Happy New Year sa inyo! Maagang problema ito! Dahil sa aking kawalang-ingat, malamang ay ma-lost ang dalawang taong mahal na mahal ko! Kaya Lady S, payuhan mo ako ng bonggang-bongga kung paaano ko ito malulusutan!
Dalawa po ang active girlfriends ko – Itago natin sila sa alyas na Mallow at Sugar. Ang naging problema ko ay noong nakaraang Christmas. Pinadalhan ko sila ng gifts pero dahil sa kalituhan ko sa dami ng mga regalong ibinalot ko, nagkapalit po ang kanilang mga pangalan. Yung para kay Mallow ay napunta kay Sugar at yung kay Sugar ay napunta kay Mallow! Bukod sa mga pangalan nila na nagkapalit, walang kaduda-dudang malilintekan ako dahil si Mallow ay super slim samantalang si Sugar ay super chubby. Dahil nga nagkapalit ang mga gifts, hindi na babagay sa kahit sino sa kanila ang mga regalong hindi naman talaga para sa kanila.
Bukod pa dun ang mga dedication na parehong “to my one and only”. Lady S, nakikini-kinita ko na ang part 2 ng “I love you, goodbye” sa aming love story. Help me naman kung paano ko matatakasan ang init ng batas.
Green
---
Dear Green:
Alam mo hijo, kung gagawa ka rin lang ng krimen, tiyakin mo na walang bakas na maiiwan para siguradong wala kang huli. Sa sitwasyon mo ngayon, hindi ka lang nagpahuli, nagpabitay ka pa!
Mensahe din siguro sa iyo ang nangyari – iisa lang ang puso, kaya dapat na isa lang ang mahalin. Magtanda ka na. 2010 na, maging New Years' resolution mo na ang maging one-woman man. Problema lang at sakit sa ulo ang mag-maintain ng mahigit sa isang dyowa. Dagdag pa ang stress pag nagkabukingan gaya ng nangyari sa 'yo.
Sadyang nakakatawa ang tao. Napakasimple lang ng buhay ay kung bakit pinipilit na gawing kumplikado. Minsan ay pinipili pa natin ang mabuhay sa isang magulong mundo gayung hindi naman natin kaya. At sa huli, saka magsisisi.
Ang pwede kong ipayo sa yo, magpaka-lalaki ka. Harapin mo imbes na takbuhan o pagtaguan ang problema. Mamili ka kung sino kina Mallow at Sugar ang hindi mo kakayaning mawala sa buhay mo. Kung mahihirapan ka, bitiwan mo silang dalawa. All is fair in love and war. Aba, kung ako si Mallow o si Sugar, hindi na sisikatan ng araw ang mga taksil na gaya mo.
Happy New Year din sa yo at sana, maging leksyon sa mga katulad mong nang-uunggoy ng mga girlash na crime does not pay. Lalabas din ang katotohanan kahit na anong tago ang gawin mo. Ipagdasal mo na lang na hindi ka saksakin sa lalamunan ng mga babaing inuuto mo o itali ka sa puno ng langgam at ipalapang sa mga hantik habang nagbubunyi silang pinanonood ang pag-atungal mo.
At sana, hindi na maulit pa ang paglalaro mo sa pag-ibig, dahil ang pundasyon ng isang tapat na pagmamahalan ay pagtitiwala. Kapag ito ang gumuho, mahirap nang makapagpundar ng isang payapa at matatag na relasyon.
Lady S
Photo: “After drunken night at Chris' II_MMVI” by D. Sinclair Terrasidius, c/o Flickr. Some Rights Reserved
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









