Ano ang gagawin mo kungsakaling mag-goodbye ang boyfriend mo dahil pakakasal na raw sila ng ex niya? Hindi ba dapat ay isumpa mo siya? Pero bakit laging “kaya lang ay sobrang mahal pa rin kita...”
Dear Lady S,
Alam ko pong kayo ang takbuhan ng mga taong nangangailangan ng tulong tungkol sa mga problema sa puso. Kaya po ngayong may malaki akong dinaramdam, kayo ang unang unang taong naisip kong hingan ng payo.
Matagal ko na pong boyfriend si Ryan. Dapat nga po ay bonggang-bonggang isi-celebrate namin ang aming 8th year anniversary ngayong April 6. Malalim na po ang aming pinagsamahan.
May pagkakataong minsan ay naisip naming magpakasal na at bumuo ng sariling pamilya. Pero dahil may kanya-kanyang career pa kaming inaayos, ipinagpaliban muna namin ito.
Pumunta siya ng Dubai nung February 27 para sa isang project. Maayos naman po ang naging pakikitungo namin sa isa't isa bago siya umalis. Sa katunayan, sweet pa nga po siya sa akin at magkasama kami ng dalawang buong araw bago siya umalis, nagkulong sa bahay niya dahil alam naming mami-miss namin ang isa't isa. Naramdaman ko pong naging preoccupied siya nung nasa Dubai siya. Inisip ko po na busy lang siya. Gayon pa man, patuloy po ang text, tawag at Skype namin.
Hanggang sa bumalik na siya ng Pilipinas. Sobrang saya ko! Nang nagkita kami, muli nakaramdam ako ng pagbabago sa kanya. Parang hindi ko po siya makausap ng matino. Kahapon po habang kami'y nagde-date sa Trellis sa Kalayaan, natuklasan ko kung bakit.
Sabi po niya, "I'm saying goodbye."
Nakikipag-break na po siya sa akin at magpapakasal na daw sila ng ex niya. Parang pinagsukluban po ako ng buong Pacific Ocean sa sinabi niyang iyon. Hindi ko po alam kung anong magiging react ko. Wala po akong nagawa kundi ang tumalikod at tuluyang umalis.
Simula noon ay umiwas na ako sa mga tawag at bisita nya. Gusto niyang maintindihan ko siya. Pero anak naman ng mamaw, paano po ba kakayanin ng powers ko ang ganoong sitwasyon? Parang gusto ko na pong mag-Anggie Reyes. Bukod po kay Jose Cuervo na ka-date ko muna kagabi hangang ngayon, ano po ba ang pwede kong gawin?
Maraming salamat po, Lady S!
Nagmamahal,
Ms. Bitter
Dear Ms. Bitter,
Feel mo pa bang marinig ang kanyang mga paliwanag? At maniniwala ka pa ba sa mga “ oh, promise me” na sasabihin niya? May maitutulong ba sa iyong pagdadalamhati kung pakikinggan mo siya at pagkatapos ng please explain to me like I'm a five year old girl ay magiging okey ka na?
Dahil kung ang opinyon ko ang tinatanong mo, ang very clear kong sagot ay sa presinto siya magpaliwanag. All these years, pagkatapos ng lahat-lahat ng tamis na pinutakte ng langgam sa pagitan ninyo, sa buong-buo mong pag-ibig at pagtitiwala, something is going on pala at your back? Chinuchurva din pala niya ang kanyang ex? At nagpaplano na palang magpakasal ang mga imbi? Eh hindi ba't sobrang pang-aapak na iyan sa iyong dignidad kung meron ka nga?
Aba eh di hayaan mo siyang magpakasal! Ano naman ang mapapala mo kung magka-cry me a river ka buong buhay mo? May mababago ba sa katotohanang he is getting married if you will destroy yourself? Ateng, wala! Dahil kung talagang labs ka ng lalaking iyan, hindi siya susubo agad sa desisyong pakasalan ang ex niya dahil pahahalagahan niya ang damdamin mong tiyak na masusugatan. He should have talked about what is going on with your relationship muna. Me mali ba. Me dapat bang baguhin. Me problema ba. Dumaan man lang ba sana sa ganoong proseso bago siya nagdesisyon to break your heart.
Ang rule number 1 kapag wasak ang puso: Utang na loob, huwag na huwag pag-aksayahan ng luha, isip, panahon, lakas, ganda, kabataan, kahabaan ng hair, ka-kyutan, kaseksihan at katalinuhan (kahit konting-konti) ang mga lalaking balasubas, walang isang salita, sinungaling, manloloko, pasakay lang, manyakis, bato, cold-blooded animal, giant male reproductive organ, mayabang, mambibitin, at most of all, selfish na ang alam lang na meaning sa dictionary ay I, me, ako, at akin.
Say goodbye to your nightmare.
Lady S
Image:
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









