The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Babae lang 'yan (malayo sa bituka)

Babae lang 'yan (malayo sa bituka)

no girlfriendDear Lady S:

Isa pong mapagpalaya at makabuluhang araw sa iyo at sa inyong kapita-pitagang kolum na ito. Ako po si George, avid reader ng Philippine Online Chronicles, at nais ko po sanang hingin ang payo ninyo hinggil sa aking munting suliranin.

Lady S, kung ilalarawan ko ang aking pagkatao, ako iyong tipong career-oriented. Nung hayskul ako, focused ako sa pag-aaral at pagtugtog sa banda. Nung nag-aral naman ako sa kolehiyo, naging agitated ako sa mundo ng aktibismo.

Ngayong nagtatrabaho ako, naging focused ako sa aking career bilang isang journalist. Childhood dream ko kasi ito, Lady S, at natutuwa ako dahil ang pinasukan kong trabaho ay may napakagaang na working environment kahit kung minsa'y tambak ang mga gawain. Pero sa kabila ng mga bagay na ito, natutupad ang aking kagustuhan na magkaroon ng isang magandang career sa pagsusulat.

Kaso, sa trabaho ko rin naramdaman ang bagay na marahil ay ngayon ko lang naramdaman—ang magkaroon ng pagtingin sa isang babae. Oo Lady S, aaminin ko, sa buong buhay ko bilang estudyante, hindi ko naranasang magkaroon ng karelasyon—ni manligaw ay hindi ko naranasan.

Pero iba talaga ang dating ng katrabaho ko, Lady S. Napakarikit nya at talagang malakas ang dating, kaso, parang ang suplada niya. Hindi ko alam kung paano makipagkilala sa kanya, kasi, sadyang tahimik na tao lang ako at hindi ako palakaibigan. Actually, nalaman ko ang pangalan niya—Anne—sa isa kong katrabaho.

Lady S, ano po ang advice ninyo sa isang torpe at NGSB (No Girlfriend Since Birth) na tulad ko? Matindi talaga ang paghanga ko kay Anne, pero natatakot ako kasi, wala akong confidence sa sarili ko. Feel ko kasi, hindi papansinin ng mga magagandang babaeng katulad niya ang isang pobre at di-nabiyayaang lalaking tulad ko.

Umaasa po ako sa inyong sagot.

 

Lubos na gumagalang,

George


 

Dear George:

Makapanlait ka naman sa sarili mo, iho. Hindi tama iyan. Tigilan mo na rin ang kakabuntung-hininga pag nakikita mo si Anne--baka kabagan ka lang. Alam mo, ang isang taong walang kumpiyansa sa kanyang sarili ay walang mararating. Hanggang diyan ka lang sa kanto ng Quezon Avenue. Malay mo naman na sa kabila ng iyong pagiging pobre at di nabiyayaang lalaki ay ma-fall pa rin sa iyo si Anne? I'm sure hindi ka naman magiging pobre sa buong panahon na ilalagi mo sa daigdig (not unless maghihintay ka lang ng bayabas na lalaglag sa lalamunan mo gaya ni Juan Tamad) . Iho, huwag mong sukatin ang biyaya ng Panginoon in terms of money - may maayos kang kalusugan, may magandang hanapbuhay, at maraming nagmamahal sa iyo. Liglig na ang mga regalong iyan galing sa nasa Itaas!

Ilang taon ka na ba? Yung anak nga ng kapitbahay namin, twelve years old pa lang me dyowa na. Nagtatrabaho ka na, di ba? Aba, e kailan mo planong manligaw at magkaroon ng love life? Kapag nirarayuma ka na? Habang nasa mundo ka, samantalahin mo ang mga pribilehiyong may kanya-kanyang oras na magwawakas. Baka paggising mo kinabukasan, puro uban ka na pala at bawal nang kumain ng pork at shrimp.

Makipagkaibigan ka muna kay Anne. Lakasan lang ng loob, iho.Gumawa ka ng paraan--bumili ka ng kape, tig-isa kayo. Kunwari, me nabasa kang isang magandang libro, ipahiram mo sa kanya. Batiin mo siya araw-araw at ngitian ng pagkatamis-tamis kapag nagkikita kayo. Mag-research ka. Tuklasin mo kung ano ang mga bagay na paborito niya. Magpa-gwapo ka lalo. Magpa-impress. Magpa-kyut. Alisin mo sa isip mo na suplada siya at iisnabin ka lang o masasayang lang ang effort mo. Saka ka manligaw pag natimpla mo na. At pag nabasted, hanap uli ng iba. Palitan mo ang style mo. Mag focus ka kaya sa abs mo? Sa bicep? Magpalaki ka ng muskels! Huwag kang mapagod. Huwag kang magsawa.

Ganoon lang kasimple ang buhay sa mundo, George. Don't waste your time. Pag hindi umubra ke Anne, Diyos ko naman, nagkalat ang lahi ni Eba! Tandaan mo lang, hindi ka liligaya kung hindi ka susugal.

 

Lady S

 

Photo: “digression: no girlfriend, job problem.” by Zavisa Bjelogrlic, c/o Flickr. Some Rights Reserved



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

merck 16 April 10, 10:37 AM
Hay naku George, ang panliligaw, parang pagtugtog lang yan ng gitara--masakit at mahirap pag first time. Lalong mahirap kasi based sa experience ko, ang hinahanap ngayon ng mga magagandang babae ay yung mga "Boypren Materials" kuno. Sana nga lang dehins ganun si Anne.

Kung dehins ka man nabiyayaan ng mapoging looks, yung tipong prototype ka ni Palito (SLN) o ni Tado, tingin ko kailangang kasinggaling mong magsulat si Neil Gaiman, kasinggaling mong maggitara si Joe Satriani, o kasing witty ka ni Lady S.

Pero teka, ba't mo ba kailangang magpa-impress? I think you have to express yerself to Anne pare! Be true to yerself. Ba't di ka magsulat ng tula at pumasok ka sa opisina nang 6 ng umaga, then iwan mo sa desk nya? Tas i-message mo sa Skype, yayain mo maglunch sa carinderia. Oh ha? Kaya yan pre!

Balitaan mo ako kung anong response ni Anne. ;)

-Merck, Breaking News/Sportacular writer
ever 17 April 10, 08:01 PM
sabi nga nila ang babae minamahal, hindi ka dapat matakot. ipaglaban natin at itayo ang ating lahi ng mga pogi..he he he.

kung basted ang iisipin mo, walang mangyayari. kapalan! este! lakasan mo nalang ang loob mo.
lady s 20 April 10, 08:26 AM
siyanga, ever? pogi ka talaga, ha! patingin nga ng picture.
ever 21 April 10, 03:25 AM
ha ha ha, ako naman ngayon ang nahiya...
di bale kapalan lang ng mukha, este! lakasan lang ng loob.

ur avid fan's( with S din yun)

ever pogi
thecoffeegodess 23 April 10, 02:07 PM
george, magpacounseling ka muna. mukhang may isyu ka on self-esteem! pag nabuo mo na ang self confidence mo, manligaw ka na kay anne. kahit mabasted ka, you can rise above the rejection. kung sagutin ka niya, ang swerte mo at mas maswerte siya dahil may BF siya na hindi insecure.

build yourself up, buttercup!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: