The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Basta, basta, basta (opinyon sa tatlong tuldok)

Basta, basta, basta (opinyon sa tatlong tuldok)

random_thoughts2Dear Lady S,

Nabasa ko po ang tungkol sa hiwaga ng tatlong tuldok. Actually po ay minsan na rin akong nagpadala ng tatlong tuldok sa babaeng minahal ko. Kung tatanungin nyo naman kung ano ang ibig kong ipakahulugan sa tatlong tuldok na iyon, ang sagot ko po ay "basta, basta, basta."

Hindi po kalokohan ang tatlong inulit na salitang "basta." Ang legend po niyan ay nasa paliwanag sa ibaba:

  • Basta 1: Hindi niya malalaman na mahal ko siya.
  • Basta 2: Papatayin ko ang damdaming ito. And I mean it!
  • Basta 3: Lalayo na lang ako at mabubuhay sa lungkot

Alam nyo po, Lady S, hindi kami bagay. Hindi niya alam ang dark past ko. Hindi niya alam kung sino ako talaga. Hindi ako deserving sa pagmamahal niya. Alam kong masasaktan ko lang siya kaya mas makabubuting hindi ko na lang ituloy ang pagmamahal na ito. Sabihin na ninyong duwag ako pero magkakasya na lamang akong mahalin siya sa pangarap. Hanggang dito na lamang talaga kami. Actually, paalis na ako. Tinanggap ko ang offer sa malayong bansa para makalimutan ko na siya.

Pero isang kakatwang pangyayari ang naganap. Hindi ko alam kung anong sumpa o himala ang dala ng pagkaing hindi orihinal na bibe (peking duck), dahil nang pasalubungan ko siya nito ay may nabago sa buhay ko. Nagpadala siya ng card! At nakasulat sa card na yun ang lahat ng nararamdaman niya para sa akin. With matching drawings pa. Lady S, mami-miss daw niya ako ng sobra. Gusto kong mahimatay sa nakababaliw na saya! Naku, aaraw-arawin ko siyang dalhan ng peking duck dahil baka sa susunod na pagkakataon naman ay sasabihin na niyang love na nga niya ako! Yung hindi na "joke, joke, joke!" Yung seryosohan na!

Sa tingin po ba ninyo, Lady S, ay tama ang mga nangyayaring ito? Ano ba talaga ako sa kaniya? May koneksyon po ba ang mahiwagang peking duck sa love story namin? Paki-advise naman po ako kung ano ang dapat na next move ko.

 

Kuwit

 


Dear Kuwit,

Sure kang hindi Kulet ang pangalan mo, ha? At nakuha mo pang maglagay ng legend tungkol sa tatlong makulit na "basta." Eh kung bigyan kaya kita ng anim (doblehin natin ang tatlong basta) na dakilang alamat (legend, sabi mo). Eto ha:

  • Basta 1: Engot ka, promise. Nariyan na, palalampasin mo pa! (gigil!)
  • Basta 2: Aba at choosy! Nagparamdam na siya, nag-isip ka pa?
  • Basta 3: Ano ang malay bibi (dahil bibi siya, hindi tao) ng peking duck sa something ninyo, 'no?
  • Basta 4: O ngayon, naniwala ka sa himala? Hala, maba-bad trip sa 'yo si Ate Guy.
  • Basta 5: Bilisan mo na! Sa sobrang slow mo, sorry ka na 'pag nahipan na 'yan ng hangin at mag change ng mind
  • Basta 6: Magpamisa ka na sa Sto. Domingo at may matinong nagkagusto sa iyo.

Speaking of your dark past, gaano ba 'yan kaitim? Naging hostage-taker ka ba? Mahigit na ba sa 50 pusa ang nailigaw mo ng landas? Suminghot ka ba ng rugby o nakapatay na ng around 40 flying ipis? Alam mo, kahit presidente ng Amerika ay may iskandalo sa buhay. Pero kaya nga past, kasi tapos na. Hindi ka dapat mamuhay sa past dahil hindi mo maa-appreciate ang iyong today. At ang today na iyan ay napaka espesyal dahil nakilala mo si... sino nga ang babaeng 'yan na nawawala sa kanyang sarili at pumatol sayo?

Get out of your shell. Kung anuman ang mga bahay na kinatatakutan o pinangangambahan mo, harapin mo. It takes two for a relationship to work. Kung nage-effort siya, mag-effort ka rin. Sino ang makapagsasabi, baka heaven sent siya to take care of you. Kaya huwag mo siyang itaboy. Ang dapat ay hapitin mo pa palapit sa iyong puso.

Next move mo? Pasalubungan mo siya ng baby gorilla at baka pumayag siyang magpahalik sa 'yo!

 

Lady S

 


Nahihiwagaan ka pa rin ba sa "tatlong tuldok?" Kung ganoon, lumiham kay Lady S sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it .


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

sprekik 18 September 10, 07:10 PM
Nung araw ay madalas kong masabi: "lintek yang 3 tuldok na yan!" Di alam kung anong ibig sabihin. Parang karamihan ng mga kababaihan, di ma-ispell, di maipinta at higit sa lahat, di ma-ibig!

Ngunit tulad ni Kuwit, sa isang pares na hopia at sarsi ay natagpuan ko ang aking tanging (di Ina ha?) minamahal.

Tututs ang sinabi ni Kuwit, ang mga kababaihan, luking for something cute, original and sweet (di po yung kendi ha?).

Di ba pag napangiti or napatawa or napa-kilig mo ang isang girl, get mo na ang heart nya? Te fastest way to a woman's heart is thru her mouth - laughter ha? (wholesome po ito maam).
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: