Magandang araw po sa inyo. Isa ako sa masugid na readers ng inyong napakakontrobersyal na column. Matagal ko nang gustong isangguni ang aking problema, kaso ay nahihiya ako kasi medyo "sensitive" ang topic. Pero dahil sumisikip na ang dibdib ko sa tindi ng problemang pinapasan ko sa araw-araw na ginawa ni Lord, nag-decide na rin akong sumulat sa inyo. Finally, eto na ang kwento ng aking buhay.
Itago na lang po ninyo ako sa pangalang Betty Boop, kasunod ng pangalan ng aking idol na cartoon character. Ang totoo niyan, ang problema ko ay hindi naman talaga problema – sabi nga ng marami, "biyaya" pa nga raw ito. Sabagay, kung tutuusin ay nakakaakit nga naman tingnan sa isang babae ang magkaroon ng "asset" na tulad ng meron ako. Hindi ko na kailangan pang gumastos ng sobra-sobra para lang magpa-"enhance" tulad ng ginagawa ng mga artista o modelo. 'Di man ako sing-"seksi" nila, masasabi kong "natural" naman ang meron ako at hindi "salamat, Doc."
Ang tinutukoy ko po, Lady S ay ang masagana kong... hinaharap. Hindi lang basta masagana, kundi bonggang-bonggang masagana. 'Yun bang agaw-eksena ang tipo. Pansinin kung baga.
Madalas niyan Lady S, kapag pag may kausap ako, kahit anung kapal ng foundation ko at pula ng lipstick ko, sa dibdib ko pa rin nakatingin ang kaharap ko. Haru!!! Minsan nga sa jeep, may mamang nakatingin sa dibdib ko, kulang na lang ay isubsob niya ang kanyang mukha sa boobs ko! Kahit sa opisina ay marami nang na-di-distract at nawawala pasumandali ang konsentrasyon sa trabaho pag dumaraan na ako. Mahilig pa naman ako sa plunging neckline at tube dresses at kulang na lang ay lumuwa na sa laki ang aking mga "babies" tuwing suot ko ang mga ito.
Maraming kababaihan ang nagrereklamo dahil maliit ang mga dibdib nila. Di lang nila knows na mas mahirap pa nga ang sitwasyon ng nabiyayaang tulad ko. Oo nga at may mga panahon na happy akong i-flaunt ang aking mga assets dahil nakaka-boost din naman ito ng confidence kahit paano. Pero hindi naman siya laging nakakatuwa.
Literal na "masikip" sa dibdib at pati na rin sa bulsa ang pagkakaroon ng malaking hinaharap dahil mabilis lumiit ang aking mga damit at kailangang palitan ulit ng bago kung ayaw kong magmukhang suman sa sikip. Daig pa nga nila ang mga batang nasa "growing up" years dahil bawat buwan yata ay nadadagdagan ng ilang pulgada ang measurement nila. Wala na ngang available na size ko sa brochure ng isang sikat na nagbebenta ng underwear kaya naman napipilitan na lang din akong pagkasyahin na lang ang tatlong piraso ng bra na nilalabhan ko pa bago ako matulog para lang hindi ako maubusan.
Nahihirapan din akong kumilos dahil sa sobrang bigat at laki ng aking dinadala. Hindi rin ako makatakbo nang hindi tumatalbog-talbog ang mga chorva, kaya't nagkaka-traffic sa park kapag nagdya-jogging ako sa umaga.
Ilang beses na ring napapasubo ang boyfriend ko sa suntukan sa tuwing sinisipulan ako ng mga tambay sa kanto. Aaminin ko naman, masarap sa feeling ang pagkaguluhan, pero hihintayin ko pa bang mabugbog si boylet ng mga tambay na maton?
Hindi na lang ako magtataka, Lady S, kung isang araw ay magkaroon na lamang sila (ang aking assets) ng sariling buhay at maging gigantic, ultra-magnetic boobs at sakupin ang mundo. Hehe. Joke lang.
Hirap na hirap na po ako sa aking pinapasang problema. Payuhan mo naman ako Lady S. Okey lang bang pabawasan ko ang mga ito para umimpis naman?
Betty Boop
Dear Betty Boobs, este Boop pala:
Whew! Habang binabasa ko ang problema mo ay bigla tuloy akong na-insecure. Anyway, tipong “super laki “ nga at “super bigat” ng iyong dinadala! Ano nga ba ang dapat kong ipayo sa iyo? Sadya ngang hindi makuntento ang tao. Pag hindi Niya biniyayaan, naghihimutok. Kapag biniyayaan naman, nagdadalamhati pa rin. Kapag maliit, pinapalaki. Kapag malaki, pinapaliit. Kung maigsi, pinapahaba. Kung mahaba, pinapaigsi! Marahil ay litung-lito na ang Diyos kung ano ba talaga ang gagawin Niya, ano?
Well, masayang-mahirap ang magkaroon ng malaking dibdib gaya nga ng mga binaggit mong advantages at disadvantages. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung anong mas malaking sakripisyo pa ang iyong mararanasan kapag ikaw ay nagdalang-tao na. Imagine, baka malunod sa kakasinghap ang baby mo sa bumubulwak niyang pagkain. Kunsabagay ay hindi naman totoo iyan. Hindi komo at super laki ay masagana ka nga.. Pero kungsakaling may balon ka nga ng gatas, aba'y ipamahagi mo dun sa mga tuyot na nanay. Hayan, ha! Malinaw ang misyon mo sa world. May feeding program ka na- Milk for all!
Betty, ang masama sa aking tingin ay ang pakialaman mo ang ginawa ng Diyos. Leave it that way. Hwag mo nang pabawasan. Lahat ng bagay ay may purpose. Hindi ko lang masasagot kung ano ang Kanyang dahilan at bakit pinagkalooban Ka niya ng ganyang kapalaran. Ang tanging magagawa mo na lamang sa ngayon ay ipagpasalamat ang katotohanang grabe ang kaseksihan mo at ang haba ng iyong hair! Masanay ka na rin sa nagliliyab na tingin ng mga kalalakihan. Problema na nila yun. Para na lang hindi ka mabastos, bawas-bawasan mo na ang pagsusuot ng mga damit na lalo pang maglilitaw sa iyong alindog. I'm sure kusa namang maghuhumiyaw ang mga iyan kahit na anong tago mo. Bonggang-bongga naman ang swerte ng iyong boyfriend. Mabaliw-baliw marahil siya sa ligaya!
Hamo, kapag may sumulat naman sa akin na ang kaso ay kung paano niya palalakihin, ipapayo kong magkita kayong dalawa at mag share notes. Pero alam mo, hindi ko talaga ma-imagine kung paano nga kaya at dumating ang panahong magkabuhay ang mga iyan at maghari sa mundo? Oh, baby, baby it's a boobsie world!
Parang gusto ko na tuloy mainggit.
Lady S
Photo: “Snails” by Chris Wenger, c/o Flickr. Some Rights Reserved
Need love advice? Send your love and life problems to ladys@thepoc.net.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









