Mali bang mahalin ko siya gayung alam kong mawawala din siya? Hindi ko siya kayang pawalan subalit ang sabi ng puso ko ay kailangan ko siyang iwan...
Dear Lady S,
Nakilala ko si Ligaya (hindi po niya tunay na pangalan, pero 'yan po ang idinulot niya sa buhay ko). May kakaiba siyang panghalina. May maamo siyang mukha ngunit dama ko ang kapusukan niya. Hanggang sa dumating ang sandaling hindi ko na nakontrol ang nararamdaman ko para sa kanya. Bigla, nag-iba ang aking mundo. Naging makulay, masaya at kapana-panabik ang bawat araw na dumaraan kapag kapiling ko siya.
Bagamat may relasyon kami, hindi namin pinangalanan ito kasi ibang klaseng babae si Ligaya. Hindi niya gusto ng mga labels, basta ang lagi niyang sinasabi sa akin, masaya kami ng ganito. Hindi na namin kailangan ng kung anu-anong kumplikasyon gaya ng kung ano ang dapat na itawag sa aming relasyon. Free spirit kung baga.
Sa pagdaraan ng mga taon, lalo kong minahal si Ligaya. Bilib ako sa kanyang malayang pananaw. Binigyan niya ako ng tiwala sa aking sarili, na para bang lahat ng bagay ay makakaya kong gawin kapag nasa tabi ko sya. Ibang klase si Ligaya, Lady S. Ibang iba sa asawa ko. Opo, may asawa po ako. Nung nakilala ko si ligaya, kasal na ako. Inaamin ko po, masaya naman ako sa aking asawa bagaman at may mga problema kaming natural lang naman sa buhay may-asawa. Mahal ko naman po sya. O baka minahal ko siya bago pa siya naging masyadong demanding at selosa. Sa kanya kasi, parang lahat ng bagay ay bilang, lahat may rules, maraming expectations.
Hindi ko po inilihim kay Ligaya ang estado ng aking buhay. 'Yun po ang masakit, tinanggap niya kung sino ako. Hanggang sa nararamdaman ko pong mas napapalapit na siya sa akin. Sa akin umiinog ang kanyang mundo at buong buhay niya halos ay inilaan na niya para sa akin.. Alam ko ring paulit-ulit ko siyang nasasaktan kapag nawawalan ako ng panahon sa kanya na nauukol para naman sa aking pamilya. Hindi kami nagkakasama sa mga importanteng okasyon gaya ng kapag birthday ko, Pasko, at Valentine's Day. Ni wala akong tiyak na oras para tawagan at makausap siya. Puro nakaw ang aming sandali. Pero hindi lamang siya ang nahihirapan, ako rin, lady S.
Inaamin ko, pareho ko silang nasasaktan. Pero ayaw kong mawala sa akin si Ligaya. Siya ang Ilaw ko. Siya ang lakas ko. Do you think I am being unfair to her? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Pangarap lang kita
Dear Pangarap lang kita,
Ang kuwento mo ay kuwento ng napakaraming kalalakihan sa mundo na sumakabilang-bahay (may mga kabetski). Kung sa punto ni Ligaya at ng mga kababaihang “binubulag” ng malabis na pagmamahal, nothing else matters. Hindi na importante kung anong klaseng pag-ibig ba 'yan o kung pag-ibig man 'yan, libog lang, companionship, just for keeps, trip lang, wala lang, o kung anupaman. Basta minamahal. Period. Tigilan na ang katatanong dahil iisa lang naman ang sagot: Ginusto mo, pwes, magdusa ka! 'Yun ang kategorya ni Ligaya. Kaya niyang balewalain ang lahat, huwag ka lamang mawala.
Yes, oh yes, you are being unfair to both Ligaya and your wife! But who says life is fair? Hindi ka kinse anyos para maging tanga pa rin sa totoong mukha ng buhay. Ang lalaki, sarap lang naman talaga ang gusto. To follow na lang ang love. Hindi ba't ganyan din ang naramdaman mo sa iyong asawa bago pa kayo nagsama bilang mag-asawa? And then, we put all the blame sa pobreng wife- nagger kasi, selosa, hindi maintindihan ang pangangailangan ng lalaki, dull and boring na, etc. etc. And the mistress? Palaging masaya, mabango, walang problema, maunawain, sweet, etc.(subukan mo kayang anakan 'yan ng lima pag hindi lumabas ang sungay at pangil niyan).
Pero marami akong kakilalang nalusutan ang ganyang set up- dahil ang kabit, hangga't kaya, magpapakamartir 'yan. At kung hindi, adiyos Patria Adorada- napakadali niyang iwanan. She has to maintain her being hot and sweet. Talo lang talaga 'yung mga kabit na sobrang na in lab sa lalaki na kahit magunaw na ang mundo bukas, hindi pa rin niya iiwanan ang lalaking kanyang sinasamba. Ewan ko lang kung hanggang saan tatagal ang kanyang pagiging maligaya. Maaring bukas makalawa, sawi na rin siya.
It's all up to you- keep your mistress and your wife, drop your wife, or drop your mistress. But I am telling you, some good things never last. Sooner or later, matutuklasan ni wife ang pangangalunya mo, or darating ang moment na malulungkot na rin si Ligaya at magsasawa na. Nakakapagod ding maging mabait. Nakakapagod ding maging mang-aagaw. Sorry ka, isa lang ang puso ng tao kaya't isa lamang ang dapat mahalin. And who am I to judge whether she's the wife or the mistress? Pareho lang silang nagmamahal at walang hindi gagawin para sa pagmamahal na ito. Suwerte mo o malas, dalawa silang naghahanap ng puwesto sa puso mo. It's either you enjoy it, or feel guilty about it.
But how do you measure love? For me, it is wishing and wanting someone you love to be happy. And if unfortunately that happiness will be with somebody else, I'll bear it. Not with tears of sadness or bitterness but with tears and a smile in knowing he is happy. I'd rather lose him or die than having him at my side and he being unhappy.
Pawalan mo si Ligaya. Kung talagang mahal mo siya...
Lady S
Image licensed under CC
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









