbay ng buhay. Gamitin mo lamang silang mga gabay at hindi panuntunan sa buhay, dahil hindi nito hawak ang iyong dear life na tanging nasa iyong mga kamay lagi ang pagpapasya. Meron kang gift of free will, 'te, kaya gamitin mo , “sikapin mo, pilitin mo…dahil tanging ikaw ang huhubog sa iyong buhay” na parang kanta lang. Gaya ng iyong pagiging beki, itinalaga sa constellations ng langit na ipanganak kang isang diwata, subalit nasa iyong kamay na kung papaano mo payayabungin ang biyayang ito nang hindi nagpapasupil sa maling dikta at pagkakahon ng lipunan.
Sadyang may hangganan ang lahat ng bagay at maaaring mabago. Teng, si Pluto nga naligwak pa sa major planet award kaya ayun minor minor na lang siya parang si Venus Raj. Pa-major-major pa kasi kaya na-minor award tuloy. Kaya kung magkahiwalay man kayo ng jowa mo e wag mo itong isisisi sa compatibility ng Zodiac Signs niyo. Marami pang permutations ang dapat na ikonsidera. Andyan ang estado ng finances at pagiging ma-pilita corales mo para magtagal ang inyong relasyon. Aminin, dalawa na ang anak ni Jokoy at kailangan niya ng pang Sustagen. Susie and Geno kayo ba yan? Charing!
Kaya bakit iaangkla mo ang ikot ng buhay mo sa Horoscope at sinasabi ng mga planeta’t bituin sa langit? Ang utak mo ang dapat na batingtingin ng manghuhulang tukling sa Tweet Biz e! Bonamil kang bakla ka! Kung masaya ka ngayon sa jowa mo e di masaya ka kahit ano pa ang sinasabi ng Horoscope mo.
P.S.: Libra na ako ngayon. Baka kami naman ni Jokoy ang compatible?
Umeeksena,
Acheng Gigi
Photo by the author. Some rights reserved.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









