The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Ang hiwaga sa likod ng tatlong tuldok

Ang hiwaga sa likod ng tatlong tuldok

ellipsisDear Lady S:

Kasabay nang banat ni Edwin McCain ng kantang “I'll Be,” tila siya isang giant magnet na hinigop ang buong ako. Ako na nagmistulang paperclip na kusang nagpatianod sa kanyang lakas at kapangyarihan. Walang anumang salita ang namagitan ngunit sumisigaw ang aking puso. Malungkot nga lamang, tanging ako ang nakakarinig anuman ang sinasabi niyon.

Nais kong hawakan ang kanyang mga palad ngunit naumid ako. Tila napaso. Nariyan lamang siya. Katabi ko. Ngunit waring kay layo. Abot kamay ko lamang pero tila may makapal na salaming naghihiwalay sa aming pagitan. Nilunod ako ng sarili kong tinig. Nawala ako sa kasalukuyan. Kung maaari ko lamang bang iposas ang bawat sandali upang hindi makahulagpos ang ligayang sasaglit. Yung katabi ko siya. Yung nasasamyo ko ang kanyang bango. Yung hindi magwawakas ang nakababaliw na paglukso ng aking puso. Ngunit sadyang kay damot. Sasaglit lang ay tapos na. Bakit kaya ayaw akong patulugin ng gabi? Isa na yata akong higanteng eyebag na nagkatawang-tao at naglalakad nang walang direksyon.

Banyaga ang damdaming lumukob sa aking pagkato. Sino siya para sa akin? Ano siya para sa akin? Hindi ko alam. Bantulot ako sa bawat galaw, sa bawat hakbang. Natatakot ako ngunit hindi ko alam kung saan nagmumula. Tanging ang mensaheng ipinaabot niya ay ang tatlong tuldok (...)

Lady S... ano ang ibig sabihin nito? Ayokong umasam. Ayokong mabigo. Ayokong masaktan. Pero hanggang hindi ko natutuklasan ang hiwaga ng tatlong tuldok ay nasa panic attack ang aking utak.

 

Tuldok

 


Dear Tuldok:

Natatangay ako at tila idinuduyan ng iyong mga dayalogo. In love ka? Teka, nag-text ba siya ng tatlong tuldok lang ang laman? Pinag-iisip ka ba niya kung ano ang ibig sabihin niyon? Ito ba ang bagay na sumisira ng iyong ulo? Tino-torture ka ba ng mangkukulan na yan?

Marami talagang kaek-ekan ang tao. May mga idinadaan sa mga mensaheng pag-iisipin ka. Maaaring ang kontrobersyal na tatlong tuldok na yan ay nagbibigay ng senyales ng mga sumusunod:

  1. Hindi kita type
  2. Ang kyut mo
  3. Sorry, basted ka
  4. Can i kiss you?
  5. May pimples ka
  6. Love kita, promise
  7. I am hot
  8. Bitin ako, baby
  9. Mahal kita, engot!
  10. Torpe mo talaga!
  11. You're so slow
  12. Super manhid ka

Okay. Mamili ka sa mga nabasa mo. Depende ang lahat ng iyan sa nararamdaman mo para sa kanya at sa ina-assume mong nararamdaman niya para sa iyo. Feel ko na kung lalaki yan, style niya yan para malaman kung maaapektuhan ka. Dahil kapag affected ka, may gusto ka sa kanya. Kung babae naman yan, syempre, hindi siya ang mauunang magpahayag ng kanyang damdamin. O kaya naman ay signal yan na ayaw niya ng waiting game—nakakapanot yun, ano?

Babae ka man o lalaki, ito naman ang mensahe ko sa 'yo: I-enjoy mo lang ang bawat moment. Ang pag-ibig ay hindi naipipilit o naididikta. Basta kung mahal mo talaga, ipaglaban mo. Baka kapag nawala na ay saka ka pa ngangawa.Mamaya, paghiga mo sa iyong kama, titingin ka sa kisame at nananahimik yung kisame ay sisisihin mo kung bakit pinatatagal mo pa. Hanggang sa mapanis na ang mga laway ninyo at magkasawaan na. O kaya ay palitan na sa pwesto ng ulan ang araw. O hindi na mahangin bukas kundi maalikabok na.

Uulitin ko muli, ang iksi lang ng buhay. Kaya araw-araw ay mag-imbak ka ng drum ng alaala na parang bukas ay hindi ka na sisikatan pa ng araw. May matatamis na sandaling sa isang pitik ng daliri ay pumapait na. O isip na nagbabago dahil napagod at nagsawa na. Gawin mo na. Ngayon na. Hindi bukas. Hindi mamaya. Tumakbo na sa bisig ng bawat isa at saka isigaw sa world, “ I love you!” nang walang anumang inhibisyon, pagkatakot, at pagdududa. Basta bahala na si Batman.

Huhulaan ko ang mensahe ng tatlong tuldok: “Sobrang mahal kita.” (Uy, kilig!)

 

Lady S

 


Photo: “out of ideas” by ▄█▀▐█▌█▄▐█▌, c/o Flickr. Some Rights Reserved

Nalalabuan ka ba sa mga hiwaga ng buhay? Lumiham kay Lady S sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

ever 30 August 10, 06:24 PM

pero may pahabol naman sa bawat text ng tatlong tuldok...

ang reply mo naman ay dalawa. sagot ito ng pag sangayon... kung sasabihin nya na sobrang mahal kaniya. ang sagot mo naman ay sobrang mahal kita too!
Lady S 31 August 10, 04:37 PM
ever... paano kung isa lang ang nagmamahal?
Lady S 31 August 10, 04:41 PM
pareng merck,ibig lang sabihin non...may damdamin siyang hindi maibulalas. Hindi iyon basta mannerism lang, may mensahe ang bawat tuldok na iyon.
zchelle 02 September 10, 01:28 PM
super like ko po itong sinulat nyo. i love the questions with unknown answers...
Lady S 03 September 10, 11:21 AM
Hi zchelle...
gusto ko rin minsan ng mga tanong na magulo ang mga sagot. Nakakakiliti yun ng talampakan.Pero nakakagigil din yun. Nakakapagod ding mag text ( ng walang reply kahit buntunghininga),tumawag at manigas ang thumb sa kakapindot ng keypads at di niya sinasagot,tumunganga sa kawalan at maghintay sa walang hanggan, at kausapin ang sarili sa harap ng mahiwagang salamin (wala na kasing magtiyagang makinig sa yo) dahil yung taong ginugulo ang mundo mo ay walang p-a-k-i-a-l-a-m.

Kapag ganyan naman ang ugali ng love mo, hate mo rin paminsan-minsan...
Lady S 03 September 10, 11:30 AM
Hi zchelle:
Okey din naman ang mga tanong na magugulo ang sagot- kakilig din. Pero nakakapagod yun. Nakakabugnot din ang mag text ng walang reply kahit na buntunghininga, manigas ang thumb sa kakapindot ng keypads para tawagan siya pero parang nakakulong sa loob ng van ang tinatawagan mo at walang signal, ang tumunganga sa kawalan at kausapin ang walang malay taong buwan, at humarap sa salamin para magtanong ng "what's wrong with me? Lalo na kung ang taong ginulo ang tahimik mong mundo ay walang p-a-k-i-a-l-a-m.
ever 03 September 10, 01:25 PM
........ (ito pala ang meaning ng walo namang tuldok- p+a+k+i+a+l+a+m
zchelle 04 September 10, 02:57 PM
minsan po nagdadaan talaga ang tao sa ganito..pero pag lumipas yun at wala ngyari..hayaan na lang na panahon ang magdikta...
baka sa susunod ikaw nman hanapin nya...at ikaw nman ang maglalaho para malaman nyang sumara na ang pinto para sa kanya....
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: