The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Ang lalaking nuknukan ng shung-shung (medyo may pagka-engot)

Ang lalaking nuknukan ng shung-shung (medyo may pagka-engot)

santino_manDear Lady S:

 

Isa po ako sa libo-libong tagahanga at tagasubaybay ng inyong “Love Advice” dito sa POC. Ang galing-galing ninyong magbigay ng payo at talagang prangkahan kung prangkahan.

Anyway, gusto ko sanang isangguni sa inyo ang aking problema hinggil sa babaeng nililigawan ko. Ang pangalan niya ay Angelita. Na-meet ko siya last year through a common friend.

Actually, nung una kong na-meet si Angelita ay may naramdaman na talaga ako sa kaniya. Feel na feel ko na natagpuan ko na ang pinakamagandang babae sa buong mundo sa katauhan niya. Lumipas ang mahigit anim na buwan at inamin ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.Simula noon ay ang mga gabi-gabing telebabad, kulitan sa text, at sa facebook.

Una kaming pormal na nag-date noong Disyembre. Sa date na iyon, naghawak ang aming mga kamay, at talagang langit ang naramdaman ko noon. Nasundan pa ito ng mga sumunod na mga date.

Ang kaso Lady S, pagdating ng Pebrero ay nanlamig ang pakikitungo ni Angelita sa akin. Hindi na siya madalas magtext at hindi na rin siya tumatawag sa bahay. Bihira na rin kaming magkita. At ang nakakalungkot ay may mga puna siya sa akin na sa tingin ko ay may point naman.

Tatlo ang pangunahing puna niya sa akin. Una, ang korni ko raw humirit. Sa sobrang kakornihan ko raw ay natatawa na lang siya. Pangalawa, ang “generic” ko raw magtext. Eh paano Lady S, sadyang tamad talaga akong pumindot sa cellphone. At pangatlo, parang “nambobola” na lang daw ako. Pero Lady S, sinasabi ko lang naman sa kaniya ang tunay kong nararamdaman nang walang halong pambobola. Hindi ko kailangang magpaka-cool o magpaka-deep, kasi simpleng tao lang ako.

Lady S, ano po ang inyong maipapayo sa akin? Paano ko po mapupukaw ang kaniyang dating sweetness sa akin?

 

Umaasang lubos,

Santino

---

Dear Santino:

Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng shung-shung? Actually, ang root word niyan ay shunga (nakuha pang magkaroon ng root word, ano?) meaning tangengot o sa mas less brutal na pananalita ay aanga-anga. Bakit 'kamo? Dahil yang babaeng tinutukoy mo ay nag-iinarte lang para mas mapansin mo. Napakahina mo naman talaga sa pakiramdaman. Una, korni ka raw pero natatawa siya. Ibig sabihin, kinikilig sa kakornihan mo. Ikalawa, pinaparinggan ka nang mag text palagi, aaminin mo pang tamad ka! Hindi ba't senyales iyan na humihingi siya ng mas malaking time and attention? At ikatlo, para ka na lang daw nambobola. Ang definition nun slight na naniniwala siya sa mga sinasabi mo pero may pagdududa kasi nga shung-shung ka!

Upang mapukaw mo ang dating sweetness niya sa iyo na all of a sudden ay umasim dahil nga para kang natutulog sa pansitan, aba'y karirin mo ang pag earn ng pogi points. Kung dati kang thoughtful, sobrang magpa-extra thoughtful ka (goodluck sa gastos mo sa tsokolate, flowers, etc.) Kung before ay madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw ang pagti-text mo, magpa unlitext ka -yung maninigas na ang mga daliri mo sa kaka text, di pa rin nauubos ang load mo. At para naman mapatunayan mo na walang halong bola (ows?) ang mga banat mo sa kanya, isali mo ang iyong nanay sa inyong usapan upang patunayan sa kanya na hindi kayo lahi ng mga sinungaling.

Alam mo Santino, ang relasyon, gaya ng isang masarap na kape, dapat ay maintain ang temperature niyan. Hwag mong pabayaang lumamig na parang ilong ng pusa. The key word is “seduce”. Tease. Hindi kumukupas ang kilig. Ang excitement. Ang lagablab. Kung papatay-patay ka at magiging pabaya, at higit sa lahat ay walang malay tao sa mga kaek-ekan ng mga babae, palista ka na dun sa mga magpapapako sa krus sa Mahal na Araw.

Habang asa mag syota stage pa lang kayo, bumirit ka na. Natural, may inaaasam-asam ka pa, eh. I am 100 percent sure, kapag nagsasama na kayo bilang mag-asawa, aysus, tingnan ko lang kung pansinin mo pa ang mga tantrums niyan. Sa totoo lang, iyan ang pinaka bonggang bonggang chapter ng magsing-irog- habang mag syota pa lang. Kaya i'm pretty sure, ini-enjoy na ng girlfriend mo ang pagmamaltrato sa iyo.

Nawa'y manauli ang dating init. O simulan mo na ang maglakad nang paluhod sa Baclaran bago siya mag-fly away.

 

Lady S

 

Photo: “crazy in love” by Giorgos, c/o Flickr. Some Rights Reserved



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

thecoffeegoddess 26 March 10, 02:58 PM
naku santino, mukhang tatahakin mo ang daan patungo sa pagkamatandang binata kung ganyan ka! ano ba ang gusto mo? ang girlala ang gagawa palagi ng "first move"?

NAMAN!
matutina 27 March 10, 12:53 PM
Naku ha! shung shung ka nga Santino. Kahit sinong babae noh! aayaw he he he. Dapat may effort, ka yung pa pogi points, yan gusto ng mga babae. Tama ka dyan Lady S.

Go! Go! Go!
ever villacruz 31 March 10, 08:23 PM
kung hawak kamay dati, sana naman may embrace na ng pagmamahal ngayon... go! go! go! Santino!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: