The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Mahal kita maging bouncer ka man

Mahal kita maging bouncer ka man

Dear Lady S,

Image licensed under CC Some rights reserved by DieselDemonSimpleng babae lang po ako. Uma-Anne Curtis lang naman sa porma at kajologan. May pera po ang parents ko at matagal na nilang sinabi na pagka-graduate ko ng college ay papasok ako sa negosyo ng pamilya namin. Pero Lady S, gusto ko ng buhay that I work hard for kaya nagtatrabaho po ako sa isang ad agency sa Makati.

Birthday po ng isang friend ko mga two months ago. Since matagal na rin na hindi kami lumalabas, gumimik po kami sa isang super club dyan sa Quezon City. May napansin po akong isang lalaking nakatingin sa akin, hindi naman po malisyoso ang titig niya. Gumanti ako ng ngiti (lekat, ang umbok ng mga muscles ng loko).

Nang pauwi na kami, sinundan pala niya ako. Sabay abot ng papel na nakasulat ang contact number niya. Gary ang name niya. Nagulat at na-impress po ako sa kanya kasi noon ko lang na-feel 'yung meron akong freedom na ako ang unang magte-text sa kanya. It's as if iniwas niya po ako dun sa embarrassing moment ng pagtatanong niya kung pwede niyang kunin 'yung number ko and at the same time, giving me power to text or not. Isang bagay that I equate to trust and respect. So, tinext ko po siya at tuloy -tuloy na 'yung communication namin hanggang napalapit po talaga 'yung loob ko sa kanya. Parang napi-feel ko po na nagmamahal na ako, at ramdam kong gayon din siya sa akin. Okay na po sana ang lahat except lang sa isang fact. Bouncer po kasi siya nung club na pinuntahan namin. Let's call it as it is, mas mababa po 'yung kinabubuhay niya sa akin.

If by working outside of the business, ganoon na 'yung reaction ng mga magulang ko, papano pa po kaya kung magdadala ako ng katulad niya sa bahay namin? Siyempre, gusto ko naman po na maging legal kami sa mga pamilya namin kung sakaling maging kami. Itutuloy ko pa po ba ito?

 

Sosyalera

 

 


Dear Sosyalera,

Ang pagiging bouncer ba ni lover boy ang sukatan mo ng sekyuridad? Maano kung bouncer lang siya? Paano naman kaya 'yung may mga bonggang-bonggang boyfriend na halimbawa ay mga executives at di madapuan ng langaw pero mga manloloko naman pala at paluluhain ka lang? Iha, walang kasiguraduhan ang anumang bagay sa mundo. Even love is imperfect.

Hindi naman siguro siya magiging bouncer forever. Mayroon pa ba siyang ibang ambisyon? Mapag-uusapan ninyo ang bagay na ito pero iwasan mong makanti ang soft spot niya at sensitibo ang isyu ng kanyang work. Akitin mo siyang mag-try ng ibang trabaho. Sabihihin mong paano na kung magkakatuluyan kayo at manganganak ka ng pito o walo, baka hindi sumapat ang kita kaya ngayon pa lang, paghandaan na ang kapalaran ng mga future hunks (siyempre magmamana sa tatay nila).

I am sure hindi naman lalait-laitin ng parents mo ang job description ng iyong boylet. Taas-kilay lang naman sila sa simula pero kapag naramdaman naman nilang pure ang intention nung lalaki, yes na rin ang boto nila kinalaunan. Pero bago mag histerya si mother, i-press-release mo na sa kanya kung ano ang bisi-bisihan ni Gary (kamukha ba siya ni Jhong?)

Isa pang point to consider, kaya ba talaga ng powers mo na ganoon ang trabaho niya? Bukod sa dangerious ito at expose sa gulo, nagkalat ang temptation--here, there and everywhere. Puwede bang tumanaw ka nang malayu-layo para mapaghandaan mo kung sakali ang mga stress at tensions ng ganyang trabaho ng soon-to-be partner mo?

As long na may konek kayo at happy ka, go, go, go! Pero huwag ka lang basta tumingin sa kanyang mala-Machete na anatomya. It should be real love, ateng! Paki-send naman sa akin ng pix at nang makaliskisan. Isang bagay pa, tiyaking hindi nangjo-jombag ang lalaking 'yan. Mahal magpa-ospital ngayon.


Lady S

 


Image licensed under CC Attribution Some rights reserved by DieselDemon.


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

joncris 23 May 11, 05:28 PM
wow ahhh ganda naman
sosyalera 10 June 11, 04:06 PM
ndi nya po kamukha si jhong!

Si monsieur del rosario po :)

salamat po ulit, Lady S
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: