Dear Lady S:
Ang problema ko po ay tungkol sa aking asawa. Bagong kasal pa lang po kami (mga limang buwan pa lamang po) ay napupuna ko ng may kakatwa siyang pag-uugali. Ang hilig-hilig po niyang tumingin sa ibang babae! Kapag nagmamaneho siya (na kasama ako sa sasakyan) ay halos mabangga na kami sa kakasunod niya ng tingin kung may magdaang babae na humahakab ang suot sa katawan. Sa restaurant, kapag kami ay kumakain at nakakita siya ng babaeng naghahabulan ang lalim ng neckline at ikli ng skirt, ang bilis ng kanyang pagnguya na parang takaw na takaw. Kahit pa nga sa loob ng simbahan, kapag may nakita siyang babae na tila ba naghahambog ang dibdib ay pinagpapawisan siya ng malagkit. Para tuloy akong si Casper na hindi niya nakikita kahit magkasama kami. Ang mas malupet pa po na eksena ay nang magpaalam ang aming katulong na disisais anyos dahil nahuli daw po niya ang aking asawa na sinisilipan siya sa kanyang kwarto.
Normal po ba ang ganitong inuugali ng aking si Peter? Kinausap ko na po siya at sinabi kong ayoko ang ginagawa niya. Pero nagde-deny pa po siya. Hindi naman daw siya tumitingin sa ibang babae. At kung makita man niya ang mga ito ay natural lamang na humanga siya. Wala naman daw pong masama roon. Masyado daw nga pong madumi ang utak ko.
Lady S, ayoko po ng ganitong buhay. Ayoko pong laging nagdududa at pakiramdam ko ay nababastos ako kapag nakikita ko siyang ganito. Ano po ang dapat kong gawin? Baka isang araw ay may kumatok na lamang sa pinto ng aming bahay at humingi ng sustento ng anak nila ng aking asawa.
Ms. Helpless
Dear Ms. Helpless:
Ang alam ko, bakla lang ang walang hilig sa babae. Pero kung tunay na lalaki, ay grabe! Sa sampung kilala ko, isa lang ang nagsabing wala siyang hilig (actually, hindi ako naniniwala sa kanya) sa magagandang babae. Baka naman selosa ka lang talaga? Sabi nga,“the grass is always greener on the other side of the fence.” Ang normal na lalaki, gayunpaman, ay mahilig talagang tumingin sa magaganda at seksing babae. Ang mas problemahin mo ay kung sa kapwa niya lalaki siya magkaganito. Mas scary naman ito.
Pero ang tinitingnan ko dito ay ang ibang bahagi ng iyong kuwento na pati menor de edad ninyong katulong ay pinapatulan niya. Dito ko pinapasok ang suggestion na dapat na kumunsulta ka na sa isang marriage counselor kung paano malulutas ang suliraning ito. Lalo na kung ayaw na niyang paawat sa iyo o patuloy siyang magtatakip sa katotohanan. Baka ito ay isang sakit na, na nangangailangan ng agarang lunas. Timbangin mo ang maraming bagay. Maligaya ka pa ba sa kanya? Ano pa ba ang mga katangian niya na nakapagpapaligaya sa iyo? Sapat na ba ang mga dahilang ito upang manatili kayong nagsasama?
Subukan mo munang tulungan siya. Mas magpaganda ka. Magpaseksi. Talbugan mo ang kinahuhumalingan niyang porma ng ibang babae. Subukan mong isalba ang inyong relasyon. Ilampaso mo ang mga babaeng yan! Mas maging creative ka. At mas maging kaakit-akit sa kanyang paningin.
Lady S
Photo: “Silip (Boracay Island, Aklan)” by Shubert Ciencia, c/o Flickr. Some Rights Reserved
Leaving a good man because of one annoying habit may not be the best either. This is a decision only you can make. If you have doubts with your partner, email Lady S at
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it
. :)
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









