The Philippine Online Chronicles

The POC
Friday
May 25
Home Features Buhay Pinoy Love Advice Tropa lang siya... tropa!

Tropa lang siya... tropa!

Dear Lady S,

Ilang beses ko nang nabasa sa inyong column ang mga masalimuot na kwento ng pagmamahal, lalung-lalo na sa pagitan ng magkaibigan na nasa bingit ng pag-iibigan.

Image: AttributionNoncommercialNo Derivative Works Some rights reserved by McBeth.Madalas namin itong pagtalunan ng aking mga kabarkadang lalaki. Ilang ulit na rin kasi akong natabla ng mga babaeng pinakitaan ko ng espesyal na pagtingin — yung beyond friendship. Madalas kasi akong ma-”friend zone” — ang siste'y “kaibigan” lang ang tingin sa akin.

Kaya siguro naging ganoon ang mentality ko: Kung ang babae'y ka-”tropa” lamang, hanggang 'dun lang ang inyong relasyon. Katropa, kabarkada, kaibigang di mo kailanman makakatuluyan, kahit sa loob-loob mo'y mahal mo siya nang wagas at tunay.

Kaya kapag kinakantiyawan ako ng mga lalake (at ilang mga babae) kong kabarkada sa isang magandang dilag na nagiging ka-tropa ko rin, ang bukambibig ko, “Pare, wag 'yan, tropa 'yan” na susundan ng kanilang malalakas na halakhak at kantiyaw.

Katulad ng babaeng ito na kamakailan ay nakilala ko. Napaka-friendly niya, pareho kaming mahilig sa musika, at sobra akong nakaka-relate sa kanya at sa tingin ko ay pagkakaibigan ang nabuo sa pagitan namin at hindi naman lumalabis doon. Tropa ang tingin ko sa kanya, at sa malamang ay tropa din ang tingin niya sa akin. Pero parang may kislap sa kanyang matang kulay kastanyo, na sa tuwing nagkakasalubong ang aming tingin ay lumiliwanag nang husto ang aking buhay. Parang mahal ko na siya, pero pinipilit ko pa rin siyang tingnan bilang ka-tropa.

Ang problema, Lady S, sa araw-araw naming pagkikita, ay lalo kong pinipigilan ang aking damdamin. Pinananatili ko pa rin ang espasyo ng pagiging mag-tropa sa pagitan namin. Ngunit habang nananatili ang damdaming iyon ay sumisidhi ang aking pagtingin sa kaniya. Parang gusto ko sana siyang makasama habangbuhay. Parang gusto kong maging akin na siya.

Lady S, nahihirapan na ako. Ikaw lang ang masasandalan ko sa ganitong sitwasyon. Makatuwiran bang ligawan at makatuluyan ang isang ka-tropa? Ayoko nang maulit ang mga pagkakamali ng nakaraan.

Tulungan mo sana ako.

 

Losser Me


 


Dear Losser Me,

At bakit naman tino-torture mo ang iyong sarili? Kung mahal mo, sabihin mo! Pag nag-inarte, halikan mo! Palagi tayong nagkakamali pero 'dun tayo matututo. Now, kung hindi ka pa rin natututo, e di forever kang magkakamali.

Ano ba, araw-araw me eksenang ganyan sa world. Friendship sa simula. Then mai-in love. Ang masakit, kung isa lang ang na-in love at 'yung isa, friend lang talaga. Patibayan lang 'yan ng baga. Oo, masakit. Pero masarap pa ring magmahal kahit talunan. Mahal mo, eh. Kulit kasi ng pagmamahal na 'yan. Saan ka ba magiging masaya? Sa pagpipigil ba nang panggigigil o mag play safe na hindi na masasaktang muli?

Ako ang tanungin mo. Ang answer, pakakawalan ko ang laman ng puso ko. Fly galore ang drama. Sasabihin ko pa rin, hayup ka, mahal na mahal kita kahit parang hangin lang ako na dumadaan sa pandama mo!

At ikaw naman, member ka agad ng losing team. Higupin mo muna ang kape para malaman mo kung mainit. Ihakbang mo muna ang unang paa bago lumubog sa kumunoy -- ibig sabihin, huwag kang matakot sumubo -- este sumubok pala. Eh paano kung pakiyems lang pala ang girlalu na yan tas 'yun pala eh naghihingalo na sa paghihintay na ligawan mo? Naku, malamang na sumisinghot ka na ng rugby sa pagdadalamhati dahil sa kaduwagan mo. Kabagal-bagalan ka, kuya! Huwag nang isaalang-alang ang poise, sugurin na siya at aatakihin na ako sa pagpapatumpik-tumpik mo!

Now, kung tumataginting na “sorry, tropa lang talaga tayo” ang sagot, huwag kang sumuko! Ganyan talaga ang bayaning nasusugatan, aabutin ng 100 years pero hindi mapuputol ang pag-asang siya pa rin ang magwawagi. At kung hindi na makakayanan ng spinal cord mo ang bigat ng “no” for an answer, mag scout ka na ng billboard kung saan ka puwedeng tumalon (joke lang!). Ang ibig kong sabihin, kung na-exhaust mo nang lahat ang posible at imposibleng paraan to win her love, eh talagang naririmarim naman sa iyo ang babaing walang pakialam sa mundo, kuya naman, sandamakmak ang lahi ng mga babaing vaklesh ni Lola Eba. Moment na talaga upang maghanap ng ibang kandungan -- 'yung naglalagablab sa pagmamahal.

Tigilan na ang useless stress. Hindi kita dadalawin sa ospital ng mga nabaliw sa pag-ibig at ayokong mahawa sa kamalasan mo. At kung truk na bilib ka sa mga payo ko at wala kang takot mapariwara ang buhay mo kapag sinundan ang footprints ko, try mo lang. Totoong napakasakit na may minamahal ka pero wala namang ganting pag-ibig, ngunit kung solid ang love na 'yan, hindi ka na mangungulit na humingi ng bagay na hindi niya kayang ibigay. Malay mo naman, makikita ka pa rin niya habang nariyan ka pa at hindi kung kailan wala ka na.

Let's drink to that!

 

Lady S

 


Image: AttributionNoncommercialNo Derivative Works Some rights reserved by McBeth.

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

laya 29 April 11, 06:22 PM
Ako ang unang makakapagcomment... I LOVE YOU LADY S!!!!!! :P Weh.

Agree na agree ako sa advice dito haha. Onga naman, Losser Me. Di mo pa natatry, atras ka na agad. Malay mo, di ba.
karlo sevilla 29 April 11, 07:05 PM
Alam mo Losser Me, parehas lang tayo. Ako nga sa opisina ko na nilisan ko na kaninang hapon lamang, nakokonsiyensya ako dahil nag-resign na ako samantalang hindi pa nakakahingi ng kapatawaran: Sa katabi kong editor na lagi ko'ng iniistorbo ng mga tanong ukol sa aking mga sinusulat. Alam ko minsan (o baka lagi?) naiinis na siya sa kakulitan ko. Ngayon nga'y iniisip ko ay nahihiya na ako.

Tanong ako ng tanong ng mga katanunungan na kadalasa'y alam ko naman ang mga sagot; hindi lamang talaga ako makapagtimpi na marinig ang kanyang tinig at matitigan ang kanyang mga mata.

Kaya ngayon, sa aking alaala na lamang ang aming mga question & answer portions. Tulad kanina nang tinanong ko siya kung totoong patay na si Ninoy, at sumagot siya sa kanyang matamis na tinig ng, "Noong 1983 pa."

Kaya kung ako sa'yo, hataw na at ipaalam ang iyong totoong nararamdaman kay Tropalicious! : P

Ako nga pala si Single Me. :-p

ivyleaf 30 April 11, 09:21 PM
Peace karlo!
Easy lang, ser 30 April 11, 11:30 AM
[Paumanhin kay Lady S, dahil ako'y sasalungat sa kanyang payo.]

Dear Pareng Mer--ESTE Losser Me,

Go lang naman ako sa inyo, kung sa tingin mo'y may posibilidad maging kayo, basta't mag-pacing ka nang maayos. Patunayan mong natuto ka nga sa iyong kasaysayan. *ahem* (Ano ba kasi't ang hilig mo sa magagandang medyo madalas umabsent, ha?!) Kung seryoso ka, bagal-bagalan mo dong, dahil wala pang isang buwan kayong magkaibigan. Baka kasi ang konsepto mo ng "bagalan" ay mula 100kph, gagawin mong otsenta na lang.

At huwag kalimutan: BAWAL MAG-ASSUME. MAY NAMATAY NA RITO. (ngunit nabuhay muli at baka ulitin ang kanyang pagkakamali)
secret lang pero si tet to 30 April 11, 03:55 PM
*facepalm

Sino ba kasi nagpauso ng tropa na yan eh. G lang
nang G Losser Me walang mawawala sa'yo kung subukan mo,

Mas mainam na ang sumubok at nasawi kesa maraming pagsisisi sa huli.
Wagca John Aquinto 30 April 11, 04:09 PM
damdamin ba talaga ang hindi mapigilan?

kailangan munang pag-isipan ni merc...i mean losser me kung pag-ibig nga ba yan o hibo ng kalupaan. kase di niya pa nga ganoon kakilala tapos matinding damdamin na agad ang nararamdaman niya? san niya binatay ang damdamin na yun, mehn?

kung ako yung "tropa", sobra akong mahahassle. maiisip ko, shet, tao lang ako hindi ako perpekto para ilagay sa pedestal. at bakit ako binabakuran e hindi naman ako kanya? magiging polite na lang ako tapos unti-unti akong lalayo.
generic subpoena 30 April 11, 04:19 PM
^Ser Aquinto, parati bang may batayan ang pag-ibig? Iyan ang pinakasubhetibong bagay sa mundo. Isa syang damdamin--damdaming irasyunal at baliw, ngunit ang nais lamang ay ang ganap na kaligayahan ng tao.

Siguro hindi ka naniniwala sa kasabihang love-at-first sight. Siguro, di mo pa naranasang magmahal nang parating inaantay ang bukas, para makita mo siyang muli.

Lovers have feelings, too. :P Mag-abang ka na lang ng pana ni Eros.
Wagca John Aquinto 30 April 11, 04:43 PM
Merck, ang damdamin ay lumilipas, nagbabago. Kaya hindi dapat gawing pundasyon ng isang relasyon. Kung ang pag-ibig ay irasyunal at baliw, terorista at anarkista lang pala ang nagmamahal.

Sino na nga ba yung nakainuman kong nagsabing ang pag-ibig ay isang desisyon? Ah tama, ikaw yun.

Love at first sight? Napaka-Amerikanisado naman ng konsepto ng pag-ibig na yan, komrad. Imbes na manood ng mga pelikulang hollywood at makinig sa mga awiting kanluranin, subukin mong maging mas Pilipino: "Ang catacatayac, sucat mapagcati ang dagat." o kung susundin mo ang payo ni tet, huwag kalilimutang ang tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
ang pagbabalik ni merck 30 April 11, 04:56 PM
Hoy ba't nadadamay ako dyan? EZ! Chill lang!

Maraming shiznits ang pag-ibig, mga brader. Kaniya-kaniyang pagtingin yan, kaniya-kaniyang pagtanaw, kaniya-kaniyang diskarte. Ang mahalaga, ito dapat ang tulak na nagpapagalaw sa atin nang pasulong. To love is to be human. Basta walang "foul".

Love is a feeling, a choice, and a decision. Pagdating sa pag-ibig, digs na, wala nang kuna ano-ano pa.

Simple lang ang sagot sa problema ni Losser Me: Just be yourself, spread the love, at magpakabuti. Rakenrol lang kapatid! :D
ang pagbabalik ni merck 30 April 11, 04:57 PM
Infernez, na-miss ko si Lady S. Lady S, kelan ba uli tayo mag-iinuman kasama ni Mr. Option at ng mga bagong commenter dito sa column mo? :P
hindi ako si yol 30 April 11, 05:09 PM
i love music
go go go 02 May 11, 09:14 AM
merck maguddayao!! ikaw nga!
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Buhay Pinoy Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer

Sulatan si Lady S

Patunayang ika'y tunay na tao: Ilan ang mata ng tao?
Email:
Subject:
Message: