The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
May 17
Home Features Buhay Pinoy Love Advice 'Pag nagmamahal, nagpapakatanga: Ang payo ni Lady S

'Pag nagmamahal, nagpapakatanga: Ang payo ni Lady S

Basahin ang unang bahagi dito.

Dear Kristin:

Anuman ang maging payo ko, batay ito sa aking sariling opinyon, kaya kung hindi ka man makinig nang bonggang-bongga ay depende 'yan sa iyo. Hindi ako galit sa mga lalaki, in fact I love being surrounded by men (lalo na kung mala -Derek Ramsey ang dating). Pero ang mga lalaki, ay naku! Iisa lang ang likaw ng bituka ng mga yan! Kapag nakuha na ang gusto, Adios Patria Adorada! Babush!

Kung talagang mahal ka ng boyfriend mong iyan, hindi ganyan ang magiging drama niya (confused, natatakot, nag-iisip,depressed, etc., etc.). At kung isa siyang tunay na lalaki, he won't turn his back at paninindigan niya anuman ang kanyang ginawa. Worried ka kamo sa magiging future ninyo. What future? Ngayon pa lang, mag-isip ka na kung dapat ka pa bang makisama sa kanya. You said you want to be with him forever, pero hindi kayo kasal. At ano naman ang kuneksyon ng kasal sa pagsasama habambuhay? Kahit ikasal ako ng isang dosenang beses, hindi ito magiging garantiya ng isang maayos na relasyon na magtatagal hanggang sa dulo ng walang hanggan. How do you win him back? Iha, ang dapat ay i-delete mo na yan o i-eject papunta sa outer space. Kung maraming babae ang umaaligid sa kanya, pwes, ipa-raffle mo na o i-give away, samahan mo pa ng gift cheque (kay-malas naman ng makakakuha). Maano kung walang kilalaning ama ang iyong magiging anak? Mas gugustuhin kong wala na ngang makilalang ama ang aking anak kaysa magkaroon ng isang amang sa simula pa lang ay tumatalikod na sa kanyang obligasyon!

Patawarin nawa ako ng kaluluwa ng aking yumaong ina pero kahit pinalaki niya ako na tipong old school, hindi ko irerekomenda ang kasal dahil lang nabuntis ka. Hindi kasal ang solusyon. Pag-ibig ang mahalaga. Love is a decision and a commitment. It is not an obligation.

Let go of him. Isang araw, at isandaang porsiyento akong sigurado dito, babalik ang “alien” na yan begging you to forgive and accept him. Itsura niya! Basta nasa iyo ang baby mo, bahala na siya sa buhay niya. Ang dapat mong pagtuunan ng atensyon ay ang munting anghel na umaamot ng iyong pagmamahal. Mas magiging kawawa ang batang iyan kapag nagkadipirensiya dahil sa kaiiyak at pag-iisip mo ng kung anu-ano.

Alam kong magiging mahirap ito para sa iyo, pero sa tulong ng mga magulang mo na sobrang mahal ka at higit sa lahat ay sa pagtitiwala mo sa nasa Itaas, madadaanan mo ang lahat ng ito. At kapag dumating ang sandaling gusto mo nang sumuko, isipin mo agad ang napakagandang baby na siyang magiging kasama mo habambuhay- magmamahal at kakalinga sa iyo ng walang anumang hinihinging kapalit.

At siya...? Ay, he can kiss his two small balls a real goodbye!

 

Lady S


Photo: "Marriage" by jcoterhals c/o flickr, Some rights reserved.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

annamanila 05 March 10, 09:12 PM
Paano ka nakakapagbigay ng sound, solid advice, in such a funny entertaining way -- simply amazing.

Gusto ko tuloy magkaproblema para makapag-consulta. Knock on wood. Joke lang po.

Seriously, I hope Kristin, will listen to you. Will pray for her too.

bitchy bei 09 March 10, 02:46 PM
maybe it is right that pag nagmahal nagpapakatanga, at times...Kristin, basta pray always and be strong for your child, since wala kang pedeng asahang tibay sa ama niyan...in time, he will realized na isang napakalaking pagkakamali at kawalan ang pabayaan nya kaung mag-ina...

good luck sau and god bless...
thecoffeegoddess 11 March 10, 10:35 AM
matanong lang kita, kristin, alam ba ninyo ang "safe sex"? or better yet, contraceptives? my gulay! bago sana kayo nag motel at nagpakatanga e inalam nyo muna na may condom na pwedeng gamitin. pwede rin ang natural methods sa pagtatalik. hay naku. kulang sa sex education ang mga kabataan ngayon.
rose 26 March 10, 07:44 PM
pano po kng ang taong mhl q comted n po tpos hnd q xia tlga kyng klmtan kc sbi nya d nya nman dw mhl ung aswa nya ano po b dpt q gwn????????????????????



coment nman po!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: