The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Pag nagmamahal, nagpapakatanga

Pag nagmamahal, nagpapakatanga

Dear Lady S,

Nakakatuwa pong basahin yung mga advice ninyo sa iba’t ibang problema ng mga tao. Ako po ay natatawa, naiinspire at minsan ay nakaka-relate din. Kaya naman po ngayon ay susubukan ko pong ibahagi sa inyo ang aking karanasan at nais ko rin pong humingi ng advice tungkol dito.

Ako po ay 20 years old na. Nag-aaral po ng Information Technology sa isang unibersidad sa Maynila. Hindi ko na lang po sasabihin kung saan kasi baka magkaroon pa ng issues. Anyway, meron po kasi akong boyfriend. Mas bata po siya sa akin ng dalawang taon. Medyo immature pa din ang pag-iisip niya pero I think we complement each other naman. Matagal na rin po kaming mag-on, halos mag-lilimang taon na rin po. Masaya naman po ang aming pag-sasama. Lagi nga po kami lumalabas at super special naman po yung mga pinupuntahan namin. Kilala na rin po ako sa bahay nila at dinadala niya rin po ako sa family affairs at functions nila.

Masaya po talaga ako sa relasyon namin. Although hindi naman talaga maiiwasan na magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan. Nalulungkot nga po ako kapag nagkakaproblema kami. Hindi ko po kaya na nagkakasamaan kami ng loob. Kaya kahit na minsan na mag-decide kami na mag-cool off, hindi ko rin po ito napapanindigan. Tumatawag po ako lagi sa kanya para maiayos namin yung problem. Lady S, mahal ko po talaga siya.

Kaya nga lang po, dahil sa kapusukan naming dalawa, nabuntis po ako. Third year college na rin po ako nang mangyari iyon at anniversary din namin. Hindi ko po alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ako pumayag na pumunta kami sa isang motel. Dahil din siguro sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at dahil na rin siguro sa ayaw kong mawala siya sa akin. Medyo lapitin din po kasi s'ya ng ibang girls. So there, I gave in. And the first time that we did it, may nabuo.

Grabe pong emotional at physical pressure ang nangyari sa akin, Lady S. Lalo na rin po sa boyfriend ko. Hindi na po siya pumasok sa classes niya to the point na na-expel na po siya sa school. I was really worried about our future. Nalaman po ng both families namin ang nangyari and sobrang disappointed sila sa amin. Pero ano pa ba magagawa nila kung hindi suportahan at tulungan kami. Our parents decided din na hindi kasal ang solusyon sa problem namin. We’re still young and we need to think things through. Kaya okay lang din naman po sa akin na hindi muna kami mag-pakasal. Masaya nga po ako na binigyan pa kami ng chance ng mga magulang namin. Ngayon po ay naka-LOA (leave of absence) po ako sa school for one semester. Yung boyfriend ko naman po ay pinag-aral pa rin ng daddy niya sa isang maayos na school.

Ngayon po ay five months pregnant na ako. I recently found out na girl po ang dinadala kong bata. I was really happy to have known that. Nag-iisip na nga ako ng possible names for my baby. Alam na din po ng parents namin yung gender ng bata and they are happy about it too. Excited na din po sila. Although nahihiya na rin po ako minsan kasi sa kanila kami humihingi ng pang check-up ko.

Sa dinami-dami po ng pinag-daanan ko this past year, mixed emotions po ang nararamdaman ko ngayon. Sad ako dahil I missed my opportunity to continue my studies. I had to stop nga kasi, diba? Pero masaya din dahil sa nalaman ko, at this point in my life, na mahal na mahal ako ng parents ko and they will accept me with open arms no matter what na nangyari sa akin. Pero, Lady S, here’s my problem, my boyfriend is slowly drifting away from me. Hindi ko po alam kung bakit. Nitong past few days, minsan na lang niya ako tawagan. Minsan na lang din po niya ako i-text. Nalulungkot po ako, Lady S. At nalaman ko din po sa sister niya na hindi rin daw po siya okay sa schooling niya. Minsan lang din daw siya pumapasok sa school pero lagi daw po umaalis ng bahay nila. Worried po ako ngayon na baka may iba na siyang girl na kasama. Or paranoid lang ba ako?

Lady S, am I the problem here? Am I too forgiving and accepting? Masyado ko po ba tinolerate yung ugali ng boyfriend ko? Worried po ako ngayon sa magiging future naming dalawa. I really want to be with him forever pero hindi nga po kami kasal. Ano po ang gagawin ko? How do I win him back? Ang dami pa naman ibang babae na umaaligid sa kanya. Ayaw ko din po na walang kilalaning ama ang baby ko. Kawawa naman po siya. Lady S, please help! I really need your wisdom right now.

 

Kristin

Ang payo ni Lady S ay matatagpuan dito.

 

Photo: “our-madness-our-love” by , c/o Flickr. Some Rights Reserved



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

ellirpa 29 April 10, 05:03 PM
its nice ! intindi cu kso im not jejemons ! haha :]
khieL 27 September 11, 05:49 PM
well girl dpt cguro mju bntayan mo na bf mo bka may iba na xng pinagka2abalahan lalo na mju bata pa xa at mapusok, confront him is the best way..
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: