Now, as as the last days of autumn fade in America and Canada, summer approaches in Australia and New Zealand and Christmas is in the air in both hemispheres. Daylight saving time begins in one and has ended in the other and the backyard barbecue season follows suit. The Pinoy expats have made the backyard barbecue their own institution but like most migrant traditions, this one is generational. The men who gather around the barbecue grill in the (variously-named) patio, pergola, back porch, home extension, terrace, veranda, gazebo, deck, poolside, garden shed, etc., are almost all baby boomers and orig migrants – their grown sons do their drinking indoors while watching football or NBA or old Pacquiao fights on plasma or LCD. We’ll talk about the womenfolk in another expat file. The men around the barbecue grill each have their special marinade recipes and continually swap grill technique tips but it’s not really about the meat (their tastes run to skewered pork in the U.S. and lamb chops in Ozland) but it’s more about what they talk about that matters. The smoke from the grill (memories of Kundangan in Divisoria and Grand Inihaw near Monumento) causes nostrils of arriving guests to flare and sniff all the way up the driveway.
But it is the conversation that marks the party as truly Pinoy. On one such recent barbecue party, the talk went this way and that.
This is what they said -
Oy, balik ka na pala. Kelan ka pa dumating?
Kumusta sa Pilipinas?
Nakapag-Boracay ba kayong mag-asawa?
Kumusta iyong kasalan? Kumpare mo na raw pala si Binay.
Kami naman ng Mare mo, next year. Pag-iipunan.
Kumusta iyong biyaheng pa-Manaoag? Nadale ba kayo ng traffic?
Nadale ba kayo ng pulis doon sa bayan nina JunJun? Naka-abang sa pagliko sa plaza.
Next year pa nga. Malamang sa May pa kami…. pag May pera na.
And they said –
Ah, panganay ni Romy iyon. Talagang matinik sa babae iyong batang iyon.
Iba yata ang kasama ng bata mo ngayon. Di ba ang girlfriend noon iyong Italianang naka-Audi?
Nabubuwisit na nga ako’t nagkakapalit-palit ang pangalan sa dila ko. Parati na lang kaming namamali sa pangalan pag tumatawag sa telepono.
Maganda iyong una. Ang laki ng puwit. Parang si Serena Williams kanya lang maputi.
Sabi nga ng nanay niya – mag-asawa ka na nga. Sobra sobra ka nang nasa edad para mag-asawa na. Tigilan mo na iyang pasample-sample. Ewan ko ba.
Ikaw naman ang taong bago nang bago sa asal ng sariling anak. E kanino pa nga ba magmamana iyan.
Talagang ang bayabas ay hindi magbubunga ng singkamas. Kunwari ka pa.
Siyempre pag babaero ang ama, ang anak e dehumanizer .... uhrrm, womanizer.
Oy, sa Pilipinas iyon. Noong araw iyon. Ngayon retired na ako.
Retarded ka na.
He he he …. Pa-Via-Viagra ka na lang pala.
He he he .... akala ko IT ang tinapos noong pamangkin kong iyon. Babaeyology pala.
And they said –
Nagkita nga pala kami ni Manny kahapon sa Seafood Market. Namimili ng scallop. Class, pare.
Tumawag kanina. Hindi raw makakarating.
Hiwalay na nga ba sila ni Yoly?
Ang daming balita. Parang radyo Pinoy. Puro diumano at napag-alaman kuno…
Mahirap pag may involved na third party.
Kasamahan din daw nila sa trabaho. Puti daw.
Puti? Puti ang sinamahan ni Yoly?
Sayang naman. Bagong remodel lang ang bahay nila, di ba?
Kalungkot naman ng kasaysayan ni Manny. Pinagpalit sa supot.
Oy, masyado kayong tsismoso.
Anong akala mo, babae lang ang puwedeng magtsismis?
Anong malay mo, e pusong babae din ako … kahit may bigote.
Lumayo layo ka sa akin … humanap ka ng sarili mong supot na puti.
And they said -
Ed, na-recession na ba si Pareng Miling? Bakit nawala na yata iyong old stock niya ng Chivas?
Beer lang muna yata. Baka maya maya pa iyong hard pag dating ni Father.
Ganoon ba? Hindi tayo malalasing niyan.
Papano kang malalasing e puro chicken wings ang binabanatan mo. Ano ba iyang nasa baso mo, Pepsi Max?
Nakow! Kaya pala papilay pilay ang lakad nito kanina. Matindi ang gout siguro nito.
Inom agad ng Xylophrim.
(Bulong) Gout nga ba o may tama dahil may sakit sa babae ?
Hindi naman …. matanda na lang kasi.
Huwag kayong magbulungan diyan. Kalabaw lang ang tumatanda.
And they said –
Kausap ko si bayaw kagabi. Matindi raw ang unemployment sa Vegas. Daming na-lay-off. Masuwerte na raw makakuha ng casual part-time.
Dito rin, akala mo, Di ba nagsara iyong planta nina Dodong noong July? Baka hindi daw mabayaran lahat ng entitlement nila.
Mabuti kamo maganda iyong offer na package – parang one and a half months yata for every year of service --- tapon nga lang ang mga sick leave.
Ano nga ba ang nangyari sa kanila? Away management-union ba?
Hindi naman yata. Lumipat lang ang operation sa Tsina.
Lahat na lang ngayon e nasa China na. Pero iyong mga estudyante, nandine namang lahat.
May pera sila. Pag may pera ka, madaling makatuntong dito.
Tayo nga, hirap na hirap humila ng kamag-anak dito. Pag-asa na lang yata e mag-boat people.
Puwede ring ihanap mo na lang ng mapapangasawa. Iyong biyudo o biyuda na otsenta anos na.
Puwede na nga pala si Manny pag divorce niya. I-komersiyo na lang niya. Twenty five thousand yata ngayon ang patakaran para kasal sa citizen.
Twenty five… aba puwedeng patusin, baka mayamang Vietnamese ang mapangasawa niya.
And they said –
Parang may nagkakantahan na sa loob.
Ah, si Ernie lang iyon, nagpapraktis na ng karaoke.
Si Ernie nga, nadidinig ko na ang pamatay niya .. Delilah.
Oy, malaki na ngayon ang repertwa ni Ernie. Nakalista na sa kodigo. Nasa bulsa. Para hindi na maghahanap pa ng number sa Magic Mike.
Talo siya ni Pol. Si Pol e parating may baon na sariling mike. Naka-set na.
And they said -
Oy, nagtatawag na si Mameng.
Blowing the candles na raw. Pasok muna tayo.
Kakanta tayo ng Happy Birthday bago magkainan? Ibang uso iyon a. Sige, makisama.
Baka daw magcollapse ang cake sa dami ng kandila.
Bakit, magkasing-edad lang naman kami ni Pare, ah..
Bakit, ilang taon ka na ba?
Kuwarenta’y siete sa katapusan.
Kuwarenta’y shit ….he he he .. numero yata ng bahay mo iyon, hindi edad.
Sa totoo lang, magkasing edad lang kami ni Obama.
Sa totoo lang, magkasing kulay lang kayo ni Obama.
Rolando A. Lampa
Melbourne, Australia
Photo: “IMG_2982” by Konstantin Zamkov, c/o Flickr. Some Rights Reserved
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









