Dear Lady S,![]()
Isa po ako sa nauto ninyo, este napabilib ninyo at na- carried away sa mga payo ninyong swak sa puso.
Kaya naisipan kong sumulat sa inyo dahil naniniwala akong hindi naman mapapariwara ang aking buhay kung makikinig ako sa isang babaing bakla kung bumanat, pero saludo ako sa style ng pagpapayo (ehem, i'm flattered- lady S)
Isang taon na kaming hiwalay ng unang lalaking inibig ko ng sobrang labis. Wa na paliguy-ligoy pa, kumalas ako mula sa pagkakabuhol sa kanya dahil isa siyang lalaking may asawa. Naging bulag ako sa pag-ibig na ito nang matagal-tagal ding panahon hanggang sa hindi na ma-carry ng aking kunsensiya na may naaagrabyado sa relasyon naming ito (but of course, the wife is the last person to know) Sa kanyang pagkawala, tinangay niya ang malaking parte ng aking buhay. Kaya inisip kong baguhin ang aking pananaw, balikan ang mga bagay-bagay na likas na sa akin lamang. Iyon ang mga bagay na hindi namin pinagsaluhan. Kinaya kong mag-resign sa aking trabaho at nagbago na rin ako ng mga hilig na gawin.
Binalikan ko ang isang piping pangarap bago pa man niya binulabog ang aking mundo. Ito ay ang pagguhit. Sa opisina, ipinuwesto ako katabi ng isang lalaking tawagin na lang nating ang Sangga. Nang unang lumanding ang aking mapang-akit na mga mata sa kanya, wala namang sumipa sa aking puso. Pero may something kay Sangga na humihigop sa aking atensiyon. Could it be his eyes dahil para akong nakaharap sa salamin kapag nakikita ko ang mga ito?
Tahimik lang ang Sangga. Kapag nagtatrabaho kami, konting salita lang ang naririnig ko sa kanya. Naging komportable ako sa kanyang katahimikan at unti unting nabuo at napagbuti ko ang aking sining. Pero one time, inilipat ang Sangga sa ibang palapag ng aming building (bagamat pareho kami ng mga project, hindi po kami pareho ng mga ginagawa.)
Nung nawala siya sa tabi ko, nanibago ako at parang nayanig ang aking kapaligiran. Nang hindi ko pala napapansin, sinangga ako sa kaguluhan ng Sangga. Pinanatili sa aking puwesto ng kanyang kalmadong presensya maging sa mabilis at nakaka-stress na mundong ginagalawan namin. Nang nalayo siya, biglang namulat ako't parang narinig ko ang lahat ng ingay, napansin ang lahat ng kalat.
Hinanap ko ang Sangga sa mga hallway ng opisina, sa canteen kung saan kami kumakain. Paminsan minsan, nakikita ko naman siya, at nagbigay ang mga panahong ito ng labis na katuwaan sa akin.
Isang araw, nagkasalubong ang mga mata namin. Matagal at malalim ang tingin nya. Isang sulyap galing sa mga matang katulad ng sa akin na nakadama na ng totoong pagmamahal ngunit nabigo. Wari'y nagtatanong. (Hindi ko nga lang po alam ang tanong!) Nagulat ako sa ganoong klaseng koneksyon. Parang ayaw kong maniwala..
Parang naramdaman ko ang damdaming nababasa ko lang sa mga libro, 'Yung kilig ng pagkakaintindihan ng dalawang kaluluwa, soulmates, twin souls, kindred souls o all Souls Day. Dahil hindi ako naniniwala sa mga ganon, pinilit kong baliwalain ang nangyari at ibalik sa normal ang lahat.
Tuloy ang buhay, tuloy ang mga sulyap. Hindi ko pinansin ang kutob na meron ako. Pero hindi ko rin mapagkakaila ang paghanga at tatak na iniwan sa akin ng Sangga. Hangang naramdaman kong gusto ko siyang maging kaibigan at posibleng gusto ko siyang mahalin.
Pero hintay! Minsang may natsitsikahan sa katabing table sa canteen, napag-alaman kong may nagmamay-ari na pala sa puso ng Sangga. Katulad ng huli kong relasyon, siya'y may asawa na. Isn't it ironic? Don't y'think? (well, boys are flying pigs! Hehe- Lady S)
Dahil parati ninyong sinasabi na bawal mag-assume, naisip kong maaring nagkamali ako. Na hindi niya sinadyang tingnan ako ng ganon. Walang pagsanggang naganap. Pero hindi maaalis sa isang tao na kapag ang puso ang ginamit upang magtanong, doon rin makikita ang sagot. Hinanap ko sa puso ko ang mga kasagutan. Pintig niya'y totoo ang aking nakita't naramdaman. Sa punto ng buhay kong sariwa pa ang hilom ng sugat na iniwan ng pag-ibig na aking tinalikuran, ayaw ko na ng kumplikasyon. Kaya't alam ko sa loob ko, iiwas na lang ako kay Sangga. Eto po ang mga tanong ko, Lady S:
Totoo po ba ang tadhana?
Bakit pinagtatagpo ang dalawang nilalang na may ganong koneksyon kung di naman puwedeng magmahalan at magsama? Parang pinatakam ka, pero di mo puwedeng kainin? Ipinakita sa iyo pero hindi mo puwedeng hagkan? (ang alin ang pinatakam ka pero di mo puwedeng kainin at ipinakita sa 'yo na di mo puwedeng hagkan? Hehehe. Iha, bakit mo naman pinalalampas ang ganyang oportunidad? Ang slow mo! I could kill you!)
Puwede bang mahalin ang taong hindi mo naman kilala o hindi mo man lang nakausap?
Pagmamahal ba ang nadama ko para sa Sangga?
Maraming salamat po sa tugon ninyo sa liham ko, Lady S. Rock On!
Slowly but surely
Para sa 'yo Slowly but surely,
Tatlong bagay: Totoo ba ang destiny? Yes, naniniwala ako. Sandamakmak ang pagkaguguwapong boylet ko ay kung bakit nauwi ako sa bungi. Anong tawag mo sa naging kapalaran ko? Itinakda ba o isinumpa? Hehehe
Puwede bang mahalin ang taong hindi mo naman kilala o hindi mo naman nakausap? Wrong. Love develops, it just don't happen at once. Libog lang 'yan. Ipaligo mo 4x a day, hulas na ang tama niyan.
Pagmamahal ba ang nadarama ko para kay Sangga? No, not yet. Like mo siya. Alright. Mas malalim ang depinisyon ng pagmamahal. Para itong kati na di puwedeng hindi kamutin or mababaliw ka sa pagnanasa.
Kagagaling mo lang sa isang kawawasak na relasyon. Here comes Sangga- may hatid na kiliti. At kilabot. Longing ka for someone na kukunsinti sa iyong nararamdaman. Pero anak ng tokwang, taken na si Sangga! Alam mo ba kung gaano kasalimuot ang buhay ng isang other woman? Itanong mo sa akin. Hehehe uli.
Dumiretso ka na ng lakad. Huwag ka nang lumingon- ibig sabihin, iiwas na ang mga paa sa maling tinahak na daan. No more wrong turns. Ngunit sa kabila ng suson-susong pagdadalamhati sa kung anu-anong drama ng buhay, huwag kang mapagod magmahal, minahal ka man o tinalikuran, may balik man o wala, magalak ka pa rin.
Bawat luha, bawat ngiti, bawat tunog ng halakhak, bawat sugat sa damdamin ay hayaan mong sumigaw ng pag-ibig. Habang umiikot ang buhay, may Sangga 1 at Sangga 2, Sangga 3 at Sangga 4 ( up to Sangga 10) na darating sa iyong buhay upang aliwin ka, baliwin, paiyakin, pa-tumblingin. Kuha mo? Marami pa, huwag kang mag-alala. Kaya huwag magpakamatay at huminto sa isa. And once again, I repeat, bawal mag-assume! Kung mababaw lang ang mga inaaasahan, hindi magiging malalim ang sugat. Asa ka pa kasi, eh!
Heto ang sampung imposibleng bagay na dapat mong paniwalaan tungkol sa mga lalaki:
-
Mahal ka niya (Weh, 'indi nga??!!)
-
Isa kang babaeng pang relasyon (hindi pang-kama)
-
Wala siyang ibang mamahalin kundi ikaw lang ( tell that to the marines!)
-
Hindi niya papatulan ang isang alindog na gaya ni Cristine Reyes kung manunukso ito
-
Ikaw pa rin kahit 35 ang waistline mo
-
Ikaw lang ang babaing hinalikan niya (with feelings)
-
Kayo pa rin at the age of 50
-
Lahat ng sasabihin niya, totoo
-
Mag-i-email siya, text, call, chat kung mangingibang-bansa siya
-
Iiwasan na niya ang yosi, alak at gro's alang-alang sa pag-ibig niya sa iyo
Kaya Slowly but surely, sakay lang ng sakay! Ang seryoso, pangit!
Lady S
Image licensed under CC ![]()
![]()
Some rights reserved by dhammza / off
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









