The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Where the boys are

Where the boys are

Ang mga lalaking dumaan sa buhay ni Sad Eyes, is a waste of time! Because you can't find something when you don't know what you are looking for. Hinahanap niya si Somebody. At si Out There. Totoo bang mayroon nito?

Dear Lady S,

Isa po akong pangkaraniwang babae na dumaan na sa maraming uri ng relasyon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit lahat sila ay na-lost! Basahin n'yo na lang ang kuwento ng aking buhay-pag-ibig.1

Kahihiwalay lang namin ng unang boyfriend ko nung high school. Noon ko narinig si Nanay na nagsabing: anak, THERE'S SOMEBODY OUT THERE. Puppy love naman pong maituturing 'yung first love ko kaya huwag na natin siyang idamay sa ating usapan. Tawagin natin siyang UNO. Pinag-aralan kong mabuti ang sinabi sa akin ni Nanay kaya nabuo ang dalawang bagay sa aking pananaw: Una, yung sinasabing SOMEBODY at ikalawa, yung OUT THERE. Sa unang parte: simple lang naman po ang nasa wishlist ng mga babae, siyempre, bukod sa single, guwapung-guwapo siya, mayaman, mabango at hindi mukhang madumi katulad ng crush ko, EHEM!) Ang importante po ay 'yung mahal na mahal ako, di po ba? Naku, para hindi naman yata hinahanap 'yun. Kaya't sa punto po ng SOMEBODY, mukhang tanging pananalig lang ang puwede kong solusyon para riyan.

Nag-concentrate na lang ako sa puwedeng magawan ng paraan. Hinanap ko po na lang ang OUT THERE.

Inumpisahan ko po sa mundo ng academia nung nagsimula akong mag-College. Sali ako ng sali sa mga orgs at pumasok po ako sa isang co-ed dorm hoping na andun yung OUT THERE. Sa mga tambayan, meron naman pong mga lalaking nagpasaya sa akin. Pero parang may kulang. Masaya lang kami, pero dama kong kulang ng pagseseryoso.

Ah , sa library! Baka dun, matagpuan ko ang tamang timpla ng kasiyahan at pagseseryoso. Dun ko nga nakilala ang IKALAWA. Perfect po si siya. Mayaman, guwapo, asikaso niyaya ang lahat sa akin. Para po akong prinsesang nakaupo sa tasa. Pero, dumating ang pagkakataon na ipinakakilala ako sa reyna, ang mudang nya. Ayaw po sa akin kasi hindi ako katulad nilang royal, I'm just a commoner :c Nap-ressure si pangalawa. hindi niya ako kayang ipaglaban. Ekis sa puntong mahal nmahal ako. Fail! Hindi sa library ang OUT THERE.

Sumama ako sa mga kaibigan ko sa gimikan kasi baka naman yun ang OUT THERE ko. Sa linggu-linggong paglabas namin, marami akong nakilalang mga lalaking parang pwede na. Yung mga iba napalapit sa akin. Nagkiskisan kami ng nagkiskisan, pero parang wrong! Masyadong....... makamundo? It just didn't feel right. (choosy ba?) Mali, hindi sa gimikan ang OUT THERE.

Baka sa opisina, mas mature at well, mas sophisticated ang mga tao 'dun. Ayun, tinuon ko ang panahon ko kasabay ang mga officemates ko. True enough, dun ko naman natagpuan si IKATLO. Malambing sya, nagkakaintindihan kami sa maraming mga bagay, masaya akong kapiling siya. Pero, marami pala kaming masaya kapag kapiling sya. Ang hinayupak! Ang dami palang babae. Iniwan ko siya (ang sabi ba naman sa akin ay: frankly, my dear, I don't give a damn. HOY! hindi ka si Rhett Butler, ano! Wish mo lang!) Malamang, hindi sa opisina ang OUT THERE ko.

Lady S, saan ba talaga ang OUT THERE?? Para kasing hinanap ko na siya kahit saan pero hindi ko matagpuan.

Sad eyes

 


Dear Sad Eyes,

 

Sabi ni Nanay, there is somebody out there. Me moment pa ang mudra mo, ha? Kung isalin kaya natin sa tagalog: May lalaking naghihintay sa 'yo sa may labasan. ( hehe he, ang korni ko) Alam mo, simple lang ang parable ni Nanay: May sadyang nakalaan para sa 'yo. Kung na lost si si Uno, mayroon pang Dos, Tres, Kuwatro, Singko... hanggang Diyes! Hindi nagtatapos ang pagbilang sa number 1- maaaring umabot sa isang milyon at isa at lumampas pa.

Tinatanong mo sa akin kung nasaan si Out There. Walang makapagsasabi. Magically, lilitaw na lang siya para dukutin ang puso mo. Nariyan lang siya, bubulaga sa 'yo pagpindot mo ng 3rd floor sa elevator, o nasa ilalim siya ng ulan, nag-e-emote. Siya 'yung tipong mabantot pero kiber? Malalaman mo ito kapag nandun na- huhulagpos pilit ang histerikal mong puso at saka ka magbibitaw ng mahabang Oohhh at Aahhhh. (at muling kakaway ang nagbubunying fallopian tube!) Siya na nga! In a crowd of million people, stand out siya. Siya si Somebody at si Out There. Maaaring mawasak ang iyong puso o makumpleto ka kapag natagpuan mo na siya pero walang sagot dito hanggat hindi mo sinusubukan. The passion is in the risk!

Sabi ng mga linyang ito sa isang awit:

Love comes from the most unexpected places
In someone's eyes you've never met
Who wants to get to know you
In someone's smile you can't forget
And if the music plays on in your mind
Take all the love that you can find
And if love takes you in
Take all the love that you can find
And hope it comes again

So, Sad Eyes, huwag ka nang magpaka -Lucresia sa paghahanap. It is only with the heart that one can see rightly. What is essential is invisible to the eye (The Little Prince).

 

Lady S



Image licensed under CC NoncommercialNo Derivative Works Some rights reserved by Thómas Tan



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

obvious ka! 13 June 11, 01:30 PM
naloloka ako sa picture ng article na ito. dun sa pangatlong lalaki!!!

Lady S, dyan ata ang out there ko.
Lady S 13 June 11, 03:42 PM
... Hindi kaya siya ang lead actor ng pelikulang "Bakat?" (just asking). There is really "something out there", Ms. obvious. Medyo scared lang akong i-define.
ninja 13 June 11, 05:35 PM
something out there or something IN there? ¬¬
lovely 17 June 11, 10:18 PM
walang out there!
laging absent 24 June 11, 11:48 PM
wala ring boys!
laging absent 24 June 11, 11:48 PM
wala ding boys!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: