The Philippine Online Chronicles

The POC
Thursday
Feb 09
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Itali sa puno ng langgaman ang mga taksil!

Itali sa puno ng langgaman ang mga taksil!

Begging for his life.Dear Lady S,

Mula nang mapanood ko sa The Buzz ang pagka-crayola (pag-cry) ni Ms. Kris Aquino dahil sa kanyang marital problem ay hindi na po ako napalagay. Sobra po akong affected at muntik na akong sumugod sa ABS-CBN at makipag-apir kay Kristeta. Mabuhay ang mga api! Mabuhay ang mga babaeng ginagagu-gago ng kanilang mga asawa!

Gaya ng kapalaran ni Kristeta kay James Yap at sa iba pang mga lalaki sa mundong ibabaw na feeling imortal, sinawingpalad akong magpakasal sa isang lalaking grabe ang pagkahilig sa mga babae. Pati nga katulong namin na sukdulan ang pagka-chaka (panget), pero medyo maindayog ang balakang, pinatos pa rin. Ang hindi ko nga ma-gets ay kung ito bang mga lalaking ito ang puno't dulo ng lahat o sadyang may mga babaing kahit ang lalaking nagugustuhan ay taken na o may asawa na ay dedma o “care ko?” ang katwiran kaya talagang wala silang pakialam sa world?

Sang-ayon ako sa desisyon niyang humiwalay muna. Dapat lang! Aba, kung ako sa kanya, ihahagis ko lahat palabas ng aming love nest ang mga gamit niya! Siya ang dapat tsumugi, not me! Very kind pa nga si Kristeta, eh! Ako noon, muntik nang mag ala Lorena Bobbit (yung pumutol ng “kuwan” ng kanyang babaerong asawa) kundi lang na-realize kong baka makulong ako at magahasa ng mga inmates ay naloka ako! Pero eto pa rin ako sa aking kagagahan, sanay na yatang mabugbog ang puso sa sakit dahil patuloy pa rin akong nagmamahal.

Lady S, ano ba ang take mo sa ganitong mga eksena? Ano ba ang dapat iparusa sa mga lalaking sobrang masisiba sa babae? Sa panahon ngayon, parang wala na talagang moralidad! (ano po yun?-editor)

Please help!

Ms.Toxic

--

Dear Ms. Toxic:

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko o ikalulungkot ang tsismis na pinag-uusapan sa ngayon tungkol sa expiration ng kasal. Narinig ko pa lang ang tungkol dito at medyo natawa naman ako sa isiping pati pala kasal, gaya ng cough syrup o kontrata ay nag- e-expire na rin. Pabor yata yan sa mga mag-asawang halos magkagatan na sa mga batok sa tindi ng pag-aaway at isinusuka na ang isa't isa,o sa mga taong kinukurot ang puso sa mga linya ng kantang gaya ng “oh it's sad to belong to someone else when the right one comes along...”

Hindi ko ito nabanggit para magka-ideya kang ito na nga ang solusyon para lumigaya finally ang mga babaing may philandering husband. Sa totoo lang, walang solusyon para sa akin ang magwo-work out kundi rin lang manggagaling sa puso ng taong concerned. Ang ibig kong sabihin, walang anumang batas ang maaaring makapagpabago sa tao sa kanyang naturalesa. No amount of love or sacrifice or tears ang pwedeng maging reason kung bakit huminto na si Kulas sa pambobola sa mga tsiks. Sa isang bagay lang akong naniniwala. At iyan ay sa power of prayer.

Hindi ko ipinapayo ang pakikipaghiwalay- maaaring tumawid ka dito pero kung kaya mo pang hawiin ang daanan, sana'y ito ang matutunan mo. Dahil kung ang pakikipaghiwalay ang sagot sa lahat ng taong problemado sa kani-kanilang mga partner, aba'y baka wala nang pamilyang maging buo pa. Naniniwala pa rin ako na ang lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan, you just have to learn the art of being patient and understanding. Sa Kanyang panahon, bawat luha ay matutuyo, bawat sakit ay mapapawi. Just hang on.

Masarap talaga sigurong mag-ipon ng isang garapong puno ng hantik at saka ibuhos sa loob ng pantalon ng mga lalaking walang kasawa-sawa sa pambababae! Tingnan lang natin kung gaano kasaya ang mamaga ang anumang pwedeng mamaga sa kanila at hindi na pakinabangan ng iba. Pero hindi ito ang solusyon sa problema. Kungsakaling palarin siyang malusutan ang torture na yan, happy days are here again- balik na naman yan sa dati.

Ang kabayo, humihinto rin sa pagtakbo kapag napagod. Bakit hindi ka na lang mag-focus sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa yo? Enjoy life. Create your own world of happiness. Don't mess up your life- it's too short! Tingnan mo si Kristeta, ang lutong pa rin ng halakhak. Kaya ata niyang palitan si James Yap ng ten times better.

Higit sa lahat, pray. And don't stop believing.

Lady S


Photo: “My wife is crazy.. crazy” by , c/o Flickr. Some Rights Reserved


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

maui 27 January 10, 03:49 PM
True!!
eric paladin 30 January 10, 07:11 PM
para sakin sa sitwasyong tumatabang ang relasyon Kailnagan lalong paigtongin ang tiwala....sabi nga when in doubt... just trust. a isyu ng expiration ng kasal dapat ung author nyan ang maunang mag expire sa mundo.
bitchy me 02 February 10, 02:41 PM
i must say, dapat tayong mga babae iniisip din natin kung bakit ba nahuhumaling sa iba ang ating mahal...minsan baka tau rin ang me problema kaya cila naghahanap ng iba. subukan nating iresolve ang anumang di pagkakaunawan bago natin piliing wakasan ang ating relasyon.

sabi nga, ang relasyon ay pandalawahan lamang--hindi pang isahan kung san isa lamang ang nagsisikap na mapatibay ito, at hindi rin pangtatluhan o apatan na pinagsasaluhan.

ask for god's guidance for sure He will show you the right path. good luck sau, ms. toxic and i wish na maayos mo yang problema mo sa iyong asawa.tandaan mong lahat ng bagay ay pedeng mapagusapan, lhat ng problema ay may solusyon.
BITTER ocampo aka sprekik 02 February 10, 06:14 PM
Miss Toxic, dapat rin nating maalala na kapwa may "pinagmulang kadudahan" sina Kris at James Yap bago pa maging "sila." In other words, pareho silang may "butterfly past," may history ng different undesirable relationships. Therefore, ang dapat sa kanila ay mag-unawaan. Unawaain nilang kapwa sila may "kati." Nagkataon nga lang na mukhang nagbago na si Kris, but that doesnt necessarily mean na sabay silang dapat magbago. Sa pag-aasawa, kinakailangang mag-tulungan ang husband and wife na mabago ang mga di magagandang ugali. Alalayan ang bawat isa tungo sa pagbabago. Nasabi nyo nang lahat, prayers, understanding, determinasyon. Idagdag ko na lang ang "acceptance," which is a very neglected agent of change. Aminin na muna nila ang kapwa nilang mga pagkakamali, then that's the time na magiging sincere ang tatahakin nilang landas sa pagbabago at pagtagal bilang mag-asawa.
BITTER ocampo aka sprekik 03 February 10, 04:57 PM
Huling hirit na po. Sa pagkakaintindi ko sa issue ng EXPIRED KASAL ay ang proposed RENEWAL ng MARRIAGE LICENSE. Inihahalintulad ito sa mga RENEWAL ng business permits at professional licenses ng mga doktor, at iba pang mga may propesyon upang tuluyang makapag-operate (business) o kaya ay magpraktis ng propesyon. Hindi rin ako payag dito dahil maliwanang lang na gusto lang KUMITA ng gobyerno sa karagdagang buwis na makolekta sa tao. Kalokohan yan!
thecoffeegoddess 04 February 10, 12:23 PM
ang gaganda naman ng mga replies, Lady S! very positive pa rin ang opinion ng mga tao sa marriage. as for kris and james, well, it takes two to tango, ika nga.

call me judgmental, but i will say it anyway, kung lalaki ka at si kris ang asawa mo, humanda ka na ma-emasculate in public. kris needs a STRONGER man! then again, hindi katwiran ang ginagawa ni kris na pang-uunder at pagko-control para maghanap ng ibang girlala si papajames!

bow.
Maligalig 04 February 10, 01:00 PM
Hindi ko talaga gets kung bakit maraming kababaihan ang nabobobo pagdating sa mga boyfriend/asawa nila. Katulad na lang ng mga kaibigan kong smart naman pero nagpapakamartir when it comes to cheating husbands. Anuba gurl.
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: