The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25

I LuBrK yU

dHeAr lHeYdDhiE S,

 

iEt0h p0H aNh nG-eEm0 n lEtTeR n pNdLa qk0h p0h sZa cKrUsH qk0h:

emoBhie KoH,

Sowee kzc Ma'al na ma'al Cckta EeHh MaSzakit NoWng hINdiH Mo aQkOh FeelH. SzALaMhat sza Taym Mue, BhIe. GuDBai To You Nah LharN.

EhNg0tZz

aNhlHuNgKh0t qk0h p0h, lHeYdDhiE S. iNdE np0h aQk0h nKkAuSzAp nAn' cKrUsH qk0h aFtR qk0h p0h pNdLa sZa kNyA uN lEtTeR qk0h. E! aN'hsZiMpLe lHaN aMaN p0h nAn' lH0vElEtTeR qk0h sZa kNyA, dp0h B? tGnAn u nGa p0h, aHn'iGsZi nGa p0h. :((( kLa qk0h p0h kXeH, mGkKaIntNdHaN p0h kMe. LaM u np0h, uN pRe-pReh0 p0h aNh iNiIsZiP! JejEjE.

sZaAn p0h b aQk0h nGkMaLi? KszLnAn qk0h p0h b kNg 'aLaNg kUlaY uN bUh0k qk0h, o uN gLeT p0h aQk0h sZa lUmLiPaD n iPisZ? Anh'wEiRd p0h kXe n2nG gUrL n gZ2 qk0h, aNhiLiG sZa iPisZ, pRaMisZ!!1! EI, lHeYdDhIe S, pG iNdE p0h sXa nPaSzA'aKn, mSzZrA p0H aNh bUhy qk0h :( lAm u p0h b kNg gA'n0 sXa kGnDa? Pra p0hNg j0sZa, gRbEh p0h, dAiG p sXi aNn cUrTsZ! UN p0h bNg d U pGsZaSzAwA'aN tGnN kHt p0h mGkNdAdUliNg u! Kea p0h pG nWlA p0h sXa s pNiNgN qk0h, pG nWlA p0h sXa s bUhY qk0h, pRa p0hN'g gZ2 qk0h nLnG p0hNg mBuLaG nLnG aT MgSzSu0t nG sZhAdEzz 4lYf aT kMaNtA nLnG p0H sZa uNdRpAsZ sZa qYap0h.

PlzZz aMan p0h LhEyDdIe S!! hElP u nMaN p0h mE! SzhArE u nMaN p0h sZa'kIn aNh mLlUpHeT nYuN'g sZtAylz n aLaM u pRa aMan p0h mAinLhAb nRiN p0h sXa SkEn! dp0H aQk0h nG-Jj0kE, lHeYdDhIe S, kPg d pRiN p0h nYa qk0h pNaNsZn, iIn0m np0h aQk0h n2nG pAnlNisZ qk0h nG bLiNgbLiNg qk0h!! pRaMisZ! jE!jE!jE!

 

SbrAnG fRaSztR8tD @2LiR0 nPoh,

EhNg0tZz

 


Dear Engot,

 

Bago ka lumaklak ng Zonrox, gusto ko munang mabasa mo ang aking payo sa iyong “napakabigat” na suliranin. Sa totoo lang, sumakit ang ulo ko sa iyong makabagbag-damdaming love letter. Kung sakaling ako ang susulatan mo ng ganyan, iisipin kong na-stroke ka, inaatake ng epilepsy o sinasapian kaya ganyan ang presentation mo (jejeje). Kuya, paano mo naman ako mapapaniwala sa katapatan ng iyong iniluluhog e wala akong maintindihan sa pinagsasabi mo? Pag minalas-malas ka pa, basted ka ora mismo! Hindi ko inambisyong mag-alaga ng utal!

Hindi ko naman kinukwestiyon ang pagka-jeje mo. Ang sa akin lang, hindi lahat ng tao e magugustuhan ang ganyang uri ng pakikipag-usap sa kapwa niya. May mga babae pa ring kapag nililigawan ng isang lalaki ay umaasam sa isang malinaw, tapat, romantiko, at nakakakilig na love letter. Ang igsi nga ng sulat mo, sobrang tagal naman ang oras na bubunuin ko para ma-absorb ang message mo. Kung ako ang sinulatan mo ng ganyan, malamang na pinunit ko saka pinanganga kita at isinaksak sa lalamunan mo (jejeje uli).

Seryoso, hindi mo na kailangang magpakulay ng hair o mahalin ang mga lumilipad na ipis para magustuhan ka ng love mo. Simple lang ang teknik, kuya: Mag enrol ka sa isang school at pag-aralan ang art of proper communication. Tapos, humanap ka ng editor sa mundong ito na may powers na i-edit ang lengguwahe mo. At sa huli, isipin mo na lang na kapag nagka-baby ka at namana ang ganitong kahindik-hindik na panulat mo, Diyos ko, e saan na nga ba papunta ang mundo? Huwag mo nang hintaying bumangon mula sa hukay sina Lope K. Santos at Francisco Balagtas at payuhan kang magmumog ng holy water para umayos ang dila mo.

Sulatan mo siya uli. Ipadala mo sa akin at ie-edit ko. Samahan mo na rin ng donasyong dugo, ha, baka kasi maubos ang dugo ko sa kaka-nosebleed bago ko matapos i-edit yung sulat mo. (jejeje nang walang katapusan)

 

Lady S

 


Photo: “Yagit's Block” by D Labora, c/o Flickr. Some Rights Reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

chats 29 May 10, 04:12 PM
Josko, lady S! Hindi ko nga binasa ang sulat si Engot... Tinitingnan ko pa lang, sumasakit na ulo ko! jejejejeje
annamanila 29 May 10, 04:29 PM
Gusto kong ipagpatayo ka ng monumento sa tiyaga mong basahin ang sulat ni Engot. Pero, nakita mo,pareho din nating marunong magmahal at magdamdam ang jejemon -- kung madecipher lang natin ang damdaming ito sa iallim ng mga zzjjjjhhhh na nakakahilakbot.
r.erhard 29 May 10, 10:03 PM
ngak, akala ko sira ang computer ko, hahaha
ever 30 May 10, 02:55 PM
huwaw! talaga naman naman oo!. nahirapan akong alamin yung problema ni engot. kaya ginawa ko muna nagsuot muna ako ng cap sa ulo at binaligtad ko muna ang damit ko. ayun nabasa ko rin.

gaya nga ng sinabi ni annamanila, tayong lahat ay tao rin nagmamahal!.. para kay engot, pausuhin mo naman ang magpakalbo at pagtapos kulayan mo ang kilay mo ng dilaw.o diba kapansin pansin...
merck 31 May 10, 09:42 AM
Super agree ako kay ms. annamanila, dapat talagang ipagtayo ng rebulto si lady s dahil sa pagiging inclusive ng love advice column nya. Mano mo, lahat--mapa torpe, single mom, NBSB/NGSB, bakla, tomboy, transgender, kapwa writer, and now, pati jejemon--ay talagang sasagutin nya.

Iyan ang gusto ko kay lady s, walang itinatangi sa mga papayuhan nya! Mabuhay po kayo!
Lady S 31 May 10, 04:29 PM
Merck ha? Baka ma- in lab ka na sa akin niyan? Hala ka, mag-uumigting sa selos si ever! Anyway, salamat sa papuri, iho... nakakataba ka ng puso.
ever 01 June 10, 03:35 AM
naku tama ka merck...hanga rin ako kay lady S.

pero selos din ako..ha ha ha.
tyr_zai09 02 June 10, 01:01 PM
vhat_yHa in0m nG pagpa2kMaty itz vaD m0r3 fuTure fHa 4u...yamAhhHhh.. vAh???
tyr_zai09 02 June 10, 01:03 PM
i had mOr3 p3sticid3 hiR wAnt sOme???
tyr_zai09 02 June 10, 01:34 PM
add m3 4 adviCe zybhellejanelopez@yahoo.com tnzz...
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: