Ang hirap, Lady S, kahit sobra akong nasasaktan sa ugali ng boyfriend ko, umaasa pa rin akong mamahalin niya ako at magkakabalikan kami...
Dear Lady S,
I'm 30 yrs old from Jeddah. Pareho kaming nandito ng boyfriend ko with our families. Minsan po, nagkainuman sila pareho ng boyfriend ng sister ko. Naging madaldal yung boyfriend ni Ate at sinabi niya kay Edward (di niya tunay na pangalan) na galit sa kanya ang mga magulang ko which is hindi naman totoo. Ang naging feeling ni Edward ay natapakan ang pride niya at na-bad trip siya sa boyfriend ni Ate. Halos isang buwan mahigit na dinamdam niya ito. Maski nga po sa akin ay nagalit din siya. Napansin ko, Lady S, na andaming bagay na ang nabago sa kanya. Isa rin sa ikinagalit ni Edward ang pagdalaw ko sa bahay nila. Bakit daw delayed reaction ako. Bakit daw huli na kung bumawi ako at bakit daw hinintay ko pang mapuno siya at saka ako nag-e-effort ng ganito. Mas naiinis lang daw sya ng ganun.
Inamin din niya sa akin, lady S, na may anak pala siya. Hindi ko ito inaasahan. Nabiglang-nabigla ako at napaiyak sa sama ng loob. Pero tinanggap ko pa rin ang mapait na katotohanang ito dahil sobrang mahal ko siya. Ang sabi niya sa akin ay pabayaan ko muna siya. Gusto daw po niya ang mapag-isa. Ang labo niya. Pero sinunod ko ang request niya kahit hirap na hirap ako sa ganitong sitwasyon.
Minsan, nag-text siya. Nag-reply naman ako. Miss na miss ko na siya, Lady S. Nag-send ako sa kanya ng mga pictures at videos namin na ginawa ko para sa kanya. Please help me. Lagi na lang akong umiiyak. Nag-sorry na ako sa kanya pero hindi naman ako ang pinaniniwalaan nya. Magkakaayos pa ba kami?
Ms. Stupidity
Dear Ms. Stupidity,
Alam mo, me personality problem ata ang boyfriend mo. Pina-drug test mo na ba 'yan? Una, naniwala agad siya sa boyfriend ng Ate mo na galit sa kanya ang mga magulang mo. Ni walang research na ginawa kung why galit ang mga oldies, aber? Ikalawa, at bakit naman siya magagalit sa 'yo? Anong konek, iha? Ikatlo, nag-effort ka na nga na makipag-ayos sa kanya, nagalit pa siya at kung anu-anong “dahil” ang pinagsasabi niya. Ikaapat (at huli na sana), nag-request siya ng space para mapag-isa na ibinigay mo naman at humingi ka pa ng sorry (for what?!) pero hindi siya naniniwala sa iyo.
Marami siyang isyu sa buhay, Ms. Stupidity, na sa pakiramdam ko ay dapat muna niyang i-settle. Tingnan mo, ha, maliwanag pa sa sinag ng super moon na niloko ka niya. May nabanggit ba siya tungkol sa nanay nung bata? Ano ang status ng relasyon niya sa kanyang estranged wife? Pansin mo ba ang pagiging mainitin ng ulo niya at mga reasoning na baliko? Imbes na ayusin niya kayo, puro sa kanya ang iniintindi niya. Kaya ganyan ang inuugali niyan, dahil magulo ang mundo niya at ang utak niya. Kung mahal ka niyan at naniniwala siyang mauunawaan mo ang sitwasyon niya, magiging matapat siya sa pagsasabi sa iyo ng mga problemang karga-karga niya.
Hindi naman yata napakabigat at napakalalim ng nangyari para hindi ka niya magawang patawarin. Siya nga ang me atraso, loka ka ba? Sinungaling na nga siya, siya pa ang nagmamaganda! Aba'y kahaba naman ng hair niyan! At aba, baligtad ata. Ikaw pa ang nagso-sorry at ikaw pa ang hindi pinaniniwalaan! At ikaw pa ngayon ang ngumunguyngoy at mega krayola ang drama mo sa hindi ko maunawaang dahilan! Naku, Ateng, gumising ka! Baka manasin ka sa katutulog!
Pakilinaw lang sa lalaking iyan kung ano na ba talaga. Kung hindi ka na niya mahal (at nagpi-feeling akong talagang hindi) at trip niyang magalit na lang sa 'yo for life, you should rejoice! Dahil hindi ito ang tipo ng lalaking magiging mainam na kapareha sa maikling panahong ilalagi mo sa mundo. Hindi lang space ang ibigay mo sa kanya, pati spaceship bigyan mo siya para sa kalawakan na lang siya mag-stay forever. Ateng, liglig ang dagat sa isda, gets mo? You won't magically understand things pero darating ka rin sa puntong ito. That I am very sure.
And please don't waste a tear. Ireserba mo 'yan sa mas nangangailangan.
Lady S
Image: ![]()
![]()
Some rights reserved by dissolve.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









